
(Upper Left) Ang driver ng motorsiklo na bumangga sa sa truck habang nilalapatan ng pangunang lunas ng UNTV News and Rescue Team-Cebu nitong Lunes, August 26, 2013 sa isang intersection sa lugar ng Pier 4 ng Cebu City. (UNTV News)
CEBU CITY, Philippines – Tinulungan ng UNTV News and Rescue Team ang isang lalaki na naaksidente kaninang tanghali sa intersection sa may bahagi ng Pier 4 sa Cebu City.
Nagtamo ng galos sa mukha at sugat sa binti ang driver ng motorsiklo na kinilalang si Norwin Velasco na taga Lawaan Cebu City matapos bumangga ang sinasakyan nitong motorsiklo sa isang trailer truck na biglang huminto.
Ayon naman sa pahayag ng truck driver, hindi na niya namalayan na may kasunod siyang motorsiklo.
Matapos mabigyan ng first aid ng news and rescue team si Velasco ay tumanggi na itong magpadala sa ospital. (Naomi Sorianosos / Ruth Navales, UNTV News)