Quantcast
Channel: Calamities and Disasters – UNTV News
Viewing all 438 articles
Browse latest View live

Mga lugar sa paligid ng Bulkan Mayon, permanente nang isasara sa mga residente

$
0
0

October 03, 2014 FILE PHOTO: Mayon Volcano (Alan Manansala / Photoville International)

LEGAZPI CITY, Philippines – Permanente nang isasara sa mga residente ng pamahalaang panlalawigan ng Albay ang mga lugar na sakop ng six-kilometer danger zone sa paligid ng Bulkang Mayon.

Kaninang umaga ay limang residente ang nahuli ng Philippine Army na bumalik sa kanilang bahay sa bayan ng Sto. Domingo na nasa paanan ng bulkan.

Ayon sa mga ito, gusto lamang nilang kunin ang mga ginawa nilang uling at kopra na siyang ikinabubuhay ng kanilang pamilya.

Pinayagan naman sila ng mga militar ngunit pinayuhan na huwag nang babalik sa lugar dahil sa banta ng pagsabog ng bulkan.

Kasunod nito, magpapatupad ng no entry, no electricity, no water, no human activity beyond six-kilometer danger zone ang lokal na pamahalaan ng Albay.

Ayon kay Governor Joey Salceda, permanente na nilang isasara ang mga lugar na sakop ng six-kilometer danger zone sa paligid ng Bulkang Mayon kapag natapos na ang pagtatayo ng mga palikuran sa mga evacuation center.

Isa ang kakulangan ng maayos na palikuran sa mga inirereklamo ng mga evacuee kaya hindi mapigilang bumalik sa kanilang mga tahahan.

Tinatayang nasa 327 na mga comfort rooms ang planong itayo ng lokal na pamahalaan ng Albay.

Ayon kay Governor Salceda, limang kilong bigas rin kada araw ang ibinibigay sa mga evacuee upang hindi magutom ang mga ito.

Ayon sa Albay Public Safety and Emergency Management Office, mayroon nang itatalagang relocation site para sa mga residente sa bawat munisipalidad na nakatira sa loob ng six-kilometer danger zone.

Inihahanda na nila ang mga ito upang malipatan ng mga residente sa oras na kumalma ang bulkan.

Sa kasalukuyan ay nanunuluyan sa iba’t ibang evacuation centers ang mahigit tatlong daang senior citizens, 643 person with disability (PWD’s), 497 na mga buntis at 187 na mga nagpapasuso, bukod pa sa 32-libong mga estudyante.

Samantala, ayon sa PHIVOLCS nakapagtala ang Bulkang Mayon ng 2 rock fall events, 3 volcanic quakes at sulfur dioxide emission sa nakalipas na 24 oras. (Gerry Galicia / Ruth Navales, UNTV News)


Ilang residenteng apektado sa posibleng pagputok ng Mayon, mas pinaniniwalaan ang mga ninuno kaysa sa PHIVOLCS

$
0
0

October 09, 2014 File Photo: Mayon Volcano (Allan Manansala / Photoville International)

ALBAY, Philippines — Mag-iisang buwan nang nananatili sa mga evacuation center ang mga residente sa Albay matapos itaas sa alert level 3 ang Bulkang Mayon.

Tinatayang umabot  na sa 12,813 pamilya o 54,633 katao ang kasalukuyang nasa 46 evacuation mula sa 39 barangays na nakatira sa paligid ng Mayon.

Ang mga ito ay nakatira sa mga lugar na sakop ng  extended 10-kilometer permanent danger zone na inilikas mula nang mag-alburoto ang bulkan.

Ngunit may mangilan-ngilan na mas pinili pa ang manatili sa kanilang tirahan sa kabila ng panganib ng pagputok ng Bulkang Mayon.

Kabilang dito ang ilang residente sa anim na barangay sa Legazpi City na sakop ng extended danger zone.

Katwiran ng mga ito, hindi pa puputok ang bulkan dahil hindi pa nila nakikita ang mga palatandaan na kanilang natutuhan sa kanilang mga ninuno.

Isa rito ay si Aling Salome na ang hanapbuhay ay pagggagayat ng dahon ng gabi . Ayon sa kanya kailangan muna niyang makita ang palatandaan na itinuro ng kanyang mga ninuno bago siya lumikas.

Kailangan daw  munang  bumaba sa kabundukan ang mga hayop tulad ng mga ahas at ibon sa kapatagan dahil takot din ang mga ito kapag pumuputok ang bulkan.

“Sa mga sabi po sa amin ng mga ninuno namin, since daw 1814, yun daw sa isang kislap ng mata nandoon na sa dagat ang lahar. Kaya yung mga sinsasabi ng mga ninuno namin na talagang ganyan yang bukid na yan. Kaya lagi naman kaming naka-alerto.”

Maging ang punong ehekutibo ng lungsod ng Legazpi, ganoon din ang katwirang kanyang naririnig sa mga residente na hinihikayat niyang lumikas.

Salaysay ni Mayor Noel Rosal, “Tinatanong ko sila, pumupunta ako doon palagi. ‘Oh, Manang, kumusta na tayo? Ano evacuate na tayo? Wag muna Mayor. Bakit? Wala pa. Sa eksperyensya namin palagi yan. Base ito sa kwento ng Mayon. Hindi kami pababayaan niyan. At saka ang Mayon, may mga signs yan na hindi pa namin nakikita.’ — Yan ang allegedly sabi nila”.

Ayon sa PHIVOLCS, hirap na rin silang ibahin ang mga paniniwalang ito ng mga matatandang Albayano.

Magkaganun pa man, mas mainam pa rin umano ang maagang paglilikas o paghahanda  para  kung sakali ay hindi mauwi sa sisihan at turuan. (ALLAN MANANSALA / UNTV News)

16 patay sa pagbagsak ng ventilation shaft sa isang K-pop concert

$
0
0

Police officials examine the scene of an accident at a shopping district in Seongnam October 17, 2014. CREDIT: REUTERS/KIM HONG-JI

SEOUL, South Korea – Personal na dumalaw si South Korean Prime Minister Chung Hong-Won sa bayan ng Seongnam kung saan naganap ang trahedya sa isang K-pop concert na ikinasawi ng may labinganim katao.

Ayon sa ulat, 27 tao ang kasamang bumagsak nang bumigay ang tinutungtungan nilang ventilation system habang nanonood ng concert ng paborito nilang K-pop group.

Sampung metro ang taas nito mula sa lupa at batay sa nakuhang video ng Gyeonggi Fire Station sa aktuwal na eksena, makikita ang mga biktimang sugatan matapos bumagsak ang ventilation shaft.

Labing-anim ang agad nasawi sa insidente habang labing-isa naman ang nasa malubhang kalagayan.

Samantala, nakitang patay sa kalsada malapit sa kaniyang opisina ang in-charge sa safety planning ng naturang concert na nakilala sa apelyidong “Oh” na umano’y tumalon mula sa ikasampung palapag ng gusali.

Nakita ang isang suicide note mula kay Oh na humihingi ng paumanhin sa mga biktima at sa kaniyang pamilya.

Tinatayang nasa pitong daang tao ang dumalo sa concert ng grupong 4Minute kung saan special performer ang singer/dancer na si Hyuna, na nakilala sa dance craze na Gangnam Style ng sikat na Korean rapper na si Psy. (Eric Ferrer / Ruth Navales, UNTV News)

Mga lugar na sakop ng 6-km permanent danger zone ng Bulkang Mayon, tutukuyin ng mga geologist

$
0
0

FILE PHOTO: Mt. Mayon view from Gabawan Lake at Daraga, Albay in August 2014. (RHOUELL CARINO / Photoville International)

LEGAZPI CITY, Philippines – Tutulong na ang Manila-based geologists sa pagtukoy sa mga nlugar na sakop ng 6-kilometer permanent danger zone sa paligid ng Bulkan Mayon.

Ito ay upang masiguro kung alin ang tiyak na mapanganib na mga lugar sakaling sumabog ang Bulkan Mayon.

Dito rin malalaman ng lokal na pamahalaan ang mga prayoridad na lugar upang agad mailikas ang mga residente sa lugar.

Kapag natukoy na ang mga lugar na sakop ng 6-km permanent danger zone at 7-km extended buffer zone sa paligid ng Mayon ay agad lalagyan ng marker na magiging basehan bilang mga delikadong lokasyon at upang huwag ng puntahan ng sinoman.

Inaasahang bukas o sa susunod na araw ay darating na sa Albay ang mga geologist mula sa main office ng PHIVOLCS.

Samantala, muling namataan ng PHIVOLCS ang bahagyang pagliwanag ng bunganga ng bulkan simula kahapon ng madaling araw, Lunes at umaga nitong Martes.

Pero sa obserbasyon ng PHIVOLCS, napakahinang crater glow lamang ito at hindi kayang makita ng ordinaryong paningin.

Muli naman nakapagtala ang PHIVOLCS ng 4 na volcanic earthquake, 3 rock fall events, habang nanatili sa 272 tons naman ang ibinubugang white steam plumes sa bahagi ng west at northwest ng Bulkan Mayon. (Allan Manansala / Ruth Navales, UNTV News)

P16.5-B Yolanda rehabilitation master plan, nilagdaan na ni Pres. Aquino

$
0
0

FILE PHOTO: Sa larawang ito na kuha noong December 10, 2013 gamit ang UNTV drone technology, makikita ang isang barkong pangkomersyo na napadpad sa isang pamayanang malapit sa pampang ng Anibong, Tacloban matapos ang pananalasa ni supertyphoon Yolanda. Ayon sa pagtatala ng NEDA, umabot sa P571 billion ang kabuoang halaga ng naging pinsala ni Yolanda sa bansa. (ARGIE PURISIMA / Photoville International)

MANILA, Philippines – Nilagdaan na ni Pangulong Benigno Aquino III ang P167.5 billion rehabilitation master plan na lalong magpapabilis sa isinasagawang rehabilitation effort sa mga lugar na sinalanta ng Super Typhoon Yolanda noong nakaraang taon.

Nakapaloob sa walong libong pahina ng Yolanda Rehabilitation Masterplan ang mahigit 25 libong rehabilitation and recovery plans para sa anim na rehiyon.

Ayon kay Presidential Spokesperson Edwin Lacierda, sa nasabing pondo, mapupunta ang mahigit P35-billion sa infrastructure, P26.4 billion sa social services, P75.7 billion para sa resettlement at P30.6 billion para sa livelihood programs.

“The previous plans na sinubmit kasi walang work programs so ngayon all the programs for rehab all the details have been inputted to that thick rehab plan,” anang kalihim.

Pangunahing layunin ng Yolanda rehabilitation master plan na maitayo ang mga kinakailangang imprastraktura upang masustenihan ang takbo ng ekonomiya sa Yolanda-affected areas.

Paglalaan ng livelihood programs at pagpapatatag sa kakayahan ng komunidad na harapin ang mga darating pang kalamidad sa bansa.

Batay sa Office of the Executive Secretary, nakapaglabas na ng pondo ang Department of Budget and Management (DBM) ng halos P5 billion para sa rehabilitation master plan.

Aminado naman ang Malakanyang na didepende pa rin sa kooperasyon ng mga local government unit ang pagpapabilis ng pagtatayo ng permanent housing para sa mga pamilyang hanggang ngayon ay nakatira pa rin sa mga tent o temporary shelter partikular na sa Tacloban City.

Ayon kay Lacierda, “NHA is prepared to do so much housing units we have the funds for that again, the issue here is always on the local government side they have to identify the land where to build this permanent housing structures,” saad nito. (Nel Maribojoc / Ruth Navales, UNTV News)

Unang taon matapos manalasa ang Bagyong Yolanda sa Visayas, gugunitain sa November 8

$
0
0

FILE PHOTOS: Mga larawang kaugnay ng pananalasa ng Bagyong Yolanda noong Nobyembre 2013. (PHOTOVILLE International)

LEYTE, Philippines — Gugunitain naman ngayong buwan ng mga taga-Visayas ang unang taon ng pananalasa ng Bagyong Yolanda.

Sa November 8, aalalahanin ng mga biktima ng bagyo ang mapait na karanasan at ang ginawa nilang pagbangon matapos ang trahedya.

Ayon kay Tacloban City Mayor Alfred Romualdez, tampok sa paggunita ang isang documentary film tungkol sa iniwang pinsala ng bagyo at ang mga leksyon na natutunan sa trahedya.

Ipapakita din sa documentary ang masamang epekto ng climate change kung hindi gagawa ng hakbang ang pamahalaan para maagapan. (UNTV News)

Relief at recovery efforts ng PRC sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Yolanda, nagpapatuloy

$
0
0

Relief and Recovery Efforts of Philippine Red Cross (as of October 31, 2014)

MANILA, Philippines – Makalipas ang halos isang taon matapos manalasa ang Bagyong Yolanda sa bansa, hindi tumigil ang Philippine Red Cross (PRC) sa pagtulong sa ating mga kababayan na lubhang naapektuhan ng kalamidad.

As of October 31,2014, tinatayang nasa mahigit 300-libong pamilya na ang naabutan ng emergency food items ng Red Cross, habang nasa halos 200-libong pamilya ang nabigyan na ng mga hygiene kit.

Halos 91-libong pamilya rin ang naayudahan ng cash relief assistance, at mahigit sa 31 libong indibidwal naman ang nabigyan ng psychosocial support.

Tinatayang nasa mahigit sa 100-milyong halaga ng mga gamot na rin ang naipamahagi ng Pharmaceutical and Healthcare Association of the Philippines (PHAP).

Mayroon ring mahigit sa 6,000 core shelter ang naipatayo, at halos 29,000 households ang nabigyan ng shelter repair assistance.

Bukod pa rito ang patuloy na pamamahagi ng iba pang pangangailangan gaya ng mga tents, kumot, kulambo, at malinis na tubig.

Tinututukan din ngayon ng Red Cross at iba pang ahensya ng pamahalaan tulad ng TESDA at DTI ang pagbibigay ng mga livelihood programs para sa ating mga kababayan.

Samantala, aminado ang Office of the Presidential Assistance for Rehabilitation and Recovery (PARR) na sa ngayon ay nahihirapan silang makakita ng mga lupa na pagtatayuan ng mga permanent shelter.

Anila, karamihan sa mga lupain na target na matayuan ng mga permanenteng tahanan ay agricultural land o di kaya naman ay pribado kaya’t hirap ang PARR na maipatayo ang mga permanent shelter.

Sinagot naman ni PARR Communication Manager Atty. Karen Jimeno ang isyu kaugnay ng umano’y mabagal na aksyon ng pamahalaan upang maisaayos ang ating mga kababayan na nawalan ng mga tirahan.

Aniya, ginagawa na ng pamahalaan ang lahat upang maibalik sa normal na pamumuhay ang ating mga kababayan na sinalanta ng Bagyong Yolanda.

“The phase of recovery in the Philippines is faster than in other countries, and I guess for those who think things are going slow, check the facts and data first”

“As you can see of the target marami na tayong na accomplished,” giit ni Jimeno. (Joan Nano / Ruth Navales, UNTV News)

Full implementation ng rehabilitation & recovery plans sa Yolanda affected areas, mapapadali na — Malacañang

$
0
0

FILE PHOTO: A UNTV Drone shot of Yolanda devastation in November 2013 (UNTV News)

MANILA, Philippines – Inaasahang mas mapadadali na ang full implementation ng nilagdaan ni Pangulong Benigno Aquino III na Yolanda Comprehensive Rehabilitation and Recovery Plans (CRRP).

Sa ginanap na pulong sa Malakanyang kahapon ng ilang miyembro ng gabinete kasama si Executive Secretary Paquito Ochoa, inihayag ni Presidential Communication Secretary Herminio “Sonny” Coloma Junior na ilang mga problema ang natugunan na ng pamahalaan.

“Secretary Lacson reported that the following issues and concern of the implementing agency have been addressed. No. 1, establishment of a one-stop shop for resettlement to facilitate the building of permanent housing units in accordance with administrative order number 44 which was approved by the president on October 28, 2014.”

Bukod dito, naisapinal na rin ng DENR, DOST, DND at DILG ang pagtutukoy sa mga lugar na ligtas at hindi ligtas tirhan.

Kasama na rin dito ang pagtitiyak na may sapat na supply ng mga construction materials sa pagtatayo ng permanent housing units sa Yolanda-affected areas.

Ayon kay Secretary Coloma, batid ng pamahalaan ang pangangailangan ng mga pamilyang naapektuhan ng Bagyong Yolanda.

Kaya ginagawa ng mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan ang lahat ng paraan upang mapadali ang rehabilitation efforts.

“Ang transition ng Pilipinas mula sa relief patungo sa rehabilitation ay nagsimula noong buwan ng Hulyo 2014, o walong buwan pagkatapos ng kalamidad ito ay maihahambing sa pamantayan sa ibang lugar sa daigdig at kung saan ay mula isang taon hanggang sa lampas isang taon ang panahon na ginugol bago maka-level-up dun sa estado ng rehabilitation mula sa relief,” ani Coloma.

Kaugnay nito, sinabi ng Malakanyang na wala pang pinal na iskedyul si Pangulong Aquino sa pagbalik niya sa yolanda affected areas para sa paggunita sa ika-isang taon ng pananalasa ng bagyong yolanda noong November 08, 2013. (Nel Maribojoc / Ruth Navales, UNTV News)


Special cabinet meeting, ipinatawag ni Pres. Aquino kaugnay ng Yolanda rehabilitation

$
0
0

Ang special cabinet meeting sa pangunguna ni Pangulong Benigno Aquino III kaugnay ng naging pananalasa ng Bagyong Yolanda noong nakaraang taon. (Photo by Benhur Arcayan / Malacañang Photo Bureau)

MANILA, Philippines – Halos kumpleto ang miyembro ng gabinete sa special meeting na ipinatawag ni Pangulong Benigno Aquino III ngayong umaga sa palasyo ng Malakanyang.

Pangunahing agenda sa special meeting ang rehabilitation at recovery plans ng pamahalaan sa Yolanda affected areas.

Dumalo sa naturang special meeting si Vice President Jejomar Binay bilang chairman ng Housing and Urban Development Coordinating Council.

Naroon din sina Executive Secretary Paquito Ochoa, Presidential Assistant for Rehabilitation and Recovery Secretary Panfilo Lacson, DPWH Secretary Rogelio Singson at iba pang miyembro ng gabinete na may papel sa rehabilitation effort ng pamahalaan.

Ayon kay Presidential Communication Secretary Herminio Coloma Jr, nagpa-update si Pangulong Aquino kaugnay ng implementasyon ng Comprehensive Rehabilitation and Recovery Plans (CRRP) na naaprubahan noong Oktubre 29.

“The President will get updates on CRRP implementation as of 31 October from OPARR Sec. Lacson and heads of clusters on resettlement (HUDCC & NHA), infrastructure (DPWH), social services (DSWD), livelihood (DTI, DOLE) and support (DBM, NEDA).”

Sinabi rin ng kalihim na layon ng pulong na mailatag ang mga prayoridad na programa at proyekto para sa taong 2015.

Ang CRRP ay popondohan ng mahigit P167 billion kung saan nakapaloob dito ang mahigit 25-libong rehabilitation and recovery plans para sa anim na rehiyon.

Kaugnay nito, inatasan naman ni Pangulong Aquino ang mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan na pabilisin ang proseso at requirements sa pagtatayo ng permanent housing units.

Ito ang layon ng Administrative Order No. 44, kung saan dapat na mai-produce ang mga kinakailangang clearance sa loob lamang ng dalawang buwan mula sa anim na buwan sa pamamagitan ng pagbabawas ng mga hinihinging dokumento at bayarin para sa mga resettlement project.

Kaugnay nito ay inaasahan namang sa araw ng sabado ay personal na bibisita sa Yolanda affected areas si Pangulong Aquino kaugnay ng anibersaryo ng pananalasa ng Super Typhoon Yolanda. (Nel Maribojoc / Ruth Navales, UNTV News)

MAPA-HANDA software na makatutulong sa disaster response, inilunsad

$
0
0

Bahagi ng paglulunsad ng MAPA-HANDA kung saan ay ipinapakilala sa mga panauhin ang mga bagay-bagay tungkol sa mapa. (UNTV News)

MANILA, Philippines – Sa layuning maihanda ang bansa sa banta ng mga kalamidad, isang mapping software ang inilunsad ngayon ng National Youth Commission (NYC) at National Anti-Poverty Commission (NAPC).

Ayon kay NAPC USec. Gio Tingson, sa tulong ng MAPA-HANDA software ay magiging madali na para sa mga local government units na maihanda ang kanilang mga nasasakupan kung may paparating na kalamidad.

Makatututulong din ang MAPA-HANDA upang makabuo ng epektibong disaster response.

“Dito natin madedetermine kung papaano tayo makakaresponde, papano tayo makakabuo ng resources na kailangan natin sa panahon ng sakuna at pagprepare sa anumang kalamidad na pwedeng maganap.”

Sa pamamagitan ng software, malalaman ng mga disaster planner kung ilang lugar ang posibleng maapektuhan ng mga pagbaha at kung saan dapat na ilikas ang mga residente.

Malalaman din sa software kung anu-ano at ilan ang kakailanganing tulong ng mga evacuee gaya ng bigas, tubig, pagkain at iba pang pangangailangan.

Kabilang sa mga katuwang sa MAPA-HANDA project ang University of the Philippines (UP), Department of Science and Technology (DOST), National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), Miss Earth Foundation at iba pa. (Joan Nano / Ruth Navales, UNTV News)

Kahandaan ng Metro Manila sa 7.2 magnitude na lindol, nais masukat sa pamamagitan ng metrowide drill

$
0
0

FILE IMAGE: Bahagi ng isang earthquake drill sa isang opisina. (UNTV News)

MANILA, Philippines – Pinag-aaralan na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagsasagawa ng metrowide drill upang maihanda ang mga residente ng Metro Manila sakaling tumama ang malakas na lindol.

Batay sa pag aaral ng mga dalubhasa, posibleng makaranas ang kalakhang Maynila ng 7.2 magnitude na lindol oras na gumalaw ang west valley fault.

Ang ganito kalakas na pagyanig ay maihahalintulad sa lindol na tumama sa Bohol noong October 2013.

Kabilang sa ginagawang paghahanda ng ahensya ay ang pagbili ng mga bagong gamit tulad ng mga sensor na magagamit sa search and rescue operations.

Umaasa ang MMDA na sa lalong madaling panahon ay maisagawa na ang metrowide earthquake drill sa pakikipagtulungan ng mga lokal na pamahalaan. (UNTV News)

Konstruksyon ng mga police station na winasak ng Bagyong Yolanda, hindi pa natatapos

$
0
0

Isa sa mga presintong itinatayo matapos masira ng Bagyong Yolanda. (UNTV News)

MANILA, Philippines – Hindi pa rin tapos ang konstruksyon ng mga nasirang police station sa Eastern Samar at Tacloban, Leyte.

Ito ay dahil nito lamang Hunyo nai-release ang pondo na nagkakahalaga ng mahigit P335 million para sa repair, rehabilitation at construction ng mga ito.

Ayon kay PNP PIO Chief P/CSupt. Wilben Mayor, nasa 13 notice of fund availability ang inilabas ng Directorate for Comptrollership noong June 2014 na nagkakahalaga ng P335,386,414. 86 para sa mga sinalanta ng Typhoon Yolanda sa Bicol Region, MIMAROPA, Western Visayas, Eastern Visayas at CARAGA Regions.

“Sinusunod natin ang proseso para maging maayos yung pagbibigay ng pondo sa mga magko-construct.”

Sinabi pa nito na mahigit P294-milyon ang inilaan nila sa Eastern Visayas na malubhang sinalanta ng Bagyong Yolanda kung saan 183 ang mga nasirang istasyon ng pulis at mga office building.

Habang nasa kasagsagan pa ng konstruksyon ang 15 municipal police station sa Leyte na nilaanan nila ng mahigit sa apat na milyong pisong pondo.

Nire-repair din ang ilang pasilidad at opisina sa regional headquarters sa Camp Kangleon sa Palo, Leyte.

“Ito yung programa ng pamunuan ng Philippine National Police para ma-rehabilitate ang mga police station at mga facilities na nasira ng Yolanda,” saad pa ni Mayor.

Kabilang sa mga regional office na binigyan ng pondo ng PNP ay ang nasa REGION 4B, 5, 6, 7 at 13.

Idinagdag pa ni Mayor na maging ang mga pulis na naapektuhan ng Typhoon Yolanda ay binigyan din ng financial assistance ng PNP. (Lea Ylagan / Ruth Navales, UNTV News)

Klase sa mga paaralan sa paligid ng Bulkan Mayon, balik-normal na

$
0
0

Ang masiglang partisipasyon ng mga mag-aaral sa paaralang ito na naging evacuation center na sakop ng 7 to 8 kilometer extended buffer zone ng Bulkang Mayon sa lalawigan ng Albay matapos magbalik-normal na ang sitwasyon sa lugar na ito. (UNTV News)

LEGASPI CITY, Philippines – Simula ngayong araw ng Lunes ay balik na sa normal ang klase sa mga paaralang sakop ng 7 to 8 kilometer extended buffer zone ng Bulkang Mayon sa lalawigan ng Albay.

Mahigit isang buwan din na naantala ang klase ng mga mag-aaral sa 20 paaralan sa Albay dahil sa paglilikas sa mga residente bunsod ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.

Sa Tumpa Elementary School, halos 90 percent na ng mga estudyante ang pumasok sa eskuwelahan ngayong araw ng Lunes.

Ayon sa pamunuan ng paaralan, hindi pumasok ang iba pang mag-aaral dahil nananatili pa rin ang mga ito sa mga evacuation center na sakop ng 6-kilometer permanent danger zone.

Hanggang sa ngayon ay nasa dalawang libong pamilya pa o katumbas ng 11-libong indibidwal ang nasa labing-isang evacuation center dahil hindi pa sila pinahihintulutan ng mga awtoridad na makauwi sa kanilang mga tahanan.

Ito ay dahil may nakikita pa rin ng bahagyang abnormalidad ang bulkan.

Sinabi ng DepED Region V na ang mga batang mag-aaral na nasa six-kilometer danger zone ay pansamantalang magkaklase sa mga paaralang ginawang evacuation center.

Samantala, muling ipinagpatuloy ng mga geologist ng PHIVOLCS ang precise levelling na sinimulan nitong Linggo sa may northwest at southwest side ng Buang leveling line.

Sa pamamagitan nito, matutukoy ang pamamaga o pagnipis ng dalisidis ng Mayon Volcano.

Aabutin naman ng limang araw bago makumpleto ang isinasagawang deformation gathering o precise leveling sa Bulkang Mayon. (Allan Manansala / Ruth Navales, UNTV News)

Tacloban City, hindi pinabayaan ng pamahalaan — Lacson

$
0
0

Presidential Assistant for Rehabilitation and Recovery Secretary Panfilo Lacson (UNTV News)

MANILA, Philippines – Dismayado si Rehabilitation czar Secretary Panfilo Lacson sa mga pahayag ni Tacloban City Mayor Alfred Romualdez na kahit isang kusing ay walang natanggap na tulong ang kanyang lungsod na sinalanta ng Bagyong Yolanda noong 2013.

Katunayan ay siya mismo ang gumawa ng paraan upang makapag-advance noon si Romualdez ng internal revenue allotment sa DBM matapos salantain ng kalamidad ang lungsod.

Gayunman, hindi umano ito tinanggap ni Romualdez.

“Ano ba talaga kailangan mo Mayor? Pero kapag humingi ka sa akin at tinrabaho kong ibigay tanggapin mo naman, di naman yung para akong gago naman na hihingan mo ako ng tulong, ang layo ng DBM,” pahayag ni Lacson.

Ayon kay Lacson, hindi nagkulang ang pamahalaan sa pagtulong at pakikipag-koordinasyon sa kanila.

“Tacloban is not being left out, in fact it is being ahead at least in resettlement cluster.”

“The allegation that Malacanang did not even sent a janitor to represent national government is again wrong,” saad pa ng kalihim.

Pinayuhan rin ni Secretary Lacson si Mayor Romualdez na isa-isangtabi muna ang pulitika at sa halip ay makipagtulungan sa pamahalaan dahil kapakanan ng kanyang mga kababayan ang nakasalalay.

Sinabi nitong P6.1 billion halaga ng proyekto ang inilaan para sa Tacloban City at P230.7 million dito ay galing sa Department of the Interior and Local Government (DILG).

Ayon kay DSWD Secretary Dinky Soliman, hiniling ni Romualdez ang nasabing pondo para sa rebuilding ng Tacloban City Hall, public market at city center bukod pa ang galing sa DSWD.

“We provided P35 million in cash for “cash for work” they still to liquidate and we provide supplemental feeding and we also provided livelihood,” anang kalihim.

Ikinatuwa naman ng Japan International Cooperation Agency ang rehabilitation efforts ng gobyerno.

Ayon kay Lacson, nasa 14,433 na pabahay ang ipagkakaloob ng pamahalaan sa mga taga-Tacloban.

Noong sabado ay nag-turn over na ng 120 housing units, habang sa Abril ay 12,500 na pabahay ang nakatakdang ipamigay para sa mga biktima ng Bagyong Yolanda.

Ang nalalabing 2,000 housing units ay ipagkakaloob naman bago matapos ang 2015.

Samantala, pinakasuhan na rin ang mga traders na sangkot sa sub-standard na bank houses habang isusulong ni Lacson sa kongreso na amyendahan ang Government Procurement Reformed Act upang maiwasan na maulit ang pangyayari. (Bryan De Paz / Ruth Navales, UNTV News)

Australian MH370 search agency says to continue mission

$
0
0

Zhang Yongli, whose daughter Zhang Qi was onboard Malaysia Airlines Flight MH370 which disappeared on March 8, 2014 shows a badge which he received from an NGO group supporting the family members of missing passengers, during an interview with Reuters in Beijing July 22, 2014. CREDIT: REUTERS/KIM KYUNG-HOON

(Reuters) - Australia on Tuesday said it remained committed to searching for missing Malaysia Airlines flight MH370 after comments by one of the airline’s directors suggesting the plane would be declared officially “lost” angered passengers’ families.

Malaysia Airlines commercial director Hugh Dunleavy inflamed already testy relations between the airline and the families of those aboard the missing flight by telling a New Zealand newspaper on Nov. 4 that next of kin would be compensated “once we’ve had an official loss recorded”.

The paper added that Australia and Malaysia were likely to declare the plane lost by the end of 2014, effectively ending a massive undersea search begun soon after the flight disappeared over the Indian Ocean on March 8, with 239 people on board.

On Nov. 10, next-of-kin activist group Voice 370 said in a statement that Dunleavy’s “unilateral declaration brings intense agony and confusions to family members and makes us lose faith in the search effort”.

Malaysia Airlines then said in a statement the comments were an “expression of a personal opinion only” and the Australia-based Joint Agency Coordination Centre (JACC) running the search was giving the only official updates on the operation, involving Australian, Chinese and Malaysian search equipment.

“Australia continues to lead the search for MH370 on behalf of Malaysia and remains committed to providing all necessary assistance in the search for the aircraft,” the JACC said in a statement that described Dunleavy’s comments as “greatly disturbing” for the families and loved ones of those on board.

(Reporting by Byron Kaye; Editing by Clarence Fernandez)


South Korea court sentences captain of doomed ferry to 36 years in jail for negligence

$
0
0

Sewol ferry captain Lee Joon-seok (3rd R) sits with crew members at the start of the verdict proceedings in a court room in Gwangju November 11, 2014.
CREDIT: REUTERS/ED JONES/POOL

(Reuters) - A South Korean court on Tuesday found the captain of a ferry which capsized in April killing more than 300 passengers guilty of negligence and sentenced him to 36 years in jail, declining to grant the death penalty sought by prosecutors.

But the court convicted the ship’s chief engineer of homicide for not aiding two injured fellow crew members and sentenced him to 30 years in prison.

(Reporting by Ju-min Park, Editing by Jack Kim)

Australia working on new drift modeling for MH370 wreckage

$
0
0

Graphics on a TV screen shows the current search area for the missing Malaysia Airlines flight MH370, during a media briefing at Dumas House in Perth April 9, 2014. CREDIT: REUTERS/RICHARD POLDEN

(Reuters) – Australia is working on new drift modeling to expand the geographical area in which wreckage from missing Malaysian Airlines flight MH370 may come ashore, the Australian search coordinator said on Wednesday.

Initial analysis had suggested that the first debris from the plane could come ashore on Indonesia’s Western Sumatra after about 123 days.

“We are currently working … to see if we can get an updated drift model for a much wider area where there might be possibilities of debris washing ashore,” search coordinator Peter Foley told reporters in Canberra.

Foley said the research center was receiving reports at least once a week of debris washed up on the Australian coastline, but none has so far been identified as coming from the missing aircraft.

The drift modeling supplements an ongoing surface and underwater search for the plane, which disappeared over the remote Indian Ocean on March 8, with 239 people on board.

Australian Transport Safety Bureau (ATSB) Chief Commissioner Martin Dolan on Tuesday dismissed suggestions there was disagreement among the five groups that make up the international team – America’s Boeing Co, France’s Thales, US investigator the National Transportation Safety Board and the Australian Defence Science and Technology Organisation – on where to search.

The teams initially agreed an area about 600 kilometers long by 90 km wide west of Perth was most likely. A new report released last month specified two high-priority areas further to the south.

“There is no disagreement, just the deliberate application of differing analysis models,” Dolan said.

All five groups agree that MH370’s final resting place is near the “7th arc” a curve that stretches from about 1,000 km off Exmouth, Western Australia, to a point about 2,000 km southwest of Perth, Dolan said.

More than 6,900 sq km of sea floor has been searched so far.

(This story corrects the dateline to Sydney from Perth, and location of the press conference in the third paragraph to Canberra from Perth)

(Reporting by Jane Wardell; Editing by Jeremy Laurence)

13 Pilipino, kabilang sa mga sakay ng lumubog na Korean vessel sa Russia — DFA

$
0
0

Ang fishing vessel na Oryong 501 na ino-operate ng by Sajo Industries na napabalitang lumubog sa Bering Sea nitong Lunes, Disyembre 01, 2014. FILE PHOTO. CREDIT: REUTERS/SAJO INDUSTRIES/YONHAP

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na labintatlong Pilipino ang kabilang sa lumubog na Korean vessel na Oryong 501 sa Bering Sea sa Russia.

Ito ay batay sa communiqué ng embahada ng Pilipinas sa Moscow, Russia.

Sa isang panayam sa telepono, sinabi ni DFA Spokesperson Charles Jose na batay sa ulat, mayroon ngang 13 kababayan nating Pinoy na kabilang sa lumubog na barko.

Lulan ng barko ang 60 tripulante nang ito ay lumubog sa Bering Sea.

“Ayon sa ulat mayroon ngang 13 Filipinos, 11 South Koreans, 35 Indonesians at may isang Russian na parang captain.”

Sa ngayon ay isa na ang naitalang nasawi, habang walo naman ang nailigtas ng mga Russian vessel na tumutulong sa rescue operations.

Inaalam pa sa kasalukuyan ng DFA kung may kasamang Pilipino sa walong nailigtas.

Ayon pa kay Jose, ang masamang panahon ang itinuturong dahilan ng paglubog ng naturang barko.

“Honorary consul general natin sa Vladivostok ay naatasang makipag-coordinate sa local authorities para makakakuha ng update sa rescue efforts and the same time ang embassy natin sa Seoul, South Korea ay nirequest din na makipagugnayan sa Korean owner ng fishing vessel para malaman yung mga pangalan at iba pang details nitong Filipino crew members nito.”

Tiniyak rin ng DFA na patuloy ang ginagawang search and rescue operation ng Russian government sa mga nawawalang sakay ng barko.

“I think yung Russian government ginagawa lahat para sa search and rescue pero masama ang panahon so medyo nahahamper yung efforts nila, pero once na makuha yung mga pangalan ng Filipino crew members ay ino-notice na natin yung mga next of kin at kung may mga ma-rescue na mga Filipino titiyakin natin na mabibigyan sila ng proper medical attention,” saad pa ni Jose.

Ang barkong Oryong 501 ay ginawa sa Spain noong 1978 at nabili ng South Korean fisheries firm na Sajo Industries noong 2010.

Sa ngayon ay patuloy ang koordinasyon ng DFA sa Korean Embassy tungkol sa kalagayan ng mga Pilipinong tripulante ng barko. (Bryan De Paz / Ruth Navales, UNTV News)

Bilang ng mga Pilipinong nasawi sa lumubog na Korean fishing vessel sa Bering Sea, umakyat na sa tatlo

$
0
0

Sa kasalukuyan, December 05, 2014, tatlong Pilipinong seaman na ang kumpirmadong nasawi sa paglubong ng barkong Oriong-501 sa Bering Sea. (Photo credits: Reuters)

MANILA, Philippines – Umakyat na sa tatlo ang bilang ng mga Pilipinong nasawi sa lumubog na South Korean fishing vessel sa Bering Sea sa Russia noong Disyembre 1.

Nitong Huwebes ay kinilala na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang isa sa mga nasawi na si Jessie Alovera Londres, 25-anyos.

Tumanggi naman ang DFA na pangalanan ang dalawa pang nasawi dahil hindi pa nasasabihan ang mga kaanak ng mga ito.

Sa kabuuan, 20 na ang narecover na mga bangkay ng mga awtoridad, kabilang ang tatlong Pilipino, siyam na Indonesians, anim na Koreans, at dalawang unidentified crew members.

Nananatili naman sa pitong tripulante ang nasagip ng mga awtoridad mula sa lumubog na Oriong-501, kabilang na ang tatlong Pilipinong sina Rowell Aljecera, Micol Sabay at Teddy Parangue Jr.

Samantala, tuloy-tuloy pa rin ang search and rescue operations sa mga nawawala pang mga tripulante ng naturang fishing vessel.

Magugunitang Disyembre 1 nang maglayag sa Bering Sea ang Oriong-501, na may sakay na 60 tripulante nang biglang hampasin ng malalaking alon na naging dahilan ng paglubog nito. (Bianca Dava / Ruth Navales)

Panukalang batas para mas mapaghandaan ng LGU’s ang kalamidad, inihain sa Kongreso

$
0
0

FILE PHOTO: Ang naging pagbahang dala ni Bagyong Maring sa mga residenteng ito sa Makati City noong Agosto 20, 2013. (PRINCE  MARQUEZ / Photoville International)

MANILA, Philippines – Sa gitna ng isinasagawang paghahanda ng mga lokal na pamahalaan lalo na sa tatamaan nang paparating na Bagyong Ruby, nanawagan si Valenzuela Representative Sherwin Gatchalain na bigyan ng prayoridad ang inihain niyang House Bill No. 5097.

Ang panukalang batas na ito ay magpapalawak ng opsyon ng mga local government unit sa paggamit ng Local Disaster Risk Reduction and Management Fund (LDRRMF).

Aamyendahan nito ang kasalukuyang Philippines Risk Reduction and Management Act na isama na sa pondo ng LGU ang rehabilitasyon sa mga naapektuhang lugar ng kalamidad.

Sa umiiral na batas, magagamit ang LDRRMF sa pagbili ng mga rescue equipment, supplies at mga gamot.

Sinabi ni Congressman Gatchalian, layon ng pag-amyenda sa kasalukuyang batas na kaagad na makapagsasagawa ng reconstruction, repair at rehabilitasyon sa mga nasirang imprastraktura dulot ng natural calamities.

Idinagdag pa ng kongresista kung naamyendahan noon pa ang batas nagkaroon na sana kaagad ng pondo ang mga LGU na naapektuhan ng Bagyong Yolanda.

Sa ngayon, ang panukalang batas ay nakabinbin pa sa House Committee on National Defense and Security. (Grace Casin / Ruth Navales, UNTV News)

Viewing all 438 articles
Browse latest View live