Quantcast
Channel: Calamities and Disasters – UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 438

Mga lampara at gasera, bawal na sa tent city — Romualdez

$
0
0

Nitong Miyerkules ng madaling araw ay isang sunog ang naganap sa bahaging ito ng tent city sa Tacloban na ikinamatay ng isang ginang at 6 nitong anak. Kaya naman ipinagbawal na ng Tacloban City Government ang paggamit ng mga lampara at gasera dito. (UNTV News)

TACLOBAN CITY, Philippines — Magsasagawa ng masusing inspeksyon ang Bureau of Fire Protection (BFP) at Philippine National Police (PNP) sa mga nakatira sa tent city sa Costa Brava, San Jose, Tacloban City.

Ito ay upang matiyak na wala ng natitirang gasera na syang pinagmulan ng sunog sa isa sa mga tent doon noong Miyerkules ng madaling araw na ikinasawi ng isang babae at anim nitong anak.

Dahil dito, inatasan ni Tacloban City Mayor Alfred Romualdez ang BFP at PNP na siyasatin ang lahat ng tent sa lugar at kumpiskahin ang mga gasera o lampara na matagal nang ipinagbabawal na gamitin.

“It’s not an inspection basically but its really telling now the people im given ordered im giving ordered now to the Bureau of Fire Protection and the police to go tent to tent and really take out all gasera’s or any lanterns or anything like that inside the tent.”

Ayon pa kay Romualdez, dalawang linggo pa lang mula ng makabalik galing sa Samar ang pamilyang nasunugan kaya hindi pa nabibigyan ang mga ito ng solar lamps.

Nagdulot naman ng takot at pangamba sa mga nakatira sa tent city ang nangyaring sunog.

“Natrauma natatakot kagabi nga di kami natulog dito eh, doon kami sa kapatid niya jan sa kabilang tent sama-sama sila lahat doon, Kami naman diyan sa labas nagbabantay,” pahayag ni Arnel Agustin.

Sa ngayon ay tinatayang nasa 780 hanggang 800 pamilya pa ang nakatira sa tent city.

Ayon kay Romualdez, gustuhin man niyang ilipat na ang mga ito sa ibang lugar ay wala namang pondo na magagamit.

Tanging donation lang umano mula sa ibat-ibat organization lang ang nagagamit nila sa ngayon sa pagpapagawa ng bahay.

“Matagal na kaming humingi ng tulong December pa kami humingi ng tulong, nagbigay na rin kami estimate kung ano ang kailangan namin, wala nga hanggang ngayon ang tulong lang na naabot na inaabot sa amin ay para lang paggawa pag repair ng city hall, buildings, city goverment own buildings, but no money for shelters no money for evacuation centers or permanent houses no money for that,” saad pa ni Romualdez.

Samantala, tiniyak naman ni PCOO Secretary Herminio ‘Sonny’ Coloma Jr. na pagtutuunan ng pansin ang nangyari sa tent city. (Jenelyn Gaquit / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 438

Trending Articles