Quantcast
Channel: Calamities and Disasters – UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 438

Kaanak ng 2 batang nalunod sa isang sapa sa Albay, idinadaing ang umano’y hindi pagtulong sa kanila ng pamahalaan

$
0
0

Ang mga ina ng mga nalunod na magpinsan na sina Ramil Contridas at Jayson
Repia sa Sitio Mapili, Brgy. Rawis, Libon, Albay. (UNTV News)

LEGASPI CITY, Philippines – Idinadaing ng mga kaanak ng dalawang batang magpinsan na nalunod sa isang sapa sa Albay ang umano’y hindi pagtulong ng kanilang barangay maging ng pamalaan.

Kinilala ang magpinsan na sina Ramil Contridas, 7 anyos at Jayson Repia, anim na taong gulang na nalunod sa sapa ng Sitio Mapili, Brgy. Rawis, Libon noong Hulyo 16, alas-5 ng hapon matapos ang pananalasa ng Bagyong Glenda.

Ayon sa salaysay ng mga ina ng mga bata, papauwi na umano sila galing sa bukid nang napahiwalay sa kanila ang kanilang mga anak.

Inakala nila na nag-iba lamang ng daan ang dalawang bata pauwi sa kanilang tahanan. Lingid sa kanilang kaalaman sa sapa pala dumaan ang dalawang bata.

Humingi ng tulong ang ina ng dalawang bata sa barangay officials at humiram ng high pressure lamp upang magsilbing ilaw sa kanilang gagawing paghahanap sa kanilang mga anak ngunit nabigo sila.

“Wala po kaming tulong na nakuha sa kanila nag anu naman po kami ng saklolo sa kanila nawawala na yung anak namin, sabi nila kinaumagahan na wala kaming magagawa,” pahayag ni Maricel Bo at Lorie Repia.

Kinabuksan, Hulyo 17, agad na ipinagpatuloy ng mga kaanak ang paghahanap sa mga bata. Ala-7 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng mga ito.

Sa ekslusibong panayam ng UNTV News sa mga ina ng dalawang batang nasawi, wala umano silang natanggap na tulong sa sinapit ng kanilang mga anak mula sa gobyerno, habang isang kabang bigas lamang ang kanilang natanggap mul sa DSWD.

Ayon naman kay Brgy. Kgwd. Sonia Serrano, “Parang paninira naman nyan sa awtoridad, naghanap sila kinaumagahan na… yang mga taong yan mga dito yan naghahanap sila pero naghahanap sila tapos na yung bagyo.”

Sinabi naman ni Raffy Alejandro, ang Regional Director ng Office of the Civil Defense Region 5, walang anumang ulat na nakarating sa kanila hinggil sa dalawang batang nalunod sa Libon, Albay.

“Depende sa cause of death niyan meron namang namatay during bagyo pero hindi naman sa bagyo talaga, hindi po sya counted,” pahayag nito.

Samantala, tanggap na umano ng mga magulang ng dalawang bata ang masaklap na sinapit ng kanilang mga anak.

“Tanggap na po namin kasi nandun na yung eh wala na po kaming magagawa kahit masakit sa aming kalooban tanggapin na lang namin,” saad ni Aling Maricel. (Allan Manansala / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 438

Trending Articles