
FILE PHOTO: Ang isang evacuation center sa Calumpit, Bulacan noong August 20, Martes. (RODGIE CRUZ, Photoville International)
BULACAN, Philippines — Hanggang ngayon ay lubog parin sa baha ang Barangay Sapang Bayan sa Calumpit, Bulacan na abot hanggang binti sa kasalukuyang ginagawa ang balitang ito.
Sa dalawang libong residente ng barangay, 60 % porsyento rito ang nagka- alipunga dahil sa paglusong sa tubig baha.
Mapabata o matanda, problema ang sakit sa balat dahil hanggang ngayon ay wala pa silang natatanggap na gamot para dito.
Kaya naman ang iba ay pinagtyatyagaan na lamang ang kalamansi o ang pinakuluang tubig na may asin na pang alis ng kati. Mayroon ding gumagamit ng krudo ng sasakyan para hindi na lumala ang alipunga at hindi na kumalat pa.
Mahigit 300 katao pa rin ang nanatili sa evacuation center dito sa Barangay Poblacion, Calumpit.
Problema nila ngayon ang kanilang mga hanapbuhay dahil sa baha pa rin sa kanilang lugar.
Sa ngayon kakulangan sa supply ng pagkain, tubig at gamot ang daing ng mga residente rito. (NESTOR TORRES, UNTV News)