Quantcast
Channel: Calamities and Disasters – UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 438

Video ng pagbangga ng Cebu Yellow Submarine sa corals, ibinigay na sa mga awtoridad

$
0
0
Ang pag-impact sa corals ng Cebu Yellow Submarine base sa video na kuha ng Japanese diver na si Satoshi Toyoda. (Screenshot from Satoshi Toyoda's video)

Ang pag-impact sa corals ng Cebu Yellow Submarine base sa video na kuha ng Japanese diver na si Satoshi Toyoda. (Screenshot from Satoshi Toyoda’s video)

CEBU CITY, Philippines — Nagsagawa ng ocular inspection ang Cebu City Environment and Natural Resources Office (CENRO) sa mga nasirang corals na nabangga umano ng Cebu Yellow Submarine nitong Miyerkules.

Ayon sa CENRO, may nakita silang mga nasirang coral sa ilalim ng dagat kung saan sinasabing bumangga ang submarine.

Una nang itinanggi ng may-ari at operator ng submarine na nabangga nito ang coral reef sa Maribago, Lapu-Lapu City taliwas sa video na kumakalat ngayon sa internet.

Ang video na ini-upload ng isang Japanese diver ang naging dahilan para ipatigil ng city government ang operasyon ng naturang submarine.

Sa pagharap sa media ni Angie Escaño, tagapagsalita ng Cebu Yellow Submarine and Undersea Tour Corp., sinabi nitong optical illusion lamang ang nakita sa YouTube video.

“The submarine if its operates there you have to release air, to manage the buoyancy and because of the release of air there was a crushing sound,”

Dagdag pa ni Escaño, “we vehemently deny that there is no crash because as I said if there was we would have our submarine damaged as well.”

Ipinakita naman mismo ng Japanese diver na si Satoshi Toyoda ang full video na kaniyang ini-upload sa YouTube. Kitang-kita sa video sa mas malapitan kung paano sumadsad ang sabmarino sa corals.

Ayon sa Japanese diver, inupload niya ang video dahil sa kanyang pagmamahal sa marine environment.

“Because I was surprised that time because I love the nature, I love diving.”

Kusa namang ibinigay ng Japanese diver ang full video na kanyang nakuha para sa imbestigasyon ng mga awtoridad.

Ayon sa CENRO, irerekomenda nila na magbayad ng penalties ang pamunuan ng Yellow Submarine kasabay ang pagsasagawa ng rehabilitasyon sa napinsalang bahura.

Irerekomenda rin nilang ilipat ang operasyon ng sabmarino malayo sa mga coral reef. (Naomi Sorianosos & Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 438

Trending Articles