Quantcast
Channel: Calamities and Disasters – UNTV News
Viewing all 438 articles
Browse latest View live

4P’s beneficiaries na Yolanda victims, maaari nang makakuha ng cash grant — DSWD-7

$
0
0
Isang residente ng Bogo City, Cebu na nasalanta ng Bagyong Yolanda. FILE PHOTO. Romaldo Mico Solon / Photoville International

Isang residente ng Bogo City, Cebu na nasalanta ng Bagyong Yolanda. FILE PHOTO. Romaldo Mico Solon / Photoville International

CEBU, Philippines — Nananawagan ngayon ang DSWD Region-7 sa benepisyaryo ng Pantawid Pamilya Pilipino Program na biktima ng Bagyong Yolanda na maari na nilang makuha ang kanilang cash grant.

Mas pinadali ngayon ng Department of Social Welfare and Development Region 7 ang pagkuha ng mga cash grant ng mga beniepisyaryo ng  Pantawid Pamilya Pilipino Program, lalo na  ang  mga naging biktima ng super typhoon Yolanda noong nakaraang taon.

Ayon sa DSWD-7, marami sa mga miyembro ng 4Ps ang pansamantalang umalis sa kanilang mga lugar dahil sa matapos ang pananalasa ng naturang bagyo.

Tumatanggap ang mga benepisyaryo ng 4Ps ng P500 kada buwan at P300 dagdag na allowance para sa mga anak na nag-aaral sa elementarya at maari na nila itong makolekta sa ngayon.

Kailangan lamang na pumunta sa alinmang DSWD offices upang ma-interview.

Sa mga nawala ang mga ID, isasailalim sila sa interview at berepiskasyon ng DSWD. (NAOMI SORIANOSOS / UNTV News)


NDRRMC: 26 nasawi sa epekto ng LPA sa Mindanao at Visayas

$
0
0
Larawang kuha noong Martes, January 14, 2014 sa isang nasirang tulay sa bayan ng Baganga, Davao Oriental dahil sa pagragasa ng bahang dulot ng Low Pressure Area. Ayon sa huling pagtatala ng NDRRMC, nasa 13 lugar na ang nagdeklara ng state of calamity dahil sa mga pinsalang kanilang natamo.  (PHOTOVILLE International)

Larawang kuha noong Martes, January 14, 2014 mula sa himpapawid sa isang nasirang tulay sa bayan ng Baganga, Davao Oriental dahil sa pagragasa ng bahang dulot ng Low Pressure Area. Ayon sa huling pagtatala ng NDRRMC, nasa 13 lugar na ang nagdeklara ng state of calamity dahil sa mga pinsalang kanilang natamo. (PHOTOVILLE International)

QUEZON CITY, Philippines — Nadagdagan pa ang bilang mga nasawi at pamilyang naapektuhan sa umiiral na Low Pressure Area sa bahagi ng Visayas at Mindanao.

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council nitong umaga ng Huwebes, 26 na ang patay, 36 ang sugatan habang 11 naman ang nawawala.

Mahigit na rin sa 300,000 residente o 71,000 pamilya ang naapektuhan mula sa 14 na lalawigan sa Zamboanga, Davao at CARAGA regions.

Labintatlong lugar na rin ang nagdeklara ng state of calamity sa Davao del Norte, Davao Oriental, Lanao del Norte at Agusan dahil sa matinding pinsalang dulot ng baha at landslide.

Ayon sa NDRRMC patuloy ang ginagawa nilang pagtulong sa mga sinalanta ng kalamidad. (UNTV News) 

Libu-libong ektarya ng taniman at fish pond sa Davao Oriental, napinsala ng baha at landslide

$
0
0
 An aerial view of a landslide in the town in Taragona, Davao Oriental, Southern Philippines, 14 January 2014. Twenty two people were killed in floods and landslides caused by heavy rains in the southern Philippines, the national disaster relief agency officials. Some 199,000 people were also displaced by the floods in 10 provinces in the southern region of Mindanao, said Rey Balido, spokesman for the national disaster relief agency. The heavy rains were affecting provinces that were devastated by Typhoon Bopha in 2012, which killed more than 1,000 people.

Larawang kuha mula sa himpapawid noong Martes, Enero 14, 2014 sa nangyaring landslide sa isang taniman ng niyog sa Taragona, Davao Oriental dahil sa mga pag-ulang dala ng Low Pressure Area. Sa pinakahuling tala ng Davao Oriental Provincial Agriculturist Office, nasa mahigit 7,000 ektaryang taniman at fishpond na ang nasira sa 11 munisipalidad. (PHOTOVILLE International)

DAVAO CITY, Philippines — Malaki na ang pinsalang idinudulot sa mga magsasaka sa Davao Oriental ng umiiral na Low Pressure Area (LPA).

Sa pinakahuling tala ng Davao Oriental Provincial Agriculturist Office, nasa mahigit 7-libong ektaryang taniman at fishpond na ang nasira sa 11 munisipalidad.

Karamihan sa mga nasirang tanim ay palay, mais, gulay, saging, abaca at iba pang prutas at niyog.

Apektado din ang ilang livestock industry sa bayan ng Boston dahil nasa limandaang manok, baboy, kambing at kalabaw ang namatay dahil sa masamang lagay ng panahon.

Sa pagtaya ng Provincial Agriculturist Office, patuloy pang tataas ang bilang na ito dahil ngayon pa lamang nagdadatingan ang impormasyon hinggil sa pinsala ng kalamidad mula sa iba’t ibang bayan.

Samantala, nagbabala naman ang mga awtoridad sa mga residente ng Brgy. Dahican sa Mati City na huwag kainin ang mga napulot nilang isda dahil sa banta ng fish kill.

Sa ngayon ay patuloy pang pinag-aaralan ang posibleng dahilan ng pagkamatay ng mga isda na maaaring mapanganib sa kalusugan ng mga makakakain nito. (Louell Requilman / Ruth Navales, UNTV News)

Relokasyon sa mga residenteng naninirahan sa mga danger zone sa Davao Oriental, ipatutupad na

$
0
0
Ilang kabahayan na malapit sa ilog sa bayan ng Baganga, Davao Oriental. Makikitang dahil sa lakas ng pag-agos ng tubig bunga ng pag-ulang dala ng Low Pressure Area ay nasira ang tulay na malapit sa ilang kabahayan. Dahil dito ay inaasahan na ang pagkakaroon ng relokasyon na nakabase sa isinasaad ng geohazzard maps ng Mines and Geosciences Bureau. (PHOTOVILLE International)

Ilang kabahayan na malapit sa ilog sa bayan ng Baganga, Davao Oriental. Makikitang dahil sa lakas ng pag-agos ng tubig bunga ng pag-ulang dala ng Low Pressure Area ay nasira ang tulay na malapit sa ilang kabahayan. Dahil dito ay inaasahan na ang pagkakaroon ng relokasyon na nakabase sa isinasaad ng geohazzard maps ng Mines and Geosciences Bureau. (PHOTOVILLE International)

DAVAO CITY, Philippines — Nagbabala ang pamahalaang panlalawigan ng Davao Oriental sa mga residenteng naninirahan sa mga lugar na itinuturing ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) na “danger at no habitation zones”.

Ayon kay Governor Corazon Malanyaon, ang naranasang epekto ng Low Pressure Area (LPA) sa 11 munisipalidad ng probinsiya ay patunay lamang na tama at totoo ang nakasaad sa geo hazard map ng MGB.

Dahil dito, marapat lamang na pagtuunan ng pansin ng Local Government Units (LGU’s) na ligtas ang mga relocation sites at nakabase sa isinasaad ng geo hazard map.

Bukod sa pagbisita ng mga opisyal ng provincial government ng Davao Oriental ay nagsagawa rin sila  ng konsultasyon sa bawat munisipalidad upang pagaralan ang paghanap ng ligtas na mga relocation site.

“Parang ngayon napapatunayan na natin sa kanila including the local officials na totoo pala talaga that you have to seriously take into consideration in the identification of your resettlement sites or even government sites yung recommendation ng MGB specially with respect to the geo hazard map,” pahayag ni Malanyaon.

Inatasan din ng gobernador ang LGU’s na kausapin ang mga nagmamay ari ng lupain na ligtas na gawing relocation sites na ipagbili na lamang sa pamahalaan.

Sinabi pa ni Malanyaon na sakaling tumanggi ang mga land owner ay maaari nilang gamitin ang kapangyarihan ng eminent domain.

Sa ilalim ng eminent domain, maaring kunin ng pamahalaan ang pribadong pag-aari ng isang tao.

Ayon kay Malanyaon ang eminent domain ay isang paraan lamang sakaling hindi mapakiusapan ang land owner na ipagbili ang pag-aaring lupain sa gobyerno.

“If that is the only available property in the area where they could relocate so pag ayaw talaga nila there’s always the last recourse that government usually make or resort to and that is exercising the power of eminent domain meaning you have to expropriate,” saad pa nito. (Louell Requilman / Ruth Navales, UNTV News)

Mga mangingsida, idinadaing ang kawalan ng kita dahil sa epekto ng Bagyong Agaton

$
0
0
Dahil sa hindi makapagpalaot ang mga mangingisda sa sama ng panahon, ang mga presyo ng isda sa mga pamilihan ay tumataas. FILE PHOTO. (UNTV News)

Dahil sa hindi makapagpalaot ang mga mangingisda sa sama ng panahon, ang mga presyo ng isda sa mga pamilihan ay tumataas. FILE PHOTO. (UNTV News)

ALBAY, Philippines — Idinadaing na ng mga mangingisda ang kawalan ng kita dahil sa nagpapatuloy na masamang lagay ng panahon.

Bukod sa mga pagbaha at landslide sa Visayas at Mindanao, apektado rin ng masamang lagay ng panahon ang ating mga kababayang mangingisda dito sa lalawigan.

Daing ng mga mangingisda, wala na silang kinikita dahil halos dalawang linggo nang nakataas ang gale warning bunsod ng epekto ng Bagyong Agaton.

Kapag ganitong masama ang panahon, hindi na sila pinapayagang mangisda upang maiwasan ang anumang trahedya sa karagatan.

Bunsod ng kakulangan ng supply ng isda dito, tumaas din ang presyo nito sa palengke. Sampu hanggang bente pesos ang itinaas sa presyo ng seafoods.

Sa ngayon ay umaasa din ang mga mangingisda at residente dito sa Albay na magiging maayos na ang lagay ng panahon upang bumalik sa normal ang kanilang hanapbuhay pati na ang suplay at presyo ng mga bilihin sa palengke. (UNTV News)

NDRRMC: Patay sa pananalasa ng bagyong Agaton, 40 na; halaga ng pinsala, P328M

$
0
0
Tropical Cyclone Warning: Tropical Depression “#AgatonPH”  Issued at 5:00 am, 20 January 2014  Tropical depression “AGATON” has moved East Southeast slowly while maintaining its strength. Location of eye/center: At 4:00 AM today, the center of Tropical Depression “Agaton” was estimated based on all available data at 230 km Southeast of Hinatuan, Surigao del Sur or at 230 km East of Davao City (7.0°n, 127.9°e). Strength: Maximum winds of 55 kph near the center. (PAGASA-DOST)

Tropical Cyclone Warning: Tropical Depression “#AgatonPH”
Issued at 5:00 am, 20 January 2014
Tropical depression “AGATON” has moved East Southeast slowly while maintaining its strength.
Location of eye/center: At 4:00 AM today, the center of Tropical Depression “Agaton” was estimated based on all available data at 230 km Southeast of Hinatuan, Surigao del Sur or at 230 km East of Davao City (7.0°n, 127.9°e).
Strength: Maximum winds of 55 kph near the center. (PAGASA-DOST)

QUEZON CITY, Philippines — Umabot na sa 40 ang bilang ng mga nasawi dahil sa epekto ng bagyong Agaton.

Sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, 65 ang naitalang sugatan habang 6 naman ang nawawala.

Mahigit na rin sa 150,000 pamilya ang inilikas dahil sa matinding pagbaha sa Davao Region, Caraga at Autonomous Region in Muslim Mindanao bunsod ng walang tigil na pag-ulan.

Nasa walumpung kalsada at tulay din ang hindi madaanan dahil sa baha at landslide habang ilang tubo ng tubig naman ang napinsala sa dalawang barangay sa Lanao del Norte.

Sa pagtaya ng ahensya, aabot na sa mahigit P328-Million ang halaga ng pinsala sa agrikultura at imprastraktura ng bagyong Agaton. (UNTV News)

Ilang bayan sa Mindanao, isinailalim sa state of calamity dahil sa pagbaha

$
0
0
Ang naging pagbaha nitong Linggo, January 20, 2014 sa Butuan City dala ng Tropical Depression na si Agaton. (CLINT ONG CANETE / Photoville International)

Ang naging pagbaha nitong Linggo, January 19, 2014 sa Butuan City dala ng Tropical Depression na si Agaton. Bagama’t di kasama ang Lungsod ng Butuan sa isinailalim sa state of calamity, nasa 20 lugar naman mula sa Region 10, 11 at CARAGA ang napasailalim dito dahil sa lubhang naranasang pagbaha. (CLINT ONG CANETE / Photoville International)

MANILA, Philippines — Bunsod ng matinding pagbaha, maraming bayan sa Mindanao ang isinailalim na sa state of calamity.

Kabilang sa mga lugar na isinailalim sa state of calamity ang:

Region 10

Province of Lanao Del Norte

Iligan City

Region 11

Kapalong, Davao del Norte

Carmen, Davao del Norte

Asuncion, Davao del Norte

New Corella, Davao del Norte

Tagum City, Davao del Norte

Tarragona, Davao Oriental

Manay, Davao Oriental

Caraga, Davao Oriental

Baganga, Davao Oriental

Cateel, Davao Oriental

Boston, Davao Oriental

CARAGA

Sta. Josefa, Agusan del Sur

Sibagat, Agusan del Sur

Bunawan, Agusan del Sur

Liang, Surigao del Sur

Tago, Surigao del Sur

San Miguel, Surigao del Sur

Bislig, Surigao del Sur

Province of Surigao del Norte

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), binaha ang maraming lugar dahil sa pag-apaw ng mga ilog dahil sa patuloy na pag-ulan dulot ng Bagyong Agaton.

Nakikipag-ugnayan na ang NDRRMC sa mga apektadong lokal na pamahalaan. (UNTV News)

Oil spill, pinangangambahan sa paglubog ng isang cargo vessel sa Iloilo

$
0
0
 MV Sportivo (CREDITS: Marina)

MV Sportivo (MARINA / Glen ShipSnapshots Blog)

ILOILO CITY, Philippines — Pinangangambahan ngayon ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Iloilo ang pagkakaroon ng oil spill sa lugar kung saan lumubog ang cargo ship na MV Sportivo.

Madaling araw kahapon, Linggo nang bumangga ang nasabing barko sa isa pang cargo vessel na MV Jehan-5.

Ayon sa PCG, napag-alamang papunta sana ng Palawan ang  MV Sportivo dala ang 28-libong sako ng fertilizer nang tangayin ito ng malakas na hangin at alon.

Sa sobrang lakas umano ng current, natanggal ang kanilang angkla at bumangga sa isa pang barko.

Nabutas ang harapang bahagi ng MV Sportivo na naging dahilan ng paglubog nito.

Ligtas naman ang 29 nitong crew na agad na-rescue ng mga awtoridad; wala ring napaulat na lubhang nasugatan o nasawi sa insidente.

Sa ngayon ay nakikipagugnayan na ang Philippine Coast Guard sa may-ari ng naturang cargo ship para sa clearing operation upang maagapan ang posibilidad ng oil spill. (Charles Celeste / Ruth Navales, UNTV News)


Pinsala ng Bagyong Agaton, umabot na sa halos P329 milyon

$
0
0
IMAGE_UNTV News_JAN202014_PHOTOVILLE International_BROKEN BRIDGE

Ang nasirang tulay sa Cateel, Davao Oriental na kabilang sa mga damages ng ng nagdaang Low Pressure Area na kalaunan ay na-develop sa pagiging Tropical Depression na si Agaton. (Photovillle International)

MANILA, Philippines – Umakyat na sa P328-milyon ang halaga ng pinsala ng Bagyong Agaton sa agrikultura at imprastraktura sa buong Mindanao.

Batay sa tala ng NDRRMC, umabot na ng P125,383,750 ang nasira sa imprastraktura, habang P203,430,586 naman sa agrikultura na tinatayang nasa mahigit walong libong ektarya ng lupain.

Sa ngayon ay mahigit pitong daang mga bahay ang totally damaged at mahigit isang libo ang partially damage.

Mahigit na rin sa 150-libong pamilya ang inilikas dahil sa matinding pagbaha sa Davao Region, CARAGA at Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) bunsod ng walang tigil na pag-ulan.

Hanggang sa ngayon ay suspendido ang klase sa malaking bahagi ng Surigao Del Norte at Compostela Valley.

Marami rin ang apektado ng landslides at flashfloods.

Sa pinakahuling tala ng NDRRMC, umabot na sa 40 ang bilang ng mga namatay dahil sa bagyo, 65 ang sugatan, habang 6 ang nawawala at patuloy na hinahanap.

Isa sa mga nasawi ay mula sa Zamboanga Del Norte, 3 sa Misamis Oriental at Occidental, 18 sa Compostela Valley at Davao Oriental at Occidental, at 18 sa CARAGA Region.

Umabot na rin sa 153,193 pamilya o 723,517 indibidwal ang apektado ng mga pagbaha sa 15 probinsya ng Regions X, X1 at CARAGA.

Marami ang nagkusa nang lumikas at pansamantalang nanunuluyan sa mga evacuation center.

Pahirapan naman ngayon ang pagdadala ng mga relief goods dahil umabot na sa 59 kalsada at 24 tulay ang hindi madaanan bunsod pa rin ng baha at landslide. (Mon Jocson / Ruth Navales, UNTV News)

Mahigit 6,000 pasahero, stranded sa pantalan ng Matnog, Sorsogon

$
0
0
Google Maps: Port of Matnog, Sorsogon

Google Maps: Port of Matnog, Sorsogon

SORSOGON, Philippines — Patuloy na dumarami ang mga pasaherong nai-stranded sa pantalan sa Matnog, Sorsogon dahil sa masamang lagay ng panahon sanhi ng bagyong Agaton.

Umabot na sa halos 20-kilometro ang haba ng pila ng mga sasakyan papasok sa pantalan.

Nakahilera ang mga ito sa marshalling area at highway sa bayan ng Matnog, Irosin, Juban, Casiguran, abot hanggang Sorsogon City.

Ayon sa mga awtoridad, umabot ng ganito kahaba ang pila ng mga sasakyan dahil kanselado ang biyahe ng mga barko patungo sa ibang isla bunsod pa rin ng masamang panahon.

Sa pinakahuling tala, umabot na sa 6,407pasahero at nasa walongdaang mga sasakyan ang stranded sa Matnog port.

Ayon naman sa Philippine Ports Authority, pansamantalang ginagamit ngayon na daungan ang San Isidro port ng mga barkong galing sa Matnog, Allen, Samar bunsod ng malalaking alon. (Aiza Fabilane / Ruth Navales, UNTV News)

Kahalagahan ng disaster risk insurance sa bansa, pag-aaralan pa —Legarda

$
0
0
FILE PHOTO: Sa larawang ito na kuha noong December 10, 2013 mula sa UNTV drone, makikita ang isang barkong komersyo na napadpad sa isang pamayanang malapit sa pampang ng Anibong, Tacloban na matapos ang pananalasa ni supertyphoon Yolanda.  Ayon sa pagtatala ng NEDA, umabot sa P571 billion ang kabuoang halaga ng naging pinsala sa bansa. (ARGIE PURISIMA / Photoville International)

FILE PHOTO: Sa larawang ito na kuha noong December 10, 2013 mula sa UNTV drone technology, makikita ang isang barkong  pangkomersyo na napadpad sa isang pamayanang malapit sa pampang ng Anibong, Tacloban matapos ang pananalasa ni supertyphoon Yolanda. Ayon sa pagtatala ng NEDA, umabot sa P571 billion ang kabuoang halaga ng naging pinsala ni Yolanda sa bansa. Upang maiwasan umano ang palaging paggastos nang malaki ng pamahalaan tuwing sasapit ang mga malalaking kalamidad, pinag-aaralan ngayon sa Senado ang kahalagahan ng disaster risk insurance. (ARGIE PURISIMA / Photoville International)

MANILA, Philippines — Ipinahayag ni Senador Loren Legarda, ang chairperson ng Senate Committee on Climate Change ang kaugnayan ng kalamidad at kahirapan sa isinagawang high level forum on strengthening disaster risk insurance kanina, Martes.

Ayon sa senador, base sa tala ng National Economic and Development Authority (NEDA), umabot sa P571 billion ang kabuoang halaga ng pinsala sa bansa ng nagdaang Super Typhoon Yolanda.

Tumaas naman mula 4.1% noong 2012 hanggang 55.7% noong 2013 ang poverty incidence sa Eastern Visayas na pinaka-nasalanta ng bagyo ayon sa pagtaya ng Asian Development Bank (ADB).

Dahil dito, hinihikayat ni Legarda ang national at lokal na pamahalaan, maging ang mga pribadong sektor na kapulutan ng aral ang mga nagdaang kalamidad na tumama sa bansa.

“Alam natin na higit sa kalahating bilyong dolyares ang nawala sa Haiyan o Yolanda, at higit anim na libo ang namatay. Hindi naman maaaring palagi nalang tayong kuha nang kuha sa ating savings para sa rehab at recon. Kailangan may paraan para tayo ay maagapan natin ang gastusin sa kahirapan na dulot ng disaster na to,” pahayag nito.

Dagdag pa ni Legarda, hindi lamang dapat mag-concentrate sa pag-iwas sa pagkawala ng buhay ang Disaster Risk Reduction Strategies (DRR) kundi maging sa pagprotekta sa mga imprastruktura.

Dito aniya pumapasok ang disaster risk insurance.

“Simply put, insurance, magkakaroon ng ‘pag maapektuhan, ay may mapagkukunan. Ito, risk reinsurance, ibig sabihin, inililipat ang insurance outside of the Phils. Nirereensure sa iba.”

Sa ilalim ng polisiyang ito, isinusulong ang resilience o ang sustainable at sturdy form ng pabahay at imprastruktura.

Nakasaad din aniya dito ang pagkakaroon ng sapat na pondo at resources ng mga lokal na pamahalaan upang hindi na umasa sa national government.

Subalit binigyang diin ng senador na hindi ito ang sagot o solusyon sa problema ng kalamidad.

Aniya, “bagama’t tayo ay magkakaroon ng reinsurance ay kailangan building back better tayo. Dapat resilient ang ating infra. Kailangan ang ating energy renewable, sustainable ang ating pamumuhay. Kaya ito ay isang tuldok lamang sa malaking paghahanda laban sa mga sakuna.”

Ayon kay Legarda, pag-aaralan pa ng senado at mga eksperto ang konsepto ng disaster risk insurance.

Ang isinagawang forum ay bahagi ng pagtalakay ng disaster management procedures, na una nang sinabi ni Senate President Franklin Drilon na isa sa top agenda ng senado ngayong 2014. (Bianca Dava / Ruth Navales, UNTV News)

NDRRMC: Naitalang nasawi sa pananalasa ni Agaton, 45 na

$
0
0
FILE PHOTO: Isang nasirang tulay sa Cateel, Davao Oriental dahil sa pananalasa ng isang Low Pressure Area na naging Tropical Depression Agaton. (PHOTOVILLE International)

FILE PHOTO: Isang nasirang tulay sa Cateel, Davao Oriental dahil sa pananalasa ng isang Low Pressure Area na naging Tropical Depression Agaton. (PHOTOVILLE International)

QUEZON CITY, Philippines – Umabot na sa 45 ang naitalang nasawi sa pananalasa ng Bagyong Agaton sa bahagi ng Mindanao.

Sa pinakahuling tala ng National Disaster Risk Reduction & Management Council (NDRRMC), walo na ang nawawala, habang 68 ang sugatan mula sa Zamboanga, Davao at CARAGA Regions.

Umakyat na rin sa 186,543 pamilya o 895,572 indibidwal mula sa labinlimang probinsya sa Mindanao ang apektado ng bagyo.

Hindi pa rin madaanan ang 50 kalsada at 25 tulay sa Regions 8, 10, 11 at CARAGA sanhi ng mga nangyaring landslides.

Sa ngayon ay umabot na sa mahigit P369-milyon ang halaga ng pinsala ng bagyo sa imprastraktura at agrikultura.

Sa ngayon ay patuloy nang namamahagi ng relief goods sa mga apektadong pamilya ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), Local Government Units (LGU’s) at Department of Health (DOH) sa Region 9 at CARAGA. (UNTV News)

King Carl XVI Gustaf ng Sweden, bumisita sa mga biktima ng Bagyong Yolanda sa Leyte

$
0
0
Si King Carl XVI Gustaf of Sweden (ikalawa mula sa kaliwa), kasama ni Vice President Jejomar Binay (kaliwa), sa isang maiksing pakikipag-usap kay Tacloban City Mayor Alfred S. Romualdez (kanan) tungkol sa pananalasa ng bagyong Yolanda. Ang litratong ito ay kuha sa pagbisita ng hari ng Sweden sa San Jose National High School nitong Linggo, Enero 26. (Photo by Neil D. Lopido/PIA-8)

Si King Carl XVI Gustaf of Sweden (ikalawa mula sa kaliwa), kasama ni Vice President Jejomar Binay (kaliwa), sa isang maiksing pakikipagkwentuhan kay Tacloban City Mayor Alfred S. Romualdez (kanan) tungkol sa pananalasa ng bagyong Yolanda. Ang litratong ito ay kuha sa pagbisita ng hari ng Sweden sa San Jose National High School nitong Linggo, Enero 26. (Photo by Neil D. Lopido/PIA-8)

TACLOBAN CITY, Philippines – Kasunod ng pagbisita ni U.S. Senator Marco Rubio noong nakaraang linggo, bumisita rin sa mga lugar na tinamaan ng Bagyong Yolanda sa Leyte ang hari ng Sweden na si King Carl XVI Gustaf.

Linggo ng umaga nang dumating sa Tacloban City ang hari ng Sweden kasama si Vice President Jejomar Binay at mga kinatawan ng World Organization of the Scout Movement (WOSM).

Layon ng pagbisita ng hari ang mag-abot ng tulong at inspeksyunin ang mga proyekto na may kinalaman sa boy scouts bilang Honorary Chairman of the World Scout Foundation.

Sa tala ng BSP Leyte, aabot sa halos 300 boy scouts at 18 volunteer teachers ang nasawi noong kasagsagan ng Bagyong Yolanda.

Unang binisita ng hari ang San Jose National High School, sunod ang boys scout monument ng Tacloban kung saan nagkaroon ng flag raising.

Nagpakuha rin ito ng litrato kasama ang mga guro at estudyante ng San Fernando Elementary School.

Kabilang rin sa binisita ni King Carl ang building ng BSP Leyte na kasama sa mga nasira ng bagyo.

Nilibot din ng hari ang Anibong area sa Tacloban City kung saan may walong barkong sumadsad na sumira at kumitil ng maraming buhay sa nasabing barangay.

Sa talumpati ng Swedish King, nakiramay at nakidalamhati ito sa lahat ng mga biktima ng trahedya.

“I’ve heard and I’ve seen the terrible thing and I’m sad about the local people what they have lost families and property and I’m looking forward to see how everybody together to start to build up to your city and your society in this area and I wish all the best of the people here.”

Kasabay nito, tiniyak rin ni King Carl ang pag-aabot ng tulong sa rehabilitasyon at pagbibigay ng panibagong buhay at pagasa sa mga kabataan sa Leyte upang agad makabangon mula sa kalamidad.

“Everybody wants to the outmost to help those poor people who have been terrible difficult stack by this storm and hurricane so it is understanding under the circumstances to do what we can do and even we can do everything can do and everybody can help to do something.” (Jenelyn Gaquit / Ruth Navales, UNTV News)

Warning signals para sa storm surge, isinusulong ng DOST

$
0
0
GRAPHICS: Storm Surge (Emmanuel Boutet)

GRAPHICS: Storm Surge (Emmanuel Boutet)

MANILA, Philippines — Plano ng Department of Science and Technology (DOST) na magkaroon ng isang advisory system ukol sa storm surge.

Sa naturang panukala, magkakaroon ng tatlong uri at antas ng storm surge advisory na ilalabas 48-oras bago ang inaasahang pananalasa nito.

Itataas ang unang babala kung aabot sa dalawang metro ang taas ng storm surge sa apektadong lugar;

Storm surge advisory number 2 naman kung limang metro ang taas ng tubig, habang advisory number 3 naman ang ilalabas kung mahigit sa limang metro ang storm surge.

Inaasahang makukumpleto ang detalyadong mapa ng mga lugar na maaaring tamaan ng storm surge sa Setyembre o bago matapos ang taon.

Matatandaang bukod sa libu-libong nasawi, nag-iwan ng matinding pinsala ang storm surge sa Tacloban City at iba pang lugar na dinaanan ng Bagyong Yolanda noong nakaraang Nobyembre 2013. (UNTV News)

10,000 Yolanda survivors in Eastern Visayas to receive cash grants

$
0
0

DSWD Logo

From the Department of Social Welfare and Development via The Official Gazette 

Secretary of Social Welfare and Development Corazon Juliano-Soliman and the United Nations Children’s Fund (UNICEF) Representative to the Philippines Angela Kearney signed yesterday a Memorandum of Understanding (MOU) for the implementation of the Emergency Unconditional Cash Transfer for vulnerable households affected by Typhoon Yolanda in Eastern Visayas.

Under the MOU, cash grants amounting to $100 or about P4,370 will be given to each of the 10,000 eligible households from Tacloban City and municipalities in upland areas every month for a period of six months.

UNICEF has allotted $6 million for this initiative.

Recipients of the emergency cash grants are those of the most vulnerable sectors including pregnant and lactating women, children suffering from moderate to severe acute malnutrition or at risk of malnutrition, persons with disabilities and chronic illness, elderly persons, single-female headed households, child-headed households, and households hosting separated children.

They will be included in the Family Development Sessions under the DSWD’s Pantawid Pamilyang Pilipino Program and will be evaluated for possible inclusion in the list of regular recipients of the program.

Secretary Soliman is grateful to UNICEF for coming up with this strategy.

“This will not only change the beneficiaries’ lives but it will be their hope after Yolanda,” Sec. Soliman said.

Kearney believes that providing this emergency intervention will help the vulnerable households to rebuild their lives faster.

“By making this cash grant available to the most disadvantaged, we empower households to take charge of their own healing and rebuilding,” Kearney remarked.

The cash transfer will be implemented by Action Contre la Faim (ACF), an international nongovernment organization that has demonstrated expertise on cash distribution, and will involve community consultations, coordination with humanitarian organizations, monitoring and post-survey.

dswd.gov.ph


3 estado sa East Coast USA, isinailalim na sa state of emergency

$
0
0

An elderly woman battles the snow storm without her gloves and umbrella. Some schools in New York City were dismissed early due to difficult commutes in the afternoon rush hour. February 04, 2014 photo by Aaron Romero / UNTV News/ Photoville International 

USA — Tatlong estado na sa East Coast ang isinailalim sa state of emergency bunsod ng pananalasa ng winter storm sa Amerika.

Kabilang sa mga ito ay ang New york, New Jersey at Mississippi

Sa New York at New Jersey, nakararanas na ng shortage sa asin na ginagamit sa pag-alis ng snow sa daan.

Kanselado na ang mga klase at pasok sa opisina sa mga nabanggit na lugar.

Mahigit sa 2,000 flights na rin ang kinansela sa iba’t-ibang paliparan.

Umaabot na sa isang milyong residente sa northeast ang walang supply ng kuryente.

Ayon sa National Weather Service, asahan pa ang makapal na snow sa mga estado ng New Mexico, New York, Ohio, Oklahoma, Pennyslvania, Rhode Island, Wyoming at Vermont.

Sa ngayon, tatlo na ang iniulat na nasawi dahil sa winter storm sa Northeast at Widwest America. (REUTERS / UNTV News)

El Niño phenomenon, posibleng maranasan sa 3rd quarter ng taon — PAGASA

$
0
0

Isang epekto ng El Nino Phenomenon ay ang matagal at matinding init ng panahon. FILE PHOTO: The drying out of Lake Eucumbene, 150 km (93 miles) south of the Australian capital Canberra Photo: REUTERS

MANILA, Philippines — Posibleng maranasan sa bansa ang El Niño phenomenon sa ikatlong bahagi ng taon.

Ayon kay PAGASA Forecaster Jori Lois, posibleng mas kakaunti ang mga ulan mula sa buwan ng Hulyo hanggang Setyembre.

Paliwanag nito, “Sa ngayon kasi naglalaban yung neutral condition saka El Niño. Although yung El Niño mas malaki yung percentage kesa doon sa neutral pero pwede pa mag-neutral hanggang sa buong taon.”

Noong taong 1982 – 1983 nakaranas ang bansa ng tag-tuyot kung saan naapektuhan nito ang malaking bahagi ng Luzon, Negros Occidental at Iloilo.

Umabot sa P38 million ang insurance claim sa mga napinsalang palayan at maisan habang nasa P316 million naman ang nalugi sa hydro power generation.

Noong 1986-1987, umabot naman sa P47million ang pinsala sa Luzon, Central Visayas at Western Mindanao, habang nasa P671 million ang hydro power generation loss dahil sa tagtuyot.

Halos 300-libong ektarya ng palayan at maisan naman ang naapektuhan noong 1989-1990, habang nasa P348 million naman ang nalugi sa hydro power generation.

Kinulang naman ang Metro Manila ng 20% ng supply ng tubig noong 1991-1992, habang mahigit sa 4 na bilyong piso ang naitalang pinsala sa agrikultura.

Nakaranas naman ng tagtuyot ang 70 porsyento ng bansa noong 1997-1998, at umabot sa P3 billion ang pinsala sa palay at mais maliban pa sa kakulangan ng tubig at mga sunog sa kagubatan.

Dahil dito, isa sa binabantayan ngayon ng PAGASA ang tubig sa Angat Dam.

Ayon kay PAGASA Hydrologist Richard Orendain, sa ngayon ay nasa 201 meters ang lebel nito, mababa ng walong metro kumpara noong nakaraang taon.

“Eto sa Angat lang binabanggit ko, mataas siya ng 8 meters last year. So kailangan siguro natin na umpisahan muna natin na magtipid na muna sa pagkonsumo ng tubig nang sa gayun ay umabot tayo sa pagdating ng summer.”

Pagkatapos ng isang buwan ay tinatayang bababa pa ang lebel nito sa 195.51 meters kaya’t ngayon pa lamang ay hinihikayat na ang publiko na magtipid sa tubig.

“In the coming 60 days kung talagang 0 yung rainfall natin medyo maaalangan yung supply ng tubig natin pero sa ngayon mahirap pang i-predict dahil may mga pagulan pa rin na mararanasan,” ani Orendain.

Ang Angat Dam ay pangunahing pinagkukunan ng tubig ng daang libong ektarya ng palayan sa Bulacan at mga karatig lugar.

Dito rin kinukuha ang supply ng tubig sa Metro Manila at ito rin ang nagpapatakbo sa isang hydro power plant. (Rey Pelayo / Ruth Navales, UNTV News)

Paghahanap sa nawawalang Malaysian aircraft, nagpapatuloy

$
0
0

Indian sand artist Sudarshan Patnaik applies the final touches to a sand art sculpture he created wishing for the well being of the passengers of Malaysian Airlines flight MH370, on a beach in Puri, in Odisha, March 9, 2014.
CREDIT: REUTERS/STRINGER

KUALA LUMPUR, Malaysia — Patuloy pa rin ang paghahanap ng pinagsanib na pwersa mula sa iba’t-ibang bansa sa nawawalang Malaysia Air Boeing 777 jet Flight 370 na may lulang 239 na pasahero.

Ayon kay Malaysian Civil Aviation Head Azharuddin Abdul Rahman, mas pinalawak pa ngayon ang paggalugad ng mga awtoridad sa karagatan upang matukoy ang lugar kung saan bumagsak ang eroplano.

Una ng nilinaw ng opisyal na wala pang natatagpuang debris mula sa Boeing 777.

“The area of search has been expanded in the South China Sea, we have expanded to 100 kilometers radius of Igari.”

Nakita naman sa lab analysis ng Malaysian Maritime Enforcement Agency na hindi nanggaling sa nawawalang eroplano ang natagpuang oil slick sa eastern coast ng bansa.

“On the oil slick that was found by the maritime enforcement agency of Malaysia, they have sent the samples to the chemistry department today and we have got the report from the chemistry department of Malaysia, they have reported that, they have confirmed that the oil are not from an aircraft.”

Samantala, tinukoy na ng mga Thai official na isang Iranian ang bumili ng ticket para sa dalawang pasahero na gumamit ng nakaw na pasaporte.

Matatandaang sinabi ng mga awtoridad na ikinokonsidera pa rin nila ang anggulong na-hijack ang eroplano.

“And as the features of those two passengers, we have looked, have looked and re-looked at the footage of the video and the photograph, it is confirmed that they are not Asian looking men,” saad ni Rahman.

Umaasa naman ang mga kaanak ng mga pasahero na makakakuha na sila ng konkretong impormasyon sa lalong madaling panahon kaugnay ng kinahinatnan ng kanilang mga kaanak na lulan ng nawawalang eroplano. (Irish Ilao / Ruth Navales, UNTV News)

Malaysian Air Force, pinabulaanan ang ulat na nagbago ng ruta ang nawawalang Boeing 777

$
0
0

Caption Dinh Van Qua operates on the cockpit of an aircraft AN-26 belonging to the Vietnam Air Force during a search and rescue mission off Vietnam’s Tho Chu island March 10, 2014. CREDIT: REUTERS/KHAM

KUALA LUMPUR, Malaysia – Tinutukan ngayon ng search team ng nawawalang Malaysia Airlines Boeing 777 ang west peninsular ng Malaysia sa Melaka Straits habang sinusuyod na rin ang mga land area maging ang bahagi ng karagatan ng Sumatra sa Indonesia.

Ito’y dahil sa ulat na nagbago umano ng ruta ang eroplano sa bahagi ng Pulau Perak, na pinabulaanan  naman ng hepe ng Royal Malaysian Air Force.

Ayon kay Malaysia’s Air Force chief, Rodzali Daud, wala umanong katotohanan ang ulat at hindi nanggaling sa kaniyang tanggapan ang impormasyon.

Samantala, inaalam na rin kung bakit tumigil din ang transponder ng eroplano matapos ang huling contact sa karagatang malapit sa Vietnam.

Ang transponder ay isang electrical instrument sa cockpit ng eroplano na tuloy-tuloy ang pagpapadala ng impormasyon katulad ng altitude ng eroplano, lokasyon, direksyon at bilis ng lipad nito.

Sa ngayon ay unti-unti nang dumadating sa Kuala Lumpur ang mga pamilya ng mga pasahero ng nawawalang eroplano batay na rin sa napagkasunduan nila at ng Malaysian Airlines.

Ngunit nilinaw ng tagapagsalita ng airline company na Ignatius Ong Ming Choy na hindi kompensyasyon ang ibinibigay nila sa mga pamilya.

“This is not a compensation. Let me repeat, this is not a compensation. This is a financial aid assistance. There was no specific conditions attached to it. We are saying this is for them to use during this term.”

Ang pagkawala ng Malaysia Airlines flight MH370 ay inihahalintulad sa nangyari sa isang Air France flight AF447 noong 2009.

Naglaho rin ito na parang bula na may sakay na 228 na mga pasahero.

Matapos ang halos dalawang taon ay natagpuan ang piraso ng pakpak ng eroplano ng mga Brazilian navy sa Atlantic Ocean.

Kaugnay nito ay nanawagan naman sa publiko ang Malaysian authority na maging maingat sa mga inilalabas na balita tungkol sa paghahanap sa nawawalang eroplano.

Ayon sa kanila, di lang ito nakakaapekto sa mga kaanak ng mga pasahero ng eroplano kundi maging sa isinasagawa nilang search and rescue operations. (Irish Ilao / Ruth Navales, UNTV News)

Search team ng Malaysia at Vietnam, walang nakitang debris sa lugar na nakita ng satellite ng China

$
0
0

Search area is seen on an iPad of a military officer onboard a Vietnam Air Force AN-26 aircraft, during a mission to find the missing Malaysia Airlines flight MH370, off Con Dao island, March 13, 2014. REUTERS/Kham

KUALA LUMPUR, Malaysia — Patuloy pa rin ang paghahanap ng mga awtoridad sa nawawalang Malaysia Airlines flight MH370 na ngayon ay nasa ika-anim na araw na.

Sa inilabas na satellite image ng Chinese authorities kaninang umaga, sinasabing debris ito mula sa nawawalang eroplano.

Ang larawan ay nakuhanan ng satellite ng China, isang araw matapos mawala ang Boeing 777.

Dahil dito, agad na nagpadala ng mga search team ang Malaysia at Vietnam sa South China Sea batay sa satellite image na sinasabi ring malapit sa flight path ng nawawalang eroplano.

Ngunit matapos ang paghahanap, walang nakitang debris ang mga awtoridad sa lugar na itinuturo ng satellite image.

Kasunod nito sinabi ni Chinese Premier Li Keqiang na hindi sila susuko sa paghahanap sa nawawalang eroplano.

“The Chinese government has activated a comprehensive contingency response and search operation, and one Chinese vessel is on its way towards the respected waters. Currently there are eight Chinese vessels in the related waters. Ten satellites are now providing information and technical support. We will not give up on any suspected clue that has been found.”

Dagdag pa nito, “We are doing our best to identify the suspicious dots spotted by satellite images. This is an international and large-scale search operation involving many countries. The Chinese government has asked relevant parties to enhance coordination, investigate the cause, locate the missing Malaysia Airlines plane and properly handle all related matters.”  As long as there is glimmer of hope, we will stop searching for the plane.”

Kaugnay nito, humingi na ng tulong sa Amerika ang Malaysia at hiniling na magpadala ng mga eksperto mula sa Federal Aviation Administration at National Transportation Safety Board upang i-analyze ang radar data.

Ito ay dahil sa mga hindi magkakatugmang impormasyon na naglalabasan ukol sa flight path ng Malaysian Airlines flight MH370.

Samantala, umapela naman sa publiko ang internet search engine na Google na huwag gagamiting source ang mapa nito sa paghanap sa MH370.

Ito ay dahil sa mga kumplikadong impormasyon na naglalabasan na natagpuan na umano ang eroplano gamit ang Google map.

Bilang pagbibigay respeto ng Malaysian Airlines sa hanggang ngayon ay nawawalang eroplano,

simula bukas ay babaguhin na ang flight code ng airline company sa ruta nito na Kuala Lumpur to Beijing at tuluyan nang aalisin ang flight code MH370.(Irish Ilao / Ruth Navales, UNTV News)

Viewing all 438 articles
Browse latest View live