Quantcast
Channel: Calamities and Disasters – UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 438

Recovery at rehabilitation effort sa Eastern Samar, nagpapatuloy

$
0
0

Ang mga transitional shelter na para sa Yolanda survivors sa Brgy. Suhi sa Tacloban City na kasama sa mga napinsala sa pagdaan ni Bagyong Ruby. (Jennylyn Gacquit / UNTV News)

TACLOBAN CITY, Philippines – Nagpulong sina DSWD Secretary Dinky Soliman at DILG Secretary Mar Roxas kasama ang mga lokal na opisyal sa Eastern Samar upang talakayin ang isasagawang recovery at rehabilitation sa kanilang lugar.

Nitong Martes ay idineklara ang state of calamity sa buong probinsya dahil sa lawak ng pinsalang iniwan ng Bagyong Ruby.

Sa tala ng PDRRMC, mahigit sa 12-libong bahay ang nawasak at 22-libo ang partially-damaged dahil kay Ruby kaya marami pa rin ang nananatili sa evacuation center.

Sa ngayon ay passable na ang lahat ng daan papasok at palabas ng Eastern Samar, maliban sa sirang tulay sa Bgy. Libas, San Julian.

Dahil dito, nakakapasok na rin ang tulong mula sa ibat-ibang ahensya ng gobyerno at non-government organization.

Nilinaw naman ng pamunuan ng Eastern Samar na sapat ang supply ng relief goods na dumadating sa probinsya.

Samantala, sa mga nag-aalalang kaanak ng mga taga Arteche, Hernani, Gen. McArthur, Salcedo, Mercedes, Guiuan, Quinapondan, Giporlos, Balangiga at Lawaan ay naibalik na ang signal ng Smart, samantalang naibalik na rin ang signal ng Globe sa Borongan, Eastern Samar. (Jenelyn Gaquit / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 438

Trending Articles