Quantcast
Channel: Calamities and Disasters – UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 438

Mga residenteng malapit sa Bulkan Mayon, pinalilikas na

$
0
0

Ang tinatayang pagtahak ng Bagyang Glenda sa bansa sa mga susunod na araw base sa pagtaya ng PAGASA kung saan makikita na tutumbukin ng naturang bagyo ang Bicolandia. (SOURCE: http://meteopilipinas.gov.ph/map.php)

NAGA CITY, Philippines — Simula nitong Lunes ng tanghali ay kanselado na ang lahat ng pasok sa mga paaralan mula sa high school hanggang sa pre-school level sa lahat ng probinsyang apektado ng Bagyong Glenda sa Bicol Region.

Kabilang sa naturang lugar ang Catanduanes, Sorsogon, Camarines Sur, Camarines Norte at Albay kung saan nakataas pa rin ang storm signal no. 2.

Sa ngayon ay kanselado na ang biyahe ang roro vessel sa Virac Port sa Catanduanes papuntang Tabaco City dahil sa bagyo, gayundin sa lahat ng pantalan sa Masbate kabilang ang Ticao Island at Burias Island na sa kasalukuyang nasa ilalim ng storm signal no. 1.

Sa Albay, inatasan na ni Gov. Joey Salceda ang lahat ng local executives sa bawat bayan na palikasin ang mga residenteng naninirahan malapit sa Mt. Mayon bilang precautionary measures sa maaaring mangyari kung hahagupit ng malakas ang Bagyong Glenda.

Inihahanda na rin ang mga evacuation centers na tutuluyan ng mga magsisilikas na mga residenteng malapit sa bulkan kabilang ang mga bayan ng Guinobatan, Jovellar, Libon, Oas, Pio Duran at Polangui.

Sa kasalukuyan ang Camarines Sur naman ay nakaranas na rin ng pabugso-bugsong mga pag-ulan.

Samantala, umabot na sa mahigit 400 pasahero ang stranded sa mga pantalan sa Sorsorgon kabilang dito ang 71 trucks, 8 bus at 16 small vehicles na kasalukuyang nasa Matnog Port.

Sa Pilar Port naman ay may 1 stranded na fastcraft, 1 motorized banca at 1 truck; habang may 30 pasahero naman ang stranded sa pantalan ng Cataingan mula pa kaninang umaga, anim na sasakyang pandagat, pitong motorized banca, at tatlong trucks.

Kaugnay nito ay tiniyak naman ni Governor Rizalina Dayan Seachon Lanete na nakahanda ang Provincial Health Office, PNP, Philippine Army, Provincial Engineering Office, Coast Guard, at DSWD sa anumang magiging epekto ng bagyo. (Allan Manansala / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 438

Trending Articles