Quantcast
Channel: Calamities and Disasters – UNTV News
Viewing all 438 articles
Browse latest View live

Libu-libong pasahero, stranded sa iba’t ibang pantalan at terminal sa bansa

$
0
0
FILE PHOTO: Pasil Port, Brgy., Ermita, Cebu City (JAMES VERCIDE / PHOTOVILLE International)

FILE PHOTO: Pasil Port, Brgy., Ermita, Cebu City (JAMES VERCIDE / PHOTOVILLE International)

MANILA, Philippines – Libu-libong pasahero naman ang stranded ngayon sa iba’t ibang pantalan at terminal sa bansa.

Batay sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kabilang sa mga ito ang pantalan sa Sorsogon at Southern Tagalog, Catbalogan, Albay at Central Visayas.

Nasa 33 barko ang pinagbawalang bumiyahe ng Philippine Coast Guard (PCG), 228 rolling cargoes at 12 motorbancas.

Sa ngayon ay naka-red alert ang buong pwersa ng NDRRMC kaugnay ng paghagupit ng Bagyong Labuyo. (UNTV News)


Mahigit 60 pamilya sa Baguio City, inilikas

$
0
0
Google Maps: Aguinaldo Elementary School, Baguio City

Google Maps: Aguinaldo Elementary School, Baguio City

BAGUIO CITY, Philippines – Mahigit animnapung pamilya na ang inilikas sa dalawang barangay sa Baguio City dahil sa patuloy na pag-ulan.

Ang mga evacuees mula Barangay Lower Rock Quarry at City Camp Central ay dinala sa Aguinaldo Elementary School.

Bagama’t bahagyang humina ang Bagyong Labuyo, nakataas pa rin ang public storm signal number 3 sa lalawigan ng Benguet. (UNTV News)

Mga LGU at ahensya ng pamahalaan, inatasang maging alerto at handa sa pananalasa ng Bagyong Labuyo

$
0
0
FILE PHOTO: Ang pagbaha na bunsod ng magdamag na pag-ulan noong Linggo, Agosto 4, 2013 sa Rizal Avenue, Sta.Cruz Manila, Philippines. (DARWIN DEE / Photoville International)

FILE PHOTO: Ang pagbaha na bunsod ng magdamag na pag-ulan noong Linggo, Agosto 4, 2013 sa Rizal Avenue, Sta.Cruz, Manila, Philippines. (DARWIN DEE / Photoville International)

MANILA, Philippines – Tiniyak Malacañang na nakahanda ang mga ahensya ng pamahalaan na umalalay sa mga maaapektuhan ng bagyo.

Kabilang dito ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), Philippine Coast Guard (PCG) at Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, handa na rin ang relief goods na ipamamahagi sa mga masasalanta ng Bagyong Labuyo.

Bukod sa mga ahensya ng pamahalaan, inatasan na rin ng palasyo ang mga Local Government Unit (LGU) na maging alerto at handa upang matiyak ang kaligtasan ng kanilang mga nasasakupan. (UNTV News)

PDRRMC La Union, naka-red alert na dahil sa Bagyong Labuyo

$
0
0
MTSAT ENHANCED-IR Satellite Image  6:32 p.m., 12 August 2013 (CREDITS: DOST-PAGASA)

MTSAT ENHANCED-IR Satellite Image
6:32 p.m., 12 August 2013 (CREDITS: DOST-PAGASA)

LA UNION, Philippines – Naka-red alert na ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) ng La Union na kasalukuyang nasa ilalim ng storm signal number 3 dahil sa Bagyong Labuyo.

Sinabi ni Office of Civil Defense (OCD) Region 1 Director Melchito Castro na paraan ito upang agad na makaresponde sa mga pinsalang maaring idulot ng bagyo sa lalawigan.

“Lahat ng ating disaster risk management and council at ganun din sa lahat ng member ng agencies government nakaalerto since yesterday morning, katunayan nga may representative tayo dito coast guard at other agency at continues na nagmomonitor sa sitwasyon dito sa Region 1.”

Ngayong hapon ng Lunes ay nakakaranas na ang lalawigan ng malakas na hangin at  walang tigil na pag-ulan.

Kasama sa mga mahigpit na binabantayan ng PDRRMC ang mga landslide at flood prone areas kasama ang mga bayan ng Agoo, Bauang, Caba, Bangar, Balaoan, San Fernando City, La Union at Santa Ilocos Sur.

Nakahanda na rin ang mga lugar na maaring gawing mga evecuation centers kung sakaling kailanganin. (Cristine Miranda / Ruth Navales, UNTV News)

8,000 pasahero, na-stranded dahil sa Bagyong Labuyo – PCG

$
0
0
FILE PHOTO: Philippine Coast Guard Spokesperson Lt. Cmdr. Armand Balilo (UNTV News)

FILE PHOTO: Philippine Coast Guard Spokesperson Lt. Cmdr. Armand Balilo (UNTV News)

MANILA, Philippines — Umabot sa 8,000 pasahero ang na-stranded sa iba’t ibang pantalan sa bansa dahil sa pananalasa ng Bagyong Labuyo.

Sinabi ni Philippine Coast Guard (PCG) spokesman Commander Armand Balilo na pinakamaraming na-stranded na pasahero sa Bicol Region na umabot sa mahigit 3,000.

Sa ngayon ay nasa mahigit isanlibo na lamang ang stranded na pasahero.

“1,088 pa yung stranded for the mean time. So from 8,000 meoron na lang 1,123 di alis dun sa ports na meron prohibition sa paglalayag,” ani Balilo.

Sa ilalim ng panuntunan ng PCG, hindi na pinapayagang bumiyahe ang mga sasakyang pandagat habang may nakataas na babala ng bagyo.

Papayagan lamang na muling makabiyahe ang mga sasakyang pandagat kapag wala na ang storm signal sa buong bansa. (Francis Rivera / Ruth Navales, UNTV News)

Bilang ng mga namatay dahil sa Bagyong Labuyo, umakyat na sa pito

$
0
0
 A handout photo released by Philippine Military Northern Luzon Command-Public Information and Affairs Office (NOLCOM-CIO) on 14 August 2013 shows an aerial shot of damage to homes in the typhoon devastated town of Casiguran, Aurora province, Philippines, on 13 August 2013. Typhoon Utor moved away from the Philippines leaving six people dead and more than 36,000 displaced, the civil defence office said. Utor, packing maximum sustained winds of 160 kilometres per hour (kph) and gusts of up to 195 kph, was moving towards south-eastern China at 19 kph, the weather bureau said. Eleven people were missing in the wake of the typhoon, including nine fishermen, the Office of Civil Defence said.

A handout photo released by Philippine Military Northern Luzon Command-Public Information and Affairs Office (NOLCOM-CIO) on 14 August 2013 shows an aerial shot of damage to homes in the typhoon devastated town of Casiguran, Aurora province, Philippines, on 13 August 2013. Typhoon Utor (LABUYO) moved away from the Philippines leaving six people dead and more than 36,000 displaced, the civil defence office said. Utor, packing maximum sustained winds of 160 kilometres per hour (kph) and gusts of up to 195 kph, was moving towards south-eastern China at 19 kph, the weather bureau said. Eleven people were missing in the wake of the typhoon, including nine fishermen, the Office of Civil Defense said.

MANILA, Philippines — Umakyat na sa pito ang bilang ng mga namatay, habang pito rin ang nasugatan dahil sa paghagupit ng Bagyong Labuyo sa bansa.

Kabilang sa mga nasawi sina Jomar Silicon, Reynaldo Dela Cruz, Alvin Sesante, Nelson Fuentes, Samson Dimante, Romeo Gonzales at Benie Almario Labios.

Karamihan sa mga ito ay nasawi dahil sa pagkalunod at inanod ng flash floods.

Nangangamba naman ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na tumaas pa ang bilang ng mga nasawi dahil mayroon pang lima na patuloy na pinaghahanap.

Kabilang sa mga nawawala sina Julio Balanoba, Jonar Villeno, Orlando Candelaria, Danilo Tulay, at Aristotle Pestano.

Sa kasalukuyan ay umabot na sa 45,249 pamilya ang naapektuhan ng bagyo na nakakalat sa 83 evacuation centers sa iba’t ibang lugar.

Umabot rin sa 5,868 mga bahay ang nasira at 13 mga tulay ang hindi madaanan sa Region 2 at Region 3, habang bumagsak rin ang komunikasyon dahil sa mga nasirang poste at cell sites.

Halos isang bilyong piso naman ang halaga ng iniwang pinsala ng bagyo sa imprastraktura at agrikultura.

Sa ngayon ay umabot na sa 5 ang mga bayan at lalawigan na nagdeklara ng state of calamity kabilang dito ang bayan ng Candelaria, Sta Cruz, at Masinloc sa Zambales, mga probinsya ng Aurora at Quirino.

Sa ngayon ay patuloy na ang pamimigay ng tulong ng pamahalaan, LGU’s at ilang NGO’s sa mga apektadong lugar sa bansa. (Mon Jocson / Ruth Navales, UNTV News)

Klase sa mga paaralan sa Metro Manila at karatig lalawigan, sinuspinde ng Malacañang

$
0
0
Dahil sa malakas ng pagbuhos ng ulan, gabi pa lamang nitong  Linggo ay kaliwa't kanan na ang pagbaha tulad ng sa lugar na ito ng Rizal Avenue sa Sta.Cruz, Manila. Dahil dito, may mga Local Government Units na ang nagdesisyon na magsupinde ng klase at pasok para sa kinabukasan. (DARWIN DEE / Photoville International)

Dahil sa malakas ng pagbuhos ng ulan, gabi pa lamang nitong Linggo ay kaliwa’t kanan na ang pagbaha tulad ng sa lugar na ito ng Rizal Avenue sa Sta.Cruz, Manila. Dahil dito, maraming mga paaralan at local government units na ang nagdesisyon na magsupinde ng klase at pasok para sa kinabukasan. (DARWIN DEE / Photoville International)

MANILA, Philippines – Suspendido ang klase ngayong araw sa maraming paaralan sa Metro Manila at karatig lalawigan dahil sa epekto ng Bagyong Maring na pinaigting ng hanging habagat.

Batay sa ipinalabas na kautusan ng Malacañang, walang pasok sa Caloocan, Cainta, Makati, Malabon, Mandaluyong, Manila, Marikina, Muntinlupa, Navotas, Parañaque, Pasay, Pasig, Pateros, San Juan, Taguig at Valenzuela City.

Suspendido rin ang klase sa ilang ss na kolehiyo:

La Salle Greenhills

St. Scholastica

UE Manila and Caloocan (preschool to high school)

UP Manila

Lyceum of the Philippines Manila

Jose Rizal University (all levels)

University of Sto. Tomas (all levels)

Sta. Isabel College (all levels)

Aguinaldo International School, Ermita, Manila (all levels)

Xavier School Nuvali (all levels)

College of St. Benilde

De La Salle University Taft, Makati, and DLSU – STC (all levels)

Arellano University – Main Campus (all levels)

Mapua – Intramuros and Makati (all levels)

Adamson University (all levels)

University of Baguio (all levels)

University of the Philippines – Los Baños

Don Bosco Technical College – Mandaluyong (all levels)

Wala na ring pasok ngayong araw ang mga empleyado sa tanggapan ng pamahalaan maliban lamang sa mga ahensyang may kinalaman sa disaster risk reduction and management tulad ng DSWD at DOH.

Samantala, sa Quezon City walang pasok ang mga paaralan at mga tanggapan ngayong araw dahil sa Quezon City Day bilang paggunita sa kaarawan ni dating panagulong Manuel L. Quezon. (UNTV News)

Mahigit 300 pamilya sa Marikina, lumikas

$
0
0
Ang mga nilikas na Marikenyong apektado ng pagtaas ng Marikina River (UNTV News)

Ang mga nilikas na Marikenyong apektado ng pagtaas ng Marikina River (UNTV News)

MARIKINA, Philippines — Napilitang lumikas ang mahigit 300 pamilya sa Marikina City matapos umakyat sa alert level 2 o 16 meters ang lebel ng tubig sa Marikina River.

As of 3:20AM ngayong Lunes, mahigit 160 pamilya o mahigit 800 residente ng barangay Malanday ang lumikas sa Filipinas Village covered court, Malanday Elem. School at Bulelak Gym.

Mahigit 130 pamilya o 650 indibidwal naman ang inilikas sa H. Bautista Elem. School sa barangay Tumana sa Marikina.

Siniguro naman ni Mayor Del De Guzman na nakahanda ang lokal na pamahalaan ng Marikina sakaling kailanganing ilikas ang maraming residente.

“Ayon sa forecast, aabot ng 17 pero kapag 18, mataas na yun, may mga areas tayo na identified na natin na babahain dapat yun ang unang mailikas natin,” anang opisyal.

Ayon kay kagawad VJ Sabiniano ng barangay Sto. Niño, nakaantabay na ang kanilang speed boat sakaling tuluyang umapaw ang tubig sa ilog.

“Basta kapag umabot ng 1st alarm, ibinababa na namin ang speedboat namin.”

Sa ngayon ay ibinalik na sa alert level 1 Marikina River. (Jerico Albano / Ruth Navales, UNTV News)


Biyahe ng mga barko sa Batangas Port, tuloy pa rin sa kabila ng malakas na pag-ulan

$
0
0
FILE PHOTO: Batangas Port (UNTV News)

FILE PHOTO: Batangas Port (UNTV News)

BATANGAS, Philippines — Sa kabila ng malakas at patuloy na pag-ulan dahil sa Bagyong Maring, tuloy pa rin ang biyahe ng mga sasakyang pandagat sa Batangas Port.

Ayon sa Philippine Ports Authority (PPA), normal pa rin ang sitwasyon sa nasabing pantalan dahil wala pang itinataas na babala ng bagyo ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa kabila nito, pinapayuhan ang mga mangingisda na huwag munang pumalaot dahil sa malalaking alon sa dagat sanhi ng bagyo na sinabayan pa ng habagat.

Sa ngayon ay nakaalerto na ang Provincial at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC/MDRRMC) sa posibleng maging epekto ng hanging habagat at Bagyong Maring sa mga lugar na kanilang nasasakupan.

Patuloy ring nagpapaalala ang pamahalaang panlalawigan ng Batangas na mag-ingat at maging mapagmatyag lalo na sa mga nakatira sa itinuturing na danger zone sa posibleng pagguho ng lupa o landslide at flashflood.

Ngayong araw ay kanselado na ang pasok sa pre-school at grade school sa mga pampubliko at pribadong eskwelahan sa buong lalawigan. (Reymar Origenes / Ruth Navales, UNTV News)

Ilang bayan sa Bulacan, umabot na sa lagpas bewang ang baha; klase, suspendido

$
0
0
FILE PHOTO: Ang lampas baywang na pagbaha sa isang lugar sa Bulacan noong panahon ng Habagat, Agosto rin noong nakaraang taon. (RODGIE CRUZ / Photoville International)

FILE PHOTO: Ang lampas baywang na pagbaha sa isang lugar sa Bulacan noong panahon ng Habagat, Agosto rin noong nakaraang taon. (RODGIE CRUZ / Photoville International)

 BULACAN, Philippines – Suspendido ngayong araw ng Lunes ang klase sa ilang bayan sa Bulacan na apektado ng baha at malakas na buhos ng ulan dulot ng Bagyong Maring.

Walang pasok mula pres-school hanggang highschool sa mga pribado at pampublikong paaralan sa bayan ng Bocaue, Malolos City, San Jose Del Monte City at Hagunoy.

Wala ring pasok mula elementary hanggang kolehiyo sa bayan ng Marilao at Obando.

Sa ngayon ay umabot na sa isa hanggang tatlong talampakan ang baha sa 7 barangay sa Marilao kabilang ang barangay Nagbalon, Liyas Road, Ibayo, Tabing Ilog, Abangan Sur at Norte.

Not passable naman sa mga light vehicle ang Mc Arthur Highway sa Marilao at Meycauyan dahil sa lagpas-bewang na baha.

Umabot na rin hanggang hita ang baha sa 8 barangay sa bayan ng Meycauyan kabilang dito ang barangay Gasak; habang hanggang binti naman ang tubig-baha sa Longos, Calvano, Zamora, Saluysoy at Pandayan.

Inaasahang tataas pa ang tubig-baha sa bayan ng Hagunoy at Obando dahil sa high tide. (Nestor Torres / Ruth Navales, UNTV News)

MARINA, pinagpapaliwanag ng mga kongresista kaugnay sa nangyaring banggaan ng 2 barko sa Cebu

$
0
0
FILE PHOTO: MV St.  Gregory the Great. Isa sa mga pampasaherong barko ng 2GO Shipping Company na siyang may ari ng lumubog na MV St. Thomas Aquinas sa Cebu nitong Agosto 18, 2013. (NAOMI SORIANOSOS / Photoville International)

FILE PHOTO: MV St. Gregory the Great. Isa sa mga pampasaherong barko ng 2GO Shipping Company na siyang may ari ng lumubog na MV St. Thomas Aquinas sa Cebu nitong Agosto 18, 2013. (NAOMI SORIANOSOS / Photoville International)

MASBATE CITY, Philippines – Nais malaman ng ilang kongresista ang naging dahilan sa nangyaring banggaan ng MV Thomas Aquinas ng 2GO Shipping Lines at  Sulpicio Express 7 noong madaling araw ng Biyernes sa karagatan ng Cebu.

Isang resolusyon ang nakatakdang ihain ni Kabataan Party-List Representative Teri Ridon upang imbestigahan kung sinu-sino ang nagkaroon ng kapabayaan sa nangyaring aksidente.

Nais rin ng kongresista na pagpaliwanagin si Maritime Industry Authority (MARINA) Administrator Maximo Mejia kung bakit pinayagang makapaglayag ang isang 40-taong gulang na barko.

“The fact that we are allowing 40-year old ferries like MV St. Thomas Aquinas tells us that something is amiss in the supervision and regulation of water transport vessels in the country,” anang kongresista. (Grace Casin / Ruth Navales, UNTV News)

60% ng mga residente sa isang barangay sa Calumpit, Bulacan, nagka-alipungana dala ng pagbaha

$
0
0
FILE PHOTO: Ang isang evacuation center sa Calumpit, Bulacan noong August 20, Martes. (RODGIE CRUZ, Photoville International)

FILE PHOTO: Ang isang evacuation center sa Calumpit, Bulacan noong August 20, Martes. (RODGIE CRUZ, Photoville International)

BULACAN, Philippines — Hanggang ngayon ay lubog parin sa baha ang Barangay Sapang Bayan sa Calumpit, Bulacan na abot hanggang binti sa kasalukuyang ginagawa ang balitang ito.

Sa dalawang libong residente ng barangay, 60 % porsyento rito ang nagka- alipunga dahil sa paglusong sa tubig baha.

Mapabata o matanda, problema ang sakit sa balat dahil hanggang ngayon ay wala pa silang natatanggap na gamot para dito.

Kaya naman ang iba ay pinagtyatyagaan na lamang ang kalamansi o ang pinakuluang tubig na may asin na pang alis ng kati. Mayroon ding gumagamit ng krudo ng sasakyan para hindi na lumala ang alipunga at hindi na kumalat pa.

Mahigit 300 katao pa rin ang nanatili sa evacuation center dito sa Barangay Poblacion, Calumpit.

Problema nila ngayon ang kanilang mga hanapbuhay dahil sa baha pa rin sa kanilang lugar.

Sa ngayon kakulangan sa supply ng pagkain, tubig at gamot ang daing ng mga residente rito. (NESTOR TORRES, UNTV News)

Bilang ng nasawi sa Habagat, mahigit 20 na — NDRRMC

$
0
0
FILE PHOTO: 20 August 2013. In Marulas, Valenzuela, a well-geared team rescues stranded commuters along the flooded streets due to rampant rainshowers conveyed by the Southwest Monsoon and tropical cylcone Maring (Trami). With the use of boats, amphibian trucks and its prototypes, the team transports these people from one place to another.(JIMMY CRUZ / PHOTOVILLE INTERNATIONAL)

FILE PHOTO: 20 August 2013. In Marulas, Valenzuela, a well-geared team rescues stranded commuters along the flooded streets due to rampant rainshowers conveyed by the Southwest Monsoon and tropical cylcone Maring (Trami). With the use of boats, amphibian trucks and its prototypes, the team transports these people from one place to another.(JIMMY CRUZ / PHOTOVILLE INTERNATIONAL)

MANILA, Philippines — Umakyat na sa 25 ang bilang ng mga nasawi sa pananalasa ni Bagyong Maring at Habagat.

Sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nasa tatlumpu na ang sugatan, habang tatlo pa ang nawawala.

Samantala, umabot naman sa mahigit 600-milyong piso ang halaga ng pinsala sa imprastraktura at agrikultura sa labimpitong lalawigan sa Luzon.

Aabot rin sa mahigit 2.5 million ang bilang ng mga taong naapektuhan ng kalamidad sa Regions 1, 3, 4-A, 4-B, Cordillera Region at Metro Manila. (UNTV News)

Turismo sa Lapu-Lapu City, hindi apektado ng oil spill

$
0
0
Agarang kumilos ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard, Navy at Armed Forces of   the Philippines sa pagpigil sa paglaganap ng pagtagas ng langis na dulot ng banggaan ng 2 barko sa Cebu City kamakailan sa pangambang magsangasanga ang epekto nito sa kalikasan at turismo. (NAOMI SORIANOSOS / Photoville International)

FILE PHOTO: Agarang kumilos ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard, Navy at Armed Forces of the Philippines nitong August 20, 2013 sa pagpigil sa paglaganap ng pagtagas ng langis na dulot ng banggaan ng 2 barko sa Cebu City kamakailan sa pangambang magsangasanga ang epekto nito sa kalikasan at turismo. (NAOMI SORIANOSOS / Photoville International)

CEBU CITY, Philippines — Hindi nakaapekto sa industriya ng turismo sa Lapu-Lapu City ang nangyaring oil spill dulot ng banggaan ng dalawang barko sa Talisay City, Cebu noong nakalipas na Linggo.

Sa katunayan, business as usual na raw ngayon ang mga beach resort sa siyudad.

Hindi man lamang kinakitaan ng pangamba ang ilang turista na patuloy sa pag-eenjoy sa dagat.

“It did not stopped us, we loved to see it, gorgeous,” anang turista na si Elizabeth Warner.

Ayon naman kay Judy Millen, “we enjoyed the beach, the water it’s wonderful.”

Ayon sa ilang travel agency, bagama’t may mga turista na nagtatanong tungkol sa oil spill, tiniyak ng mga ito na mayroon silang ginawang mga hakbang upang maprotektahan ang nakakasakop sa kanilang karagatan.

“They open the beach in here the crimson Oil smell, no problem and so we informed our office so they send tourists here,” pahayag ni Young-Ki Lee, General Manager ng Hanatour Cebu Inc.

Sinabi ni Lapu-Lapu City Mayor Paz Radaza na tanging ang barangay Calawisan lamang ang labis na naapektuhan ng oil spill subalit patuloy pa rin sila sa isinasagawang paglilinis sa mga apektadong lugar.

“We did some checking in our beach area the one in Calawisan, actually we don’t have any area here we keep in monitoring,” anang opisyal. (Naomi Sorianosos / Ruth Navales, UNTV News)

Driver ng motorsiklo na sumalpok sa truck, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team Cebu

$
0
0
(Upper Left) Ang driver ng motorsiklo na bumangga sa sa truck habang nilalapatan ng pangunang lunas ng UNTV News and Rescue  Team-Cebu nitong Lunes, August 26, 2013 sa isang intersection sa lugar ng Pier 4 ng Cebu City. (UNTV News)

(Upper Left) Ang driver ng motorsiklo na bumangga sa sa truck habang nilalapatan ng pangunang lunas ng UNTV News and Rescue Team-Cebu nitong Lunes, August 26, 2013 sa isang intersection sa lugar ng Pier 4 ng Cebu City. (UNTV News)

CEBU CITY, Philippines – Tinulungan ng UNTV News and Rescue Team ang isang lalaki na naaksidente kaninang tanghali sa intersection sa may bahagi ng Pier 4 sa Cebu City.

Nagtamo ng galos sa mukha at sugat sa binti ang driver ng motorsiklo na kinilalang si Norwin Velasco na taga Lawaan Cebu City matapos bumangga ang sinasakyan nitong motorsiklo sa isang trailer truck na biglang huminto.

Ayon naman sa pahayag ng truck driver, hindi na niya namalayan na may kasunod siyang motorsiklo.

Matapos mabigyan ng first aid ng news and rescue team si Velasco ay tumanggi na itong magpadala sa ospital. (Naomi Sorianosos / Ruth Navales, UNTV News)


Aksidente sa Novaliches, QC, nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team

$
0
0
Magkatuwang ng nilapatan ng UNTV News and Rescue Team at Lifeline Rescue ng first aid ang naaksidenteng ito sa Novaliches, Quezon City noong Agosto 25, 2013. (UNTV News)

Magkatuwang ng nilapatan ng UNTV News and Rescue Team at Lifeline Rescue ng first aid ang naaksidenteng ito sa Novaliches, Quezon City noong Agosto 25, 2013. (UNTV News)

QUEZON CITY, Philippines – Nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team ang isang aksidente na kinasangkutan ng isang motorcycle rider at isang babaeng nabundol nito sa kahabaan ng Quirino Highway sa  Novaliches, Quezon City, Linggo.

Habang dinala ng isang rescue team ang sugatang babae, tinulungan naman ng UNTV News and Rescue Team ang sugatan ring driver ng motorsiklo.

Agad nilapatan ng grupo ng pangunang lunas ang driver at sinakay sa rescue van saka dinala sa pinakamalapit na pagamutan.

Ayon sa mga nakakita sa aksidente, patawid ang babae nang mahagip ito at makaladkad ng motorsiklo na may plate number 5085TC

“Nag-counter flow yung itong motor dito sa Quirino Highway tapos yong babae patawid nasalpok siya at nakaladkad,” ani Anastacio Farina Jr, nakakita sa aksidente.

“Basta nakita po namin tumalsik po sila pareho pagkabangga sa babae,” pahayag naman ng isa pang saksi na si Marissa Siasico.

Patuloy namang nagpapaala ang mga awtoridad sa mga motorista na palaging sumunod sa batas trapiko para makaiwas sa peligro. (Victor Cosare / Ruth Navales, UNTV News)

Cordillera RDRRMC, naka-red alert na dahil kay Bagyong Nando

$
0
0
MTSAT ENHANCED-IR Satellite Image 5:32 p.m., 27 August 2013 (PAGASA-DOST)

MTSAT ENHANCED-IR Satellite Image 5:32 p.m., 27 August 2013 (PAGASA-DOST)

MANILA, Philippines – Nasa red alert status ngayon ang Cordillera Risk Reduction and Management Council habang patuloy na binabaybay ni Bagyong Nando ang direksyong north northwest sa bilis na 15 kilometers per hour.

Ayon kay NDRRMC Spokesman Major Reynaldo Balido, maaga na nilang inalerto ang mga lugar na posibleng maapektuhan ng Bagyong Nando partikular ang CARAGA Region, Region 8, Bicol Region, Region 3 at Region 2.

Pinaghahanda na ang mga ito sa mga posibleng pagbaha at lanslides.

Nananatili namang nasa blue alert status ang NDRRMC sa Quezon City mula ng manalasa ang habagat. (LEY ANN LUGOD / UNTV News)

Patay sa lumubog na barko sa Talisay City, Cebu, umabot na sa 105

$
0
0
Updated casualty tally as of September 01, 2013 of the sunken MV St. Thoma Aquinas (PHOTO CREDITS: Shipspotting.com / Bermejo Imaging)

Updated casualty tally as of September 01, 2013 of the sunken MV St. Thomas Aquinas (PHOTO CREDITS: Shipspotting.com / Bermejo Imaging)

CEBU, Philippines — Umabot na sa isandaan at lima ang bilang ng mga nasawi sa paglubog ng barkong MV St. Thomas Aquinas sa Talisay City, Cebu.

Sa pinakahuling tala ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council, sa mahigit isandaang namatay, siyamnapu’t siyam sa mga ito ang pasahero habang lima ang crew ng barko at isang wala pang pagkakakilanlan.

Tatlumpu’t dalawa naman ang patuloy pang nawawala na kinabibilangan ng 26 na pasahero habang 7 naman ang crew ng barko.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang retrieval operations sa bangkay ng mga nasawi. (UNTV News)

Higit 3000, inilikas dahil sa pagsabog ng Mt. Sinabung sa Indonesia

$
0
0
REUTERS FILE PHOTO: Ang pagsabog ng Mount Sinabung sa Indonesia noong August 30, 2010.

REUTERS FILE PHOTO: Ang pagsabog ng Mount Sinabung sa Sumatra, Indonesia noong August 30, 2010.

INDONESIA – Libu-libong residente ang inilikas sa isla ng Sumatra sa Indonesia matapos tuluyang sumabog ang Mt. Sinabung sa Karo District.

Ayon sa mga opisyal, nasa halos 4-libong villagers na ang inilikas na nakatira malapit sa 3-kilometer danger zone ng bulkan.

Umabot na rin sa 50 kilometers ang volcanic ash na ibinubuga ng bulkan.

Namahagi na rin  ng face mask ang mga local health centers sa lugar upang maiwasang malanghap ang abo.

Taong 2010 nang huling sumabog ang Mt. Sinabung kung saan umaabot sa labing dalawang libo ang inilikas na nakatira malapit sa bulkan.(UNTV News)

Maagang babala sa mga lugar na tatamaan ng kalamidad, matatanggap na sa pamamagitan ng text

$
0
0
Dahil sa di inaasahang pagtuloy-tuloy ng pag-ulan na dala ng bagyong Maring nitong August 20, 2013 ang mag-ina na ito ay na-stranded sa isang sakayan sa Las Piñas City. Sa Emergency Cell Broadcast System na ilulunsad ng NDRRMC ay magbibigay na ng mga maaga at paunang babala sa mga lugar na maaapektuhan ng paparating na kalamidad. FILE PHOTO. (REY VERCIDE / Photoville International)

Dahil sa di inaasahang pagtuluy-tuloy ng pag-ulan na dala ng bagyong Maring nitong August 20, 2013, ang mag-ina na ito ay na-stranded sa isang sakayan sa Las Piñas City. Sa Emergency Cell Broadcast System na ilulunsad ng NDRRMC ay mabibigyan na ng mga maaga at paunang babala ang mga mamamayan sa mga lugar na maaapektuhan ng paparating na kalamidad. FILE PHOTO. (REY VERCIDE / Photoville International)

MANILA, Philippines — Ilulunsad na sa susunod na buwan ng National Disaster Risk Reduction & Management Council (NDRRMC) ang Emergency Cell Broadcast System na naglalayong makapagbigay ng maagang babala sa mga lugar na maaapektuhan ng paparating na kalamidad.

Ayon kay NDRRMC Executive Director Usec. Eduardo Del Rosario, ilang oras bago dumating ang kalamidad gaya ng bagyo o tsunami ay agad nilang ipadadala ang text message sa mga residente na direktang maaapektuhan nito.

Sa ganitong paraan ay makapaghahanda na ang publiko at maiiwasan ang casualty.

“All users of SMART and Sun cell will receive that emergency information that signal 4 is about to heat your province or your region in 12 hours or less. We will just use this in emergency in nature if a tsunami will heat a particular seaboard in a 5 or 6 hrs we will send the broadcast in 30 minutes or less,” pahayag ni Del Rosario.

Samantala, direkta na ring matatanggap ng mga mayor sa mga siyudad at munisipalidad sa National Capital Region (NCR) ang latest advisory mula sa PAGASA (Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration) sa pamamagitan ng sim cards na ipamamagi sa kanila.

Ito ay upang makagawa agad ng kaukulang aksyon ang Local Government Units (LGUs) kung may bubuhos na malakas na ulan lalo na sa mga nasa mabababang lugar.

Ilan sa mga advisory na inilalabas ng PAGASA ay ang rainfall at thunderstorm advisory na nagsasaad ng mga lugar na uulanin sa loob ng 2 hanggang 3 oras.

“This is one way now we can assured na may mga hotline tayo sa mga mayora natin which are the actually decision makers,” pahayag ni DOST Asec. Raymund Liboro. (Rey Pelayo / Ruth Navales, UNTV News)

Viewing all 438 articles
Browse latest View live