Quantcast
Channel: Calamities and Disasters – UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 438

Pinsala ng Bagyong Glenda sa Bicol Region, umabot na sa mahigit P1-B

$
0
0

Isa sa malaking problema ng mga ilang residente sa Naga ay ang mga punong bumuwal sa kanilang mga tahanan matapos ang pananalasa ng bagyong Glenda (UNTV News)

NAGA CITY, Philippines — Inaalam na ng Department of Agriculture-Bicol Region ang lawak ng pinsalang idinulot ng Bagyong Glenda sa agrikultura.

Batay sa inisyal na datos ng DA, umaabot na sa ₱1,127,108,987.42 ang pinsala ng Bagyong Glenda sa agrikultura sa buong rehiyon.

Umaabot sa 22.732 hektaryang taniman ng palay ang napinsala na nagkakahalaga ng ₱459, 529,053, habang umabot naman sa 5,227 ektarya ng mais ang napinsala na nagkakahalaga ng ₱62,693.715.

Ang pinsala sa mga high value crops tulad ng gulay, prutas, cacao, kape at pili ay nagkakahalaga ng ₱481,147,287. Nasa ₱516,000 naman ang pinsala sa livestock, ₱123,215,931 sa imprastraktura.

Ayon kay Emily Bordado, ang tagapagsalita ng DA Region V, ang probinsya ng Sorsogon ang may pinakamalaking naging pinsala sa agrikultura sumunod ang probinsiya ng Masbate, Albay at Camarines Sur.

Inaalam na rin ng DA ang mga tulong na ibibigay sa mga magsasakang naapektuhan ng bagyo.

Sa Catanduanes, bukod sa pre-school, balik eskwela na ang ilang mga paaralan sa lahat ng antas. Balik na rin ang supply ng kuryente sa ilang bayan at tuloy pa rin ang relief operation sa mga naapektuhan ng
bagyo.

Samantala, ilang kagamitan ng PHIVOLCS na nakabase sa Albay ang nasira ng Bagyong Glenda kabilang na ang seismic network na ginagamit sa pagmonitor sa aktibidad ng bulkan.

Sa ngayon ay bumabalik na sa normal ang pamumuhay ng mga Bicolano matapos ang pananalasa ng Bagyong Glenda sa rehiyon. (Allan Manansala / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 438

Trending Articles