Image may be NSFW.
Clik here to view.
Clik here to view.

Ang ilan sa mga estudyante ng Rizal Central School sa Tacloban na pumasok na sa kanilang klase. (UNTV News)
LEYTE, Philippines — Balik-eskwela na nitong Lunes ang mga estudyante sa Samar at Leyte, ilang linggo matapos ang pananalasa ng Bagyong Yolanda.
Sa makeshift classrooms muna magkaklase ang mga mag-aaral dahil hindi pa maaaring gamitin ang mga silid-aralan na napinsala at nagiba ng bagyo.
Ayon naman sa Department of Education (DepED), wala munang formal classes at sa halip ay stress debriefing ang gagawin upang maalis ang trauma ng mga mag-aaral sa naranasang kalamidad.
Sinabi ng DepED na hindi lahat ng paaralan sa dalawang lalawigan ay magbubukas dahil bukod sa nasira marami pa ang hindi nalilinis. (UNTV News)