Quantcast
Channel: Calamities and Disasters – UNTV News
Viewing all 438 articles
Browse latest View live

Mga taga CAMANAVA, naramdaman din ang lakas ng Bagyong Glenda

$
0
0

Malakas na hangin ang dala ng Bagyong Glenda na nagging dahilan upang ang ilang mga puno sa Valenzuela ay mabuwal (UNTV News)

MANILA, Philippines —  Iba’t ibang insidente bunsod ng Bagyong Glenda ang nasaksihan ng UNTV News team sa CAMANAVA area kahapon, araw ng Miyerkules.

Malakas na hangin at buhos ng ulan ang naramdaman ng mga taga-Valenzuela City kahapon ng alas-9 ng umaga.

Halos hindi makita ang kalsada sa lakas ng buhos ng ulan. Sa lakas ng hangin, ilang puno ang nabuwal.

Ayon kay Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian, kahit walang baha sa lungsod ay ilang kalsada naman ang hindi madaanan.

“Ang nagiging problema natin ay yung mga bumagsak na puno, bumagsak na railing, mga lumipad na yero. Dahil sa lakas ng hangin mayroon tayong mga obstruction sa kalsada.”

Matapos humupa ang bagyo nagsimula na ang road clearing teams ng lungsod upang alisin ang mga debri sa kalsada.

Umabot sa 50 pamilya ang inilikas.

Sa Malabon, dahil sa lakas ng hanging dala ng Bagyong Glenda ay halos matumba na ang isang haliging bakal sa Brgy Potrero. Dahil dito, agad na pinaalis ang mga residenteng nakatira sa ilalim ng poste sa pangambang madaganan sila sakaling tuluyan itong mabuwal.

Sa Barangay Concepcion naman, natuklap ang bubong ng isang bahay sa lakas ng hangin. Sumabit pa ang yero sa kawad ng kuryente kaya napasugod sa lugar ang mga tauhan ng MERALCO upang alisin ito.

Mahigit 70 pamilya sa Malabon ang inilikas mula sa Barangay Potrero, Dampalit at San Agustin dahil sa lakas ng hangin.

Ayon sa mga residente, Martes pa lang ng gabi sinimulan na ng lokal na pamahalaan ang pagpapatupad ng pre-emptive evacuation.

“Boluntaryo kaming umalis kasi natatakot kami hindi masyadong malakas ang ulan kaya lang ang hangin sobra talaga. Nawala na yung bubong namin. Kaya pinag-aalala ko lahat ng gamit namin na naiwan,” pahayag ni Evelyn Faeldo, residente sa lugar.

Sa Navotas, halos 500 pamilya na nakatira sa tabing dagat at tabing ilog ang inilikas ng city government sa mas ligtas na lugar dahil sa paghagupit ng Bagyong Glenda sa Metro Manila.

Ilang bata naman ang sinipon, inubo at nilagnat na agad naming inasikaso ng medical team ng city government.

“Dahil sa hangin bumigay yung bubong namin, yung dingding nagtanggal. Tapos natakot po kami baka bigla bumaha dahil sabi may high tide yung iba tabing ilog kaya lumikas,” saad ni Digna Macasio, residente sa lugar.

Matapos hambalusin ng malakas na hangin ang lungsod, nasunog naman ang isang storage building ng Seaport Royal and Royal Pacific sa Lapu Lapu Corner Bangus st. Barangay NBBS.

Dito nakatago ang mga fish net at banyera ng kumpanya.

Ayon kay F/C Insp. Paul Pili, Fire Marshall ng Navotas City, alas-11:28 ng umaga nang magsimula ang sunog na umabot sa 5th alarm.

“Initial report nag-accumulate yung heat kasi nagshut off yung kuryente dahil sa bagyo. Accumulate yung heat dahil yung ventilator niya di gumana dahil shut off kuryente. Nagkaroon ng init so nagkaroon ng sunog.”

Alas-12:34 ng tanghali nang ideklarang fire under control ang sunog matapos rumesponde ang mahigit 20 firetrucks.

Wala namang napaulat na nasaktan o nasawi sa sunog. (Victor Cosare / Ruth Navales, UNTV News)


86% ng mga customer ng Meralco, nawalan ng kuryente dahil sa bagyong Glenda

$
0
0

Malawakang brownout ang naranasan ng Metro Manila, maging ang ilang mga lalawigan sa timugang Luzon dulot ng bagyong Glenda (UNTV News)

MANILA, Philippines — Dumanas ng malawakang brownout ang timugang bahagi ng Luzon region kabilang na ang Metro Manila, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon dahil sa taglay na lakas ng bagyong Glenda.

Tinatayang 86 % sa mga pangkalahatang customer ng Meralco ang apektado nito.

Ayon sa pahayag ng Meralco, nahihirapang mag-supply ng kuryente ang mga planta dahil sa lubhang naapektuhan ang Southern Luzon Grid ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP.

Dagdag pa nito, sa kasalukuyan ay nagsasagawa sila ng assessment sa laki ng pinsalang dulot ng bagyo sa mga distribution facility nito tulad ng mga poste, transformer, linya ng kuryente maging ang subtransmission lines.

Nakikiusap din ang Meralco ng pang-unawa ng mga kasambahay habang nagsasagawa ng kanilang restoration efforts sa tulong na rin ng NGCP at iba pang stakeholders. (Rosalie Coz, UNTV News)

Typhoon kills at least 20 in the Philippines, heads towards China

$
0
0

Fishing boats are pictured amid heavy winds and rain brought by Typhoon Rammasun (locally named Glenda) as it hit the town of Imus, Cavite southwest of Manila, Philippines, July 16, 2014.
CREDIT: REUTERS/ERIK DE CASTRO

(Reuters) – Financial markets are set to reopen in the Philippines on Thursday as residents clear debris and authorities work to restore power after a typhoon churned across the Southeast Asian country, killing at least 20 people.

Typhoon Rammasun, the strongest storm to hit the Philippines this year, is heading towards China after cutting a path across the main island of Luzon, shutting down the capital and knocking down trees and power lines, causing widespread blackouts.

Most schools remain closed in the capital and southern Luzon provinces, the most densely populated part of the country with about 17 million people. Power has been restored to just over half of the Luzon grid, a transmission agency official said.

Disaster officials are still assessing damage but the coconut-growing Quezon province south of Manila appears to have borne the brunt of Rammasun, which intensified into a category 3 typhoon as it crossed the Philippines.

Tropical Storm Risk, which monitors cyclones, has downgraded Rammasun to a category 1 storm on a scale of one to five as it heads northwest into the South China Sea.

“In the aspect of infrastructure, it looks like Quezon province was most affected,” said retired Admiral Alexander Pama, executive director of the national disaster agency.

“As of last night, it looks like there was a lot of damage,” he said. An aerial survey would be conducted to confirm reports that about 95 percent of the province was damaged, he said.

Quezon governor David Suarez said the province was preparing to declare a state of calamity. He said officials had confirmed seven people died in the province.

“Last night we had difficulty going around because many trees and fallen poles are blocking highways and roads,” Suarez said in a radio interview.

Nationwide, more than 420,000 people were forced out of their homes and into evacuation centers, many in the eastern Bicol region where the typhoon first made landfall, the disaster agency said.

At least 20 people died, most of them hit by fallen trees and electric poles, and five others were missing, the agency said. The number of deaths may rise, with government officials citing new reports of casualties.

Officials said more than half a million people were affected by the typhoon, including some in the central Philippines. The area is still recovering from Haiyan, one of the biggest cyclones known to have made landfall anywhere. Haiyan killed more than 6,100 in the central provinces in November, many in tsunami-like sea surges, and made millions homeless.

(Reporting by Rosemarie Francisco; Editing by Richard Pullin)

VP Binay, pinuri ang mga lokal na pamahalaan sa mabungang paghahanda sa Bagyong Glenda

$
0
0

Vice President Jejomar Binay (UNTV News)

MANILA, Philippines — Maganda ang naging bunga ng disaster preparedness ng pamahalaan ayon kay Vice President Jejomar Binay.

Katunayan, agad naisalba ang maraming buhay sa pamamagitan ng pre-emptive evacuation na isinagawa sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Ito ang bahagi ng pahayag ng pangalawang pangulo sa isinagawang first National Cooperative Housing Summit sa lungsod Quezon ngayong araw, Huwebes.

“Di po maliit na dahilan ang ginawang paghahandang ginawa ng ating mga lokal na pamahalaan, ang iba’t ibang disaster readiness training, ang paglikas ng mga kababayan sa danger zones at pagaalis ng bahay sa mapanganib na lugar ay tunay na nagbunga,” bahagi ng talumpati ni Binay.

Kaugnay nito, naniniwala rin si Committee on Climate Change Chairperson Senador Loren Legarda na nag-improve ang paghahanda sa kalamidad ng pamahalaan matapos ang Bagyong Glenda.

“The level of disaster preparedness has evidently improved, from forecasting, early warning to evacuation of families in high-risk areas. Weather bulletins were given out regularly and warnings of storm surges were sent out early. The local government units heeded these advisories and did the right thing of enforcing evacuation of families living in coastal communities.”

Ngunit ayon sa senadora, maaari pang ma-improve at mapaiigting ang disaster preparedness ng pamahalaan. Aniya, hindi dapat na maging kuntento lang sa naging outcome sa halip ay dapat targetin ang zero casualty sa pamamagitan ng resources at political will sa kalamidad, kabilang dito ang paghahanda sa critical infrastructure gaya ng transmission lines, at community preparations. Halimbawa nito ang regular na pruning of trees, dredging ng mga kanal at esteros at garbage segregation scheme.

Sa paligid lamang aniya ng senado at PICC, makikita ang pagkabuwal ng mga matatagal ng puno bunga ng malakas na hangin dulot ng Bagyong Glenda na nanalasa sa Metro Manila. (Bryan De Paz / Ruth Navales, UNTV News)

PAGASA-DOST Weather Bulletin (5PM, July 17, 2014)

$
0
0

PAGASA-DOST Satellite Images (05:01PM – July 17, 2014)

Synopsis:

Southwest Monsoon affecting the western section of the Luzon. Meanwhile, at 4:00 PM today, a Tropical Depression (TD) outside the Philippine Area of Responsibility (PAR) was estimated based on all available data at 990 km east of Northern Mindanao (9.8°N, 135.4°E) with maximum sustained wind of 45 kph. It is forecast to remain almost stationary.

Forecast:

Metro Manila and the provinces of La Union, Benguet, Pangasinan, Bataan, Zambales, Palawan and Mindoro will have occasional rains. The rest of the country will be partly cloudy to cloudy skies with isolated rainshowers and thunderstorms.

Moderate to strong winds blowing from the southwest to south prevail over Luzon and its coastal waters will be moderate to rough. Elsewhere, light to moderate winds blowing from the south to southwest with slight to moderate seas. Coming from the southwest will prevail over the rest of the country with moderate to rough seas.

Forecast in Filipino

Ang Metro Manila at ang mga lalawigan ng La Union, Benguet, Pangasinan, Bataan, Zambales, Palawan at Mindoro ay magkakaroon ng mga paminsan-minsang pag-ulan. Ang nalalabing bahagi ng bansa ay magiging bahagyang maulap hanggang sa maulap na may pulu-pulong mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog.

Katamtaman hanggang sa malakas na hangin mula sa timog-kanluran hanggang sa timog ang iiral sa Luzon at ang mga baybaying dagat nito at magiging katamtaman hanggang sa maalon. Sa ibang dako, mahina hanggang sa katamtamang hangin mula sa timog hanggang sa timog-kanluran na may banayad hanggang sa katamtamang pag-alon ng karagatan.

DFA: 3 Pilipino, kumpirmadong kasama sa pinabagsak na Malaysian Airlines Flight MH17

$
0
0

Emergencies Ministry members gather at the site of a Malaysia Airlines Boeing 777 plane crash near the settlement of Grabovo in the Donetsk region, July 17, 2014. REUTERS/Maxim Zmeyev

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na kabilang ang tatlong Pilipino sa 298 pasahero ng Boeing 777 ng Malaysia Airlines na pinabagsak umano sa border ng Russia at Ukraine.

Ayon kay Foreign Affairs Assistant Secretary Charles Jose, mismong ang CEO ng Amsterdam Schiphol Airport ang nagkumpirma ng balita.

Sa ngayon ay hawak na ng DFA ang mga pangalan ng tatlo, subalit kailangan muna itong ipaalam sa pamilya ng mga nasawi.

“Upon the request of Malaysian Airlines, we will allow the airlines to notify the next of kin. If they are unable to do so and if they request our assistance, we will assist in notifying the family,” ani Jose.

Base sa impormasyong ibinigay ng DFA, mag-iina ang tatlong Pilipino na nakasama sa bumagsak na eroplano. Kinabibilangan ito ng isang middle-aged mother, na nakapag-asawa ng Indonesian, at dalawa nitong anak na babae at lalaki.

Nakabase sa The Netherlands sa Europe ang mag-iina at magbabakasyon lang sana sa Asya.

Dagdag ni Jose, tinututukan na ng Philippine Embassy sa Kuala Lumpur ang updates sa trahedya. Tiniyak din nitong handang tumulong ang pamahalaan sa pamilya ng mga biktima.

“Our embassy in Kula Lumpur and the hague are prepared to extend all necessary assistance to the families of the victims… especially if the next of kin would like to visit where the remains will be taken.”

Nagpaabot naman ang Malakanyang ng pakikiramay sa pamilya ng mga pasahero at crew ng MH17.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Herminio Coloma Jr., kaisa sila ng international community sa mga nananawagan sa malalim at mabilis na pagsisiyasat sa sanhi ng trahedya.

Samantala, kinumpirma ni Jose na umiiral ngayon ang alert level 2 sa mga overseas Filipino worker sa Ukraine dahil sa tensyon na dulot ng sagupaan ng Russian militants at Ukrainians. (Bianca Dava / Ruth Navales, UNTV News)

NFA, titiyaking hindi tataas ang presyo ng bigas sa mga nasa state of calamity

$
0
0

Ang mga iba’t ibang uri ng bigas na binebenta sa pamilihan sa iba’t ibang halaga. (UNTV News)

MANILA, Philippines — “Iimplementa ng NFA itong price freeze sa presyo ng bigas sa mga calamity stricken areas, yung mga lugar na nag-declare ng state of calamity.”

Ito ang tiniyak ni Presidential Assistant for Food Security and Agricultural Modernization Secretary Kiko Pangilinan, matapos na masira ang mga palayan sa mga bayan na tinamaan ng Bagyong Glenda .

Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, sa ngayon ay nasa ilalim pa rin ng state of calamity ang Albay, Camarines Sur, Naga City, Samar, Obando, Bulacan at Laguna.

Kaugnay nito, tiniyak ng kalihim na naaprubahan na ng NFA Council ang importasyon ng halos  dalawang daang metriko toneladang bigas bilang karagdagang suplay.

Ngunit ayon sa kalihim, muli silang hihiling ng karagdagang 200 metric tons na rice importation sa susunod na NFA Council meeting.

Ayon kay Sec. Pangilinan, tinatayayang nasa mahigit 80,000 metric tons ng bigas ang nasira ng Bagyong Glenda.

Tiniyak din ni NFA Chief Administrator Arthur Juan ang pakikipatulugan ng mga stakeholder sa patuloy na pagsusuplay ng NFA rice.

“This different group showed their support to Sec. Pangilinan and to NFA in terms of making NFA rice available especially during those critical times of July, August and September.”

Dagdag pa ni Juan, mahalaga ang pakikipagtulungan ng mga stakeholder upang mapanatili ang presyo ng NFA rice kung saan bente-siete pesos ang kada kilo ng regular milled habang thirty-two pesos naman ang kada kilo ng well milled.

Nangako din ang NFA Administrator na patuloy ang isasagawang nila monitoring upang masigurong maibibigay ang sapat at murang NFA rice sa publiko. (Joan Nano, UNTV News)

Ilang lugar sa QC, balik normal na matapos manalasa si Glenda

$
0
0

QUEZON CITY, Philippines — Balik na sa normal ang pamumuhay ng mga residente sa ilang barangay sa Quezon City matapos salantain ng Bagyong Glenda.

Karamihan sa mga residente ay balik na rin sa trabaho at sa kanilang mga hanapbuhay.

UNTV DRONE SHOT : Sitio San Roque, Quezon City matapos ang bagyong Glenda (UNTV News)

Sa pamamagitan ng UNTV drone makikita sa Sitio San Roque, Quezon City ang paglilinis at pagsasaayos ng mga informal settlers sa mga nasirang dingding at nilipad na bubong ng kanilang bahay.

Wala naman daw balak na umalis ang daan-daang residente dito. Katwiran nila, masyadong malayo at walang tiyak na pagkakakitaan sa relocation site na pagdadalahan sa kanila ng gobyerno.

UNTV DRONE SHOT : Brgy. Roxas, Quezon City matapos ang bagyong Glenda (UNTV News)

Sa Barangay Roxas, humupa na ang hanggang dibdib na baha kahapon. Bumalik na rin sa kani-kanilang tahanan ang mga residente na nakatira sa tabi ng ilog.

Nung Miyerkules sa kasagsagan ng Bagyong Glenda, mabilis na tumaas ang tubig sa ilog na naging dahilan ng pagbaha.

Ilan rin sa mga ito ang nawalan ng bubong ng bahay at nagyon ay isinasaayos na nila.

Balik na rin sa hanapbuhay ang mga residente, at nagbukas na ang mga tindahan at palengke bagama’t ilang bahagi pa rin ng barangay ang walang supply ng kuryente matapos masira ang ilang power lines.

UNTV DRONE SHOT : Commonwealth Avenue, Quezon City matapos ang bagyong Glenda (UNTV News)

Hindi rin nakaiwas sa pinsalang dulot ng Bagyong Glenda ang mga informal settler na nakatira sa kahabaan ng Commonwealth Avenue. Natanggal ang bubong ng ilan, habang mayroong nagiba ang bahay.

UNTV DRONE SHOT : Kinukumpuni ng dalawang lalaki ang bubong na nasira matapos ang bagyong Glenda sa Brgy. Pagasa, QC (UNTV News)

Sa Barangay Pagasa, malinis na ang mga kalsada, naialis na ang mga sanga ng puno na nagkalat sa kasada. Inaayos na rin ang mga kawad ng
kuryenteng sinira ng bagyo.

Balik na rin sa trabaho at hanapbuhay ang mga residente.

UNTV DRONE SHOT : Bumagsak ang isang malaking puno sa loob ng UP Diliman campus matapos ang hagupit ng bagyong Glenda (UNTV News)

Sa UP campus, sinimulan nang putulin ang malalaking puno na natumba .

Bukod sa mga puno at poste ng kuryenteng nabuwal, ilan sa mga gusali rito ay bahagyang napinsala dahil sa malakas na hangin.

UNTV DRONE SHOT : Brgy. Tatalon, Quezon City matapos ang bagyong Glenda (UNTV News)

Sa Barangay Tatalon sa Quezon City, humupa na rin ang hanggang dibdib na tubig baha.

Wala namang naitalang nasaktan sa mga residente habang patuloy ang clearing operation sa buong barangay.

Nakauwi na rin ang mahigit 500 pamilya na lumikas sa evacuation center sa kasagsagan ng Bagyong Glenda.

Sa buong Quezon City, 11 barangay at 700-libong pamilya ang naapektuhan ng bagyo. (Grace Casin / Ruth Navales, UNTV News)


DepED, patuloy ang assessment sa mga eskwelahang naapektuhan ng Bagyong Glenda

$
0
0
DepEd Secretary Armin Luistro (UNTV News)

DepEd Secretary Armin Luistro (UNTV News)

MANILA, Philippines — Nagsasagawa na sa kasalukuyan ng rapid damage assessment ang  Department of Education (DepED) sa mga eskwelahan sa bansa kaugnay ng pananalasa ng Bagyong Glenda.

“Ang ginagawa natin ngayon ay rapid assessment at ito po yung humihingi kami ng datos mula sa mga principal mismo kung ano yung nangyari sa kanilang eskwelahan,” pahayag ni DepED Secretary Armin Luistro.

Sa datos ng DepED, tinatayang nasa 115 school divisions sa labindalawang rehiyon, ang naapektuhan ng malakas na ulan at hangin na dulot ng bagyo.

Sa kasalukuyan ay nasa halos limampung school division pa lamang ang nakapag-resume ng klase.

Ayon kay Luistro, umabot sa mahigit 100 eskwelahan ang nagamit na evacuation center.

Sinabi ng kalihim na sa ngayon ay patuloy ang pakikipagugnayan ng DepED division offices sa mga local government units upang makapag-resume na ng klase at makapagsagawa ng clearing operations kung kinakailangan.

Aminado si Luistro na sa ngayon ay nahihirapan silang i-assess ang mga eskuwelahan sa mga lugar na tinamaan ng bagyo. Aniya, wala pa rin silang natatanggap na report dahil hanggang sa ngayon ay may mga lugar pa rin na walang supply ng kuryente.

Samantala, sa kabila ng ilang araw na suspensyon ng klase ay wala pa ring plano ang kagawaran na magpatupad ng makeup classes.

“Hindi pa siguro kasi alam mo yung bilangan nyan sa bawat quarter meron tayong 200 or so school days tapos yung non-negotiable na kailangan contact time is 180 pagi-divide mo yan by quarters ito yung kauna-unahang bagyo and class disruption sa first grafing period,” paliwanag ni Luistro.

“Yung mga isa dalawang araw lang sakop pa yung ng ating grace period,” dagdag pa nito.

Hinikayat naman ng DepED ang publiko na i-report sa kanilang tanggapan, ang mga ekwelahan na nasira dahil sa Bagyong Glenda sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga lawaran at iba pang impormasyon sa DepED twitter account o di kaya ay mag-email sa communications@deped.gov.ph.

Inatasan din ng kalihim ang lahat ng DepED personnel na agad na ipagbigay alam sa kanilang tanggapan ang kalagayan ng lugar na kanilang nasasakupan o di kaya ay makipagugnayan sa DepED Disaster Reduction Management Office sa mga numerong 635-3764, 637-4933,0908-263-0378 o di kaya ay mag-email sa drrmodeped@gmail.com(Joan Nano / Ruth Navales, UNTV News)

Relief operations sa mga naapektuhan ng Bagyong Glenda sa Quezon, sinimulan na

$
0
0

Nagsagawa na ng mga clearing operation ang mga otoridad sa mga daanan sa Quezon matapos ang bagyong Glenda (UNTV News)

LUCENA CITY, Philippines — Unti-unti nang bumubuti ang lagay ng panahon sa probinsya ng Quezon na isa sa mga malubhang naapektuhan ng paghagupit ng Bagyong Glenda.

Batay sa inisyal na pagtaya ng Department of Agriculture, umaabot na sa ₱150 million ang pinsalang idinulot ng Bagyong Glenda sa agrikultura sa buong probinsya.

Sinabi ng DA na 50% sa napinsala sa sektor ng agrikultura ay ang taniman ng palay, habang napinsala rin ang 50% ng taniman ng mais, niyog at tubuhan.

Sa isinagawang inspeksyon ng pamahalaang panlalawigan, umaabot na sa 242 baranggay at 24,750 pamilya ang naapektuhan ng Bagyong Glenda.

Nasa 13,792 ang nasirang bahay at iba pang establisiyemento.

Umabot rin sa 17 ang naitalang nasawi , 76 ang sugatan at 4 ang kasalukuyang nawawala.

Sa ngayon ay halos 90 porsiyento ng lalawigan ang walang communication signal kaya’t gumamit ang pamahalaang panlalawigan ng mga bikers sa bawat munisipalidad para ma-assess ang lawak ng pinsala ng bagyo.

Samantala, tuloy tuloy na rin ang pagsasagawa ng relief operations sa mga bayan ng Gumaca at Unisan at sa iba pang remote areas.

Sa ngayon ay umaabot na sa 23-libong indibidwal ang nabigyan na ng relief goods.

Naglaan na rin ang pamahalaang panlalawigan ng P29-milyon na calamity fund upang makabawi ang probinsya sa nagdaang kalamidad. (Japhet Cablaida / Ruth Navales, UNTV News)

Pinsala ng Bagyong Glenda sa Bicol Region, umabot na sa mahigit P1-B

$
0
0

Isa sa malaking problema ng mga ilang residente sa Naga ay ang mga punong bumuwal sa kanilang mga tahanan matapos ang pananalasa ng bagyong Glenda (UNTV News)

NAGA CITY, Philippines — Inaalam na ng Department of Agriculture-Bicol Region ang lawak ng pinsalang idinulot ng Bagyong Glenda sa agrikultura.

Batay sa inisyal na datos ng DA, umaabot na sa ₱1,127,108,987.42 ang pinsala ng Bagyong Glenda sa agrikultura sa buong rehiyon.

Umaabot sa 22.732 hektaryang taniman ng palay ang napinsala na nagkakahalaga ng ₱459, 529,053, habang umabot naman sa 5,227 ektarya ng mais ang napinsala na nagkakahalaga ng ₱62,693.715.

Ang pinsala sa mga high value crops tulad ng gulay, prutas, cacao, kape at pili ay nagkakahalaga ng ₱481,147,287. Nasa ₱516,000 naman ang pinsala sa livestock, ₱123,215,931 sa imprastraktura.

Ayon kay Emily Bordado, ang tagapagsalita ng DA Region V, ang probinsya ng Sorsogon ang may pinakamalaking naging pinsala sa agrikultura sumunod ang probinsiya ng Masbate, Albay at Camarines Sur.

Inaalam na rin ng DA ang mga tulong na ibibigay sa mga magsasakang naapektuhan ng bagyo.

Sa Catanduanes, bukod sa pre-school, balik eskwela na ang ilang mga paaralan sa lahat ng antas. Balik na rin ang supply ng kuryente sa ilang bayan at tuloy pa rin ang relief operation sa mga naapektuhan ng
bagyo.

Samantala, ilang kagamitan ng PHIVOLCS na nakabase sa Albay ang nasira ng Bagyong Glenda kabilang na ang seismic network na ginagamit sa pagmonitor sa aktibidad ng bulkan.

Sa ngayon ay bumabalik na sa normal ang pamumuhay ng mga Bicolano matapos ang pananalasa ng Bagyong Glenda sa rehiyon. (Allan Manansala / Ruth Navales, UNTV News)

Malacañang, kuntento sa ginawang paghahanda ng LGU’s at mga ahensya ng pamahalaan sa Bagyong Glenda

$
0
0

Presidential Communication Secretary Herminio Coloma Jr. (UNTV News)

MANILA, Philippines — Kuntento ang Malakanyang sa ginawang paghahanda ng mga lokal na pamahalaan at government agencies sa Bagyong Glenda na nanalasa nung Miyerkules sa Bicol Region, Region 4 at Central Luzon.

Ayon kay Presidential Communication Secretary Herminio Coloma Jr., natuto na ang bansa sa Bagyong Yolanda.

“Notice this is the first major storm after Yolanda, and there were sufficient preparation orchestrated by National Disaster Risk Reduction Management Council, and another important facet is the very accurate forecast of DOST-PAGASA.”

Inihalimbawa ng kalihim ang ginawang hakbang ng pamahalaang lokal ng Albay na 24 oras bago ang maglandfall ang bagyo ay nagsagawa na ng preemptive evacuation sa mahigit 150-libong pamilya na nasa danger zone.

Ayon sa kalihim, batay sa kanilang initial assessment, kailangan namang matiyak ngayon ang katatagan ng mga gusali kapag may kalamidad.

“Doon sa aspeto ng disaster resiliency halimbawa sa tinutnghayan natin yung mga casualties mayroong mga nabagsakan ng pader, baka meron na tlagang danger dati,” saad ng kalihim.

Dagdag pa nito, “Pangalawa yung sa mga nawawalan ng kuryente dahil nasira sa bagyo, siguro sa mas advance, siguro kung maaari ilagay sa ilalim ng lupa ang mga kawad ng kuryente.”

Sinabi rin ng Malakanyang na sinisikap na ng Department of Energy (DOE) na maibalik ang mahigit siyamnapung poryento ng supply ng kuryente sa Metro Manila.

“Sa huli nating natunghayan na update ay 84% ang narestore na simula noong kaninang umaga at sinisikap nilang maibalik ito sa lalong madaling panahon ang target nila ay within today ay maka more than 90 percent na,” saad pa ni Coloma. (Nel Maribojoc / Ruth Navales, UNTV News)

MMDA, nagsagawa ng clean up drive matapos manalasa ang Bagyong Glenda

$
0
0

Nagsagawa ng clean up drive ang halos 700 tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA upang linisin ang mga kalat na bunga ng bagyong Glenda (UNTV News)

MANILA, Philippines — Nagtulong-tulong ang nasa 700 tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) upang linisin ang mga kalat na iniwan ng Bagyong Glenda sa Metro Manila.

Kasama sa unang nilinis ng MMDA ang kahabaan ng Commonwealth Avenue kung saan maraming puno ang nasira sa pananalasa ni Glenda.

Ayon kay MMDA Chairman Attorney Francis Tolentino, ang mga malalaking puno na nabuwal ay kanilang ituturn over sa TESDA at DENR upang mapakinabangan pa.

“Yung malalaki magagamit pang furniture eh. Mga centuries old yung iba sayang naman. Pero mayroon kaming bubuhayin dito kaya may kasamang culticulturist na baka may mabuhay na puno pa,” pahayag nito.

Ayon kay Tolentino, aabot sa 100 truck ng basura at bahagi ng puno ang kanilang makokolekta.

Sa taya ng MMDA, aabutin pa hanggang weekend bago matapos ang paglilinis sa Metro Manila.

“Pakiusap ko huwag lang sanang pakialaman, may report kasi dito sa loob ng UP na pwede pa pero tinistis na baka may paggamitan gawing upuan o ano. Private yung gumawa, sana huwag nilang pakialaman, mabuti kung itabi lang,” saad pa ni Tolentino.

Bukod sa Commonwealth Avenue, naglinis din sa San Juan City at sa Quezon Avenue ang mahigit 300 tauhan ng MMDA.

Ayon kay Tolentino, kasabay din nagsagawa ng clean up drive ang local na pamahalaan ng Las Pinas, Pateros, Marikina, Pasay, Taguig at Paranaque.

Handa naman ang MMDA na magpadala ng kanilang mga tauhan sa labas ng Metro Manila kung hihilingin ng ibang lugar na apektado din ng bagyo.

Sinabi pa ni Tolentino na nakatulong ang kahandaan ng mga lokal na pamahalaan kaya naiwasan ang maraming bilang ng casualty sa pagdaan ng malakas na bagyo. (Victor Cosare / Ruth Navales, UNTV News)

U.S. presses case against Russia on downed jet as horror deepens

$
0
0
Members of the Ukrainian Emergencies Ministry work at a crash site of Malaysia Airlines Flight MH17, near the village of Hrabove, Donetsk region July 20, 2014.  CREDIT: REUTERS/MAXIM ZMEYEV

Members of the Ukrainian Emergencies Ministry work at a crash site of Malaysia Airlines Flight MH17, near the village of Hrabove, Donetsk region July 20, 2014.
CREDIT: REUTERS/MAXIM ZMEYEV

(Reuters) – U.S. Secretary of State John Kerry laid out what he called overwhelming evidence of Russian complicity in the shooting down of Malaysia Airlines flight MH17 as international horror deepened over the fate of the victims’ remains.

Kerry demanded that Moscow take responsibility for actions of pro-Russian rebels in eastern Ukraine whom Washington suspects of downing the jet with a missile, and expressed disgust at their “grotesque” mishandling of the bodies.

Television images of the rebel-held crash sites, where the remains of victims had lain decomposing in fields among their personal belongings, have turned initial shock and sorrow after Thursday’s disaster into anger.

Emotions ran high in the Netherlands, the home country of about two thirds of the 298 people who died in the Boeing 777. The Dutch foreign minister has said the nation is “furious” to hear bodies were being “dragged around”, while relatives and church leaders demanded they be rapidly returned home.

However, the departure of dozens of corpses loaded into refrigerated railway wagons was delayed on Sunday as Ukrainian officials and rebels traded blame over why the train had not yet left the war zone, and where or when international investigators would be able to check it.

In Washington, Kerry criticized Russian President Vladimir Putin and threatened “additional steps” against Moscow.

“Drunken separatists have been piling bodies into trucks and removing them from the site,” he said on NBC television on Sunday. “What’s happening is really grotesque and it is contrary to everything President Putin and Russia said they would do.”

Moscow denies any involvement in the disaster and has blamed the Ukrainian military. While stopping short of direct blame on Moscow, Kerry put forward the most detailed U.S. accusations so far that Russia provided the insurgents with the sophisticated anti-aircraft systems used to down the aircraft.

British Foreign Secretary Philip Hammond echoed the criticism, urging Moscow to ensure international investigators had access to the crash sites. “Russia risks becoming a pariah state if it does not behave properly,” he told Sky television.

After lying for two days in the summer heat, the bodies had been removed from much of the crash site by Sunday, leaving only bloodstained military stretchers along the side of the road.

Emergency workers, who have to navigate reporting both to the authorities in Kiev and the rebels who control the crash site and other areas in the Donetsk region, will now need to pick through the debris spread across the Ukrainian steppe.

As Ukraine accused the rebels of hiding evidence relating to the loss of the airliner, a separatist leader said items thought to be the stricken jet’s “black boxes” were now in rebel hands.

U.S. CASE

Kerry said the United States had seen supplies moving into Ukraine from Russia in the last month, including a 150-vehicle convoy of armored personnel carriers, tanks and rocket launchers given to the separatists.

It had also intercepted conversations about the transfer to separatists of the Russian radar-guided SA-11 missile system which it blames for the Boeing 777′s destruction. “It’s pretty clear that this is a system that was transferred from Russia,” Kerry said in an interview on CNN.

“There’s enormous amount of evidence, even more evidence that I just documented, that points to the involvement of Russia in providing these systems, training the people on them,” he said on CBS.

The disaster has sharply deepened the Ukrainian crisis in which the separatists in the Russian-speaking east have been fighting government forces since protesters in Kiev forced out a pro-Moscow president and Russia annexed Crimea in March.

The United States has already imposed sanctions on individuals and businesses close to Putin but Kerry indicated that President Barack Obama might go further. “The president is prepared to take additional steps,” he told Fox News, although he ruled out sending in U.S. troops.

European Union ministers should be ready to announce a fresh round of sanctions at a meeting of the EU’s Foreign Affairs Council this week, said a statement from British Prime Minister David Cameron’s office, issued after telephone calls with French President Francois Hollande and German Chancellor Angela Merkel.

“They … agreed that the EU must reconsider its approach to Russia and that foreign ministers should be ready to impose further sanctions on Russia when they meet on Tuesday,” it said.

The leaders also agreed to press Putin to ensure investigators had free access to the crash site.

IDENTIFICATION SPECIALISTS

Dutch Prime Minister Mark Rutte said all efforts were focusing on getting the train loaded with bodies to territory controlled by the Ukrainian authorities.

The European security organization, the OSCE, was negotiating with the separatists, he said, adding that a team of victim identification specialists was likely to enter the crash site on Monday.

While Ukrainian President Petro Poroshenko issued a renewed appeal for backing from the international community, some European nations, with an eye to their trade links with Russia, have been less enthusiastic about confronting Moscow.

Kerry challenged the Europeans to be more assertive. “It would help enormously if some countries in Europe that have been a little reluctant to move would now recognize this wakeup call and join the United States and President Obama in taking the lead, and also stepping up,” he said.

A spokesman for Ukraine’s Security Council, Andriy Lysenko, accused the rebels of a cover-up. “The terrorists are doing everything to hide the evidence of the involvement of Russian missiles in the shooting down of that airliner,” he told a news conference in Kiev.

He said the rebels had taken debris and bodies from the crash site in trucks, tampering with a scene that investigators need to be secure to have a chance of determining what and who caused the plane to plunge into the steppe.

A separatist leader said items thought to be the “black box” voice and data recorders from the airliner had been found.

“They are under our control,” Aleksander Borodai, prime minister of the self-styled Donetsk People’s Republic, told a news conference.

MEMORIAL SHRINE

OSCE observers visited part of the crash site for a third day on Sunday. Just before their arrival, emergency workers found parts of three more bodies and put them in black body bags on the side of a road.

At the site where the cockpit fell, in a field of sunflowers near the village of Razsypnoye, residents had made a small memorial shrine of flowers, candles in tiny jars and brightly colored teddy bears.

Photocopied pictures of children and families killed in the disaster, apparently from news coverage of the victims, had been set out on the grass.

All bodies, including that of a woman who had lain naked under a tarp about 50 meters away, had been removed.

“There were five or six over here, and two or three over there,” said a young man with a rifle guarding the site, who declined to give his name. “They took the bodies away to the morgue. Firstly, they were decomposing. And secondly, the smell was horrible.”

(Additional reporting by Peter Graff in Hrabove; Pavel Polityuk, Natalia Zinets and Elizabeth Piper in Kiev, Jim Loney, Doina Chiacu and Ayesha Rascoe in Washington, William James in London and Nicholas Vinocur in Paris; Writing by Giles Elgood and David Stamp; Editing by Tom Heneghan)

Typhoon “Henry” has gained more strength as it traverse east of Batanes towards Bashi Channel — PAGASA-DOST

$
0
0

SEVERE WEATHER BULLETIN NUMBER THIRTEEN TROPICAL CYCLONE WARNING: TYPHOON #HenryPH (MATMO) ISSUED AT 11:00 AM, 22 JULY 2014

PAGASA-DOST — Location of eye/center: At 10:00 AM today, the eye of Typhoon “HENRY” was located based on all available data at 170 km East Northeast of Basco, Batanes (21.1°N, 123.7°E).

Strength: Maximum sustained winds of 140 kph near the center and gustiness of up to 170 kph.

Movement: Forecast to move Northwest at 24 kph.

Forecast Positions: Typhoon “HENRY” is expected to be at 470 km Basco, Batanes or outside the Philippines Area of Responsibility (PAR) by tomorrow morning.

• PSWS #2 (Winds of 61-100 kph is expected in at least 24 hrs) Batanes Group of Islands.
• PSWS #1 (Winds of 30-60 kph is expected in at least 36 hours) Cagayan including Babuyan and Calayan Group of Islands.
• Estimated rainfall amount is from 7.5 – 15 mm per hour (moderate – heavy) within the 600 km diameter of the Typhoon.
• HENRY is expected to bring moderate to occasionally heavy rains over Ilocos Region, CAR and Cagayan Valley and the provinces of Zambales and Bataan while the rest of Luzon and Western Visayas will experience monsoon rains.
• Fisherfolks and those with small seacrafts are advised not to venture out over the seaboards of Luzon and Visayas.
• The public and the disaster risk reduction and management council concerned are advised to take appropriate actions and watch for the next bulletin to be issued at 5 PM today. PAGASA-DOST


Typhoon Henry has slightly weakened as it moves towards Taiwan area — PAGASA-DOST

$
0
0

SEVERE WEATHER BULLETIN NUMBER FOURTEEN
TROPICAL CYCLONE WARNING: TYPHOON #HenryPH (MATMO)
ISSUED AT 5:00 PM, 22 JULY 2014

PAGASA-DOST — Location of eye/center: At 4:00 PM today, the eye of Typhoon “HENRY” was located based on all available data at 170 km North of Basco, Batanes(21.1°N, 122.3°E).

Strength: Maximum sustained winds of 130 kph near the center and gustiness of up to 160 kph.

Movement: Forecast to move Northwest at 24 kph.

Forecast Positions: Typhoon “HENRY” is expected to be at 680 km Northwest of Basco, Batanes and is outside the Philippine Area of Responsibility (PAR) by tomorrow morning.

• PSWS #2 (Winds of 61-100 kph is expected in at least 24 hrs) Batanes Group of Islands.

• PSWS #1 (Winds of 30-60 kph is expected in at least 36 hours) Babuyan and Calayan Group of Islands.

• Estimated rainfall amount is from 7.5 – 15 mm per hour (moderate – heavy) within the 500 km diameter of the Typhoon.
• HENRY is expected to bring moderate to occasionally heavy rains over Ilocos Region, CAR and the provinces of Zambales and Bataan while the rest of Luzon and Western Visayas will experience monsoon rains. Residents in these areas are advised to be alert against possible flashfloods and landslides.
• Fisherfolks and those with small seacrafts are advised not to venture out over the seaboards of Luzon and western Visayas.
• Meanwhile, a LPA outside PAR is est. at 1300 km East of Visayas.
• The public and the disaster risk reduction and management council concerned are advised to take appropriate actions and watch for the next bulletin to be issued at 11 PM today. (PAGASA-DOST) 

2 flight recorder ng Malaysia Airlines MH17, ibinigay na ng mga rebelde sa Malaysian experts

$
0
0

Ang turnover ng 2 black box ng Malaysian Airlines MH 17 na pinangunahan ni Pro-Russian Separatist Leader Aleksander Borodai. (Screenshot from a REUTERS video)

MANILA, Philippines — Pinangunahan ni Pro-Russian Separatist Leader Aleksander Borodai ang pagbibigay ng dalawang black box ng Malaysia Airlines Flight MH17 sa mga Malaysian expert sa bayan ng Donetsk ngayong araw.

Matapos ang hand over, isang dokumento ang nilagdaan ng magkabilang panig na patunay na nasa mga kamay na ng Malaysian experts ang mga flight recorder.

Nagpasalamat naman ang Malaysia sa desisyon ng grupo na ibigay ang black boxes.

“I would like to convey our sincere appreciation to His Excellency Mr. Borodai for giving us the opportunity and attain our special request to him, for handing over the two black boxes to Malaysia. This is the property of Malaysia,” pahayag ni Malaysian Representative Colonel Mohamed Sakri.

Ang mga tren naman na naglalaman ng mga labi ng mga biktima ay dadalhin sa The Netherlands upang sumailalim sa otopsiya.

“The remains of 282 people, currently in Torez, will be moved by train to Kharkiv, where they will be handed over to representatives from the Netherlands. The train will depart this evening and will be accompanied by six Malaysian members of the recovery team. The remains will then be flown to Amsterdam on board a Dutch C130 Hercules, together with the Malaysian team,” saad naman ni Malaysian Prime Minister Najib Razak.

Samantala, tiniyak naman ng Organization for Security and Co-operation in Europe (OSCE) ang seguridad ng mga Malaysian expert na nakikipagnegosasyon sa mga rebelde.

Ayon sa tagapagsalita ng OSCE na si Michael Bociurkiw, hindi pamilyar ang Malaysian authorities sa Ukraine kaya kailangan silang samahan at alalayan.

Aniya, kahit ang mga Dutch expert ay nakaramdam rin ng tensyon habang bumibiyahe sa lugar ng mga rebelde kahit pa nakarating na ligtas sa railway station malapit sa crash site.

“We have said publicly that the crash sites are in a conflict zone, the situation is very fluid and it’s a very difficult kind of operating environment,” ani Bociurkiw.

Kahapon ay inaprubahan ng United Nations Security Council ang resolusyon na pinagkakalooban ang international investigators ng full access sa crash site.

Pinatitigil din ang military activities sa eastern Ukraine upang mabigyan ng seguridad ang mga imbestigador. (James Coz / Ruth Navales, UNTV News)

Walang Pilipinong pasahero sa bumagsak na TransAsia plane sa Taiwan – DFA

$
0
0

Rescue personnel survey the wreckage of TransAsia Airways flight GE222 on Taiwan’s offshore island of Penghu, July 23, 2014. CREDIT: REUTERS/WONG YAO-WEN

TAIWAN — Patuloy nang iniimbestigahan ang nangyaring pagbagsak ng TransAsia Airways flight GE222 sa Penghu Islands sa Taiwan, Miyerkules ng gabi.

Sa ulat ng Taiwan news agency , sinabi ni Taiwan Transportation Minister Yeh Kuang-Shih, 47 na ang kumpirmadong patay habang 11 naman ang survivors sa insidente.

Ang flight GE222 ay patungo sana sa Makung, west ng Taiwan mula Kaoshiung lulan ang 54 na pasahero at apat na crew.

Bunsod ng paparating na bagyong Matmo, ang ATR-72 aircraft na naka-schedule sanang umalis ng Kaoshiung alas-kwatro ng hapon ay nakaalis dakong alas-5:43 na ng hapon.

Subalit dahil sa malakas na hangin, kinailangang mag-emergency landing ng eroplano.

Naghintay pa umano ito sa ere at dakong alas-siyete na ng gabi ng payagang makalapag.

Nakadalawang attempt ng emergency landing ang eroplano at sa ikalawang pagkakataon ay nawalan na ng contact ang control tower at kasunod na nga ay ang ulat na bumagsak na ito sa bayan ng Huhsi kung saan nadamay pa ang dalawang bahay sa sunog.

Agad na dinala ang mga sugatan sa military Tri-Service General Hospital sa Makung.

Natukoy ang piloto na si Lee Yi-Liang, 60 anyos, at ang co-pilot nito na si Chiang Kuan-Hsing, 39 anyos na kapwa hindi pa rin nakikita.

Isinara na ang Makung Airport dahil sa trahedya. Anim sa naka-schedule na flights doon ay inilipat sa Songshan Airport sa Taipei.

Nakatakda namang lumipad patungong Civil Aeronautics Administration si Taiwan Prime Minster Jiang Yi-Huah.

Isang team ng Civil Aviation Authority (CAA) experts ang pupunta sa Makung kasama ang mga kaanak ng mga biktima ngayong Huwebes.

Samantala, kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Filipino casualty sa bumagsak na eroplano.

Ayon kay DFA Spokesperson Assistant Secretary Charles Jose, walang nakatalang Pilipinong pasahero sa naturang eroplano batay sa ulat ng embahada ng Pilipinas sa Taiwan. (Ramies Narral / Ruth Navales, UNTV News)

UNTV News and Rescue, nakiisa sa disaster preparedness forum ng QC 6th District

$
0
0

Ang paglahok ng UNTV News and Rescue Team sa Disaster Preparedness Forum na inorganisa ng Local Government Unit ng Quezon City District 6. (UNTV News)

MANILA, Philippines — Nakiisa ang UNTV News and Rescue Team sa Disaster Preparedness Forum na inorganisa ng Local Government Unit (LGU) ng ika-anim na Distrito ng Quezon City bilang paghahanda sa mga paparating na kalamidad at sakuna.

“Ang gagawin natin, ire-retrain natin ang mga barangay with the help of UNTV and the help of MMDA. Gagawa tayo at bubuo tayo ng disaster team,” pahayag ni Quezon City District 6 Representative Jose Christopher Belmonte.

Iba’t-ibang ahensya ng gobyerno at non-government organization ang nagsama-sama upang magbahagi ng mga kaalaman kabilang na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Philippine Coast Guard (PCG), QC Department of Public Order and Safety QC-DPOS, Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine Red Cross-Quezon City Chapter, Philippine National Police (PNP), D6 Disaster Rescue Team at UNTV News and Rescue.

“We have so many people working for us and volunteering po for us (UNTV News and Rescue Team) na ide-deploy lang po namin in different barangay and together po with other agency. They could use us and you could use us para po ma-disseminate natin yung information sa levels ng barangay. Kailangan po kasi natin yung… tama na po yun eh —  risk reduction — it speaks for itself,” pahayag ni UNTV News and Rescue Operations Manager Jeffrey Santos.

Ayon naman kay Wilky Lao, EMT, “Kasi pagdating sa actual disaster mahirap na mabigyang tugon yung kanilang nasasakupan. Sana sila mismo immediately makaka-response sila. At the same time, preparedness para maiwasan ang other injuries.”

Target ng forum na mabigyan ng sapat na kaalaman ang lahat ng barangay official ng labing isang barangay na nasasakop ng ika-anim na distrito ng lungsod.

Layon din na makabuo ng isang rescue team na magbabantay sa buong distrito.

“Bibigyan nila ngayon ng kaalaman ultimo bata mabibigyan sila ng kaalaman para maiwasan nga na magkaroon ng problema sa mga kamunidad yung dulo dulo ika nga lahat iinvolved, walang exemption,” saad pa ni Lao.

Pagkatapos ng forum nangako ang bawat opisyal ng barangay, ahensya ng gobyerno at non government organization na magpapatuloy ang ugnayan upang mas mapalakas pa ang pwersa ng mga tutulong sa komunidad sa oras ng sakuna. (Benedict Galazan / Ruth Navales, UNTV News)

Kaanak ng 2 batang nalunod sa isang sapa sa Albay, idinadaing ang umano’y hindi pagtulong sa kanila ng pamahalaan

$
0
0

Ang mga ina ng mga nalunod na magpinsan na sina Ramil Contridas at Jayson
Repia sa Sitio Mapili, Brgy. Rawis, Libon, Albay. (UNTV News)

LEGASPI CITY, Philippines – Idinadaing ng mga kaanak ng dalawang batang magpinsan na nalunod sa isang sapa sa Albay ang umano’y hindi pagtulong ng kanilang barangay maging ng pamalaan.

Kinilala ang magpinsan na sina Ramil Contridas, 7 anyos at Jayson Repia, anim na taong gulang na nalunod sa sapa ng Sitio Mapili, Brgy. Rawis, Libon noong Hulyo 16, alas-5 ng hapon matapos ang pananalasa ng Bagyong Glenda.

Ayon sa salaysay ng mga ina ng mga bata, papauwi na umano sila galing sa bukid nang napahiwalay sa kanila ang kanilang mga anak.

Inakala nila na nag-iba lamang ng daan ang dalawang bata pauwi sa kanilang tahanan. Lingid sa kanilang kaalaman sa sapa pala dumaan ang dalawang bata.

Humingi ng tulong ang ina ng dalawang bata sa barangay officials at humiram ng high pressure lamp upang magsilbing ilaw sa kanilang gagawing paghahanap sa kanilang mga anak ngunit nabigo sila.

“Wala po kaming tulong na nakuha sa kanila nag anu naman po kami ng saklolo sa kanila nawawala na yung anak namin, sabi nila kinaumagahan na wala kaming magagawa,” pahayag ni Maricel Bo at Lorie Repia.

Kinabuksan, Hulyo 17, agad na ipinagpatuloy ng mga kaanak ang paghahanap sa mga bata. Ala-7 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng mga ito.

Sa ekslusibong panayam ng UNTV News sa mga ina ng dalawang batang nasawi, wala umano silang natanggap na tulong sa sinapit ng kanilang mga anak mula sa gobyerno, habang isang kabang bigas lamang ang kanilang natanggap mul sa DSWD.

Ayon naman kay Brgy. Kgwd. Sonia Serrano, “Parang paninira naman nyan sa awtoridad, naghanap sila kinaumagahan na… yang mga taong yan mga dito yan naghahanap sila pero naghahanap sila tapos na yung bagyo.”

Sinabi naman ni Raffy Alejandro, ang Regional Director ng Office of the Civil Defense Region 5, walang anumang ulat na nakarating sa kanila hinggil sa dalawang batang nalunod sa Libon, Albay.

“Depende sa cause of death niyan meron namang namatay during bagyo pero hindi naman sa bagyo talaga, hindi po sya counted,” pahayag nito.

Samantala, tanggap na umano ng mga magulang ng dalawang bata ang masaklap na sinapit ng kanilang mga anak.

“Tanggap na po namin kasi nandun na yung eh wala na po kaming magagawa kahit masakit sa aming kalooban tanggapin na lang namin,” saad ni Aling Maricel. (Allan Manansala / Ruth Navales, UNTV News)

Viewing all 438 articles
Browse latest View live