Quantcast
Channel: Calamities and Disasters – UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 438

MMDA, nagsagawa ng clean up drive matapos manalasa ang Bagyong Glenda

$
0
0

Nagsagawa ng clean up drive ang halos 700 tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA upang linisin ang mga kalat na bunga ng bagyong Glenda (UNTV News)

MANILA, Philippines — Nagtulong-tulong ang nasa 700 tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) upang linisin ang mga kalat na iniwan ng Bagyong Glenda sa Metro Manila.

Kasama sa unang nilinis ng MMDA ang kahabaan ng Commonwealth Avenue kung saan maraming puno ang nasira sa pananalasa ni Glenda.

Ayon kay MMDA Chairman Attorney Francis Tolentino, ang mga malalaking puno na nabuwal ay kanilang ituturn over sa TESDA at DENR upang mapakinabangan pa.

“Yung malalaki magagamit pang furniture eh. Mga centuries old yung iba sayang naman. Pero mayroon kaming bubuhayin dito kaya may kasamang culticulturist na baka may mabuhay na puno pa,” pahayag nito.

Ayon kay Tolentino, aabot sa 100 truck ng basura at bahagi ng puno ang kanilang makokolekta.

Sa taya ng MMDA, aabutin pa hanggang weekend bago matapos ang paglilinis sa Metro Manila.

“Pakiusap ko huwag lang sanang pakialaman, may report kasi dito sa loob ng UP na pwede pa pero tinistis na baka may paggamitan gawing upuan o ano. Private yung gumawa, sana huwag nilang pakialaman, mabuti kung itabi lang,” saad pa ni Tolentino.

Bukod sa Commonwealth Avenue, naglinis din sa San Juan City at sa Quezon Avenue ang mahigit 300 tauhan ng MMDA.

Ayon kay Tolentino, kasabay din nagsagawa ng clean up drive ang local na pamahalaan ng Las Pinas, Pateros, Marikina, Pasay, Taguig at Paranaque.

Handa naman ang MMDA na magpadala ng kanilang mga tauhan sa labas ng Metro Manila kung hihilingin ng ibang lugar na apektado din ng bagyo.

Sinabi pa ni Tolentino na nakatulong ang kahandaan ng mga lokal na pamahalaan kaya naiwasan ang maraming bilang ng casualty sa pagdaan ng malakas na bagyo. (Victor Cosare / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 438

Trending Articles