MANILA, Philippines — Substandard ngunit hindi overpriced ang itinayong bunk houses para sa mga nasalanta ng Bagyong Yolanda.
Ito ang lumabas sa isinagawang imbestigasyon ng Senado sa kondisyon ng mga temporary shelter.
Sa inilabas na 15 pahinang Senate report, natuklasan na ang mga ito ay hindi naaayon sa itinakdang pamantayan ng Department of Public Works and Highways.
Kabilang dito ang kakulangan ng maayos na construction materials at manpower upang itayo ang mga bahay.
Gayunman, hindi anila ito overpriced dahil hindi pa naman nababayaran ang mga contractor sa ginastos nila sa pagtatayo ng mga naturang bahay. (UNTV News)