Quantcast
Channel: Calamities and Disasters – UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 438

UNTV News and Rescue, nakiisa sa disaster preparedness forum ng QC 6th District

$
0
0

Ang paglahok ng UNTV News and Rescue Team sa Disaster Preparedness Forum na inorganisa ng Local Government Unit ng Quezon City District 6. (UNTV News)

MANILA, Philippines — Nakiisa ang UNTV News and Rescue Team sa Disaster Preparedness Forum na inorganisa ng Local Government Unit (LGU) ng ika-anim na Distrito ng Quezon City bilang paghahanda sa mga paparating na kalamidad at sakuna.

“Ang gagawin natin, ire-retrain natin ang mga barangay with the help of UNTV and the help of MMDA. Gagawa tayo at bubuo tayo ng disaster team,” pahayag ni Quezon City District 6 Representative Jose Christopher Belmonte.

Iba’t-ibang ahensya ng gobyerno at non-government organization ang nagsama-sama upang magbahagi ng mga kaalaman kabilang na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Philippine Coast Guard (PCG), QC Department of Public Order and Safety QC-DPOS, Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine Red Cross-Quezon City Chapter, Philippine National Police (PNP), D6 Disaster Rescue Team at UNTV News and Rescue.

“We have so many people working for us and volunteering po for us (UNTV News and Rescue Team) na ide-deploy lang po namin in different barangay and together po with other agency. They could use us and you could use us para po ma-disseminate natin yung information sa levels ng barangay. Kailangan po kasi natin yung… tama na po yun eh —  risk reduction — it speaks for itself,” pahayag ni UNTV News and Rescue Operations Manager Jeffrey Santos.

Ayon naman kay Wilky Lao, EMT, “Kasi pagdating sa actual disaster mahirap na mabigyang tugon yung kanilang nasasakupan. Sana sila mismo immediately makaka-response sila. At the same time, preparedness para maiwasan ang other injuries.”

Target ng forum na mabigyan ng sapat na kaalaman ang lahat ng barangay official ng labing isang barangay na nasasakop ng ika-anim na distrito ng lungsod.

Layon din na makabuo ng isang rescue team na magbabantay sa buong distrito.

“Bibigyan nila ngayon ng kaalaman ultimo bata mabibigyan sila ng kaalaman para maiwasan nga na magkaroon ng problema sa mga kamunidad yung dulo dulo ika nga lahat iinvolved, walang exemption,” saad pa ni Lao.

Pagkatapos ng forum nangako ang bawat opisyal ng barangay, ahensya ng gobyerno at non government organization na magpapatuloy ang ugnayan upang mas mapalakas pa ang pwersa ng mga tutulong sa komunidad sa oras ng sakuna. (Benedict Galazan / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 438

Trending Articles