Quantcast
Channel: Calamities and Disasters – UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 438

Mga sugatang pasahero ng tumagilid na bus sa QC, nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team

$
0
0
Kutuwang ng Philippine Red Cross ay nilapatan ng first aid ng UNTV News and Rescue Team ang mga pasahero ng tumagilid na bus ng CEM Transport sa harap ng QC Hall nitong Linggo ng gabi. (UNTV News)

Kutuwang ng Philippine Red Cross ay nilapatan ng first aid ng UNTV News and Rescue Team ang mga pasahero ng tumagilid na bus ng CEM Transport sa harap ng QC Hall nitong Linggo ng gabi. (UNTV News)

QUEZON CITY, Philippines – Sugatan ang labingwalong pasahero ng CEM Transport Services bus nang tumagilid ito sa harap ng Quezon City Hall, alas-11 ng gabi ng Linggo.

Ayon sa pasahero ng naturang bus, nakikipagkarera ang driver na kinilalang si Miguelito Balingit sa isa pang pampasaherong bus nang mawalan ito ng kontrol sa manibela.

“Yung takbo namin puro karerahan, kahit paliko karerahin pa rin, wala ngang preno-preno eh,” pahayag ni Arnold Alamo, pasahero ng tumagilid na bus.

Kabilang ang UNTV News and Rescue Team sa mga nagbigay ng first aid sa mga pasahero na nagtamo ng mga gasgas at bukol sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Labing apat sa mga ito ay inihatid din ng grupo sa East Avenue Medical Center, habang ang iba ay umuwi na lamang sa kanilang tahanan matapos malapatan ng pangunang lunas.

Tuloy naman ang pagsasampa ng reklamo ang mga nasaktang pasahero upang turuan ng leksyon ang pasaway na driver.

Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to multiple injuries ang driver ng CEM Transport bus. (Benedict Galazan & Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 438

Trending Articles