Quantcast
Channel: Calamities and Disasters – UNTV News
Viewing all 438 articles
Browse latest View live

NDRRMC: Patay sa Bagyong Yolanda, umabot na sa 6,069

$
0
0

CASUALTIES

QUEZON CITY, Philippines — Umabot na sa 6,069  ang bilang ng mga kumpirmadong nasawi sa hagupit ng Bagyong Yolanda.

Batay sa ulat National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), mahigit na sa dalawampu’t pitong libo ang bilang ng mga sugatan habang nasa isanlibo at pitong daan pa rin ang nawawala.

Mahigit na rin sa P35-billion ang halaga ng pinsalang idinulot ng bagyo sa agrikultura at imprasktraktura.

Patuloy naman ang pag-ayuda ng pamahalaan sa mga binagyo at nakapagpalabas na ng mahigit sa isang bilyong pisong relief assistance. (UNTV News)


Mas mahigpit na polisiya sa bus operators at drivers, pinatitingnan ng Malakanyang sa DOTC

$
0
0
Sa ulat nitong umaga ng Lunes, Disyembre 16, 2013 ay umabot na sa 22 ang kumpirmadong patay sa pagkakahulog ng Don Mariano Bus Company sa Skyway sa Taguig. (PHOTOVILLE International)

Sa ulat nitong umaga ng Lunes, Disyembre 16, 2013 ay umabot na sa 22 ang kumpirmadong patay sa pagkakahulog ng Don Mariano Bus Company sa Skyway sa Taguig. (PHOTOVILLE International)

MANILA, Philippines — Pinaiimbestigahan ng Malakanyang sa Department of Transportation and Communication ang naganap na aksidente sa Skyway kaninang madaling araw.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, ipinauubaya nila kay DOTC Secretary Jun Abaya kung praktikal ang one-strike policy sa mga operator ng bus.

Reaksyon ito ng Palasyo sa naganap na aksidente na  kinasangkutan muli ng Don Mariano Bus kung saan mahigit na dalawampu ang namatay.

Inatasan na ni Secretary Abaya si LTFRB Chairman Winston Ginez na imbestisgahan ang aksidente at i-review ang mga kuha mula sa CCTV.

Sa pamamagitan nito matutukoy kung anong klaseng infrastructure improvement ang maaaring gawin sa skyway upang maiwasan na maulit muli ang  aksidente. (UNTV News)

 

Outstanding Young Men ng 2013, pinarangalan ni Pangulong Aquino

$
0
0
Si Pangulong Benigno Aquino III kasama ang mga napabilang sa 2013 The Outstanding Young Men. (MALACANANG PHOTO BUREAU

Si Pangulong Benigno Aquino III kasama ang mga napabilang sa 2013 The Outstanding Young Men. (MALACANANG PHOTO BUREAU

MANILA, Philippines — Siyam na natatanging indibidwal ang pinarangalan ni Pangulong Benigno Aquino III bilang The Outstanding Young Men (TOYM) ngayong 2013.

Ang TOYM ay isa sa mga most prestigious awards ng bansa para sa young men and women na may malaking dedikasyon sa kanilang mga napiling propesyon at nakapagbigay ng malaking kontribusyon sa pagpapaunlad ng Pilipinas.

Sa kanyang talumpati, umaasa ang pangulo sa mga awardee na magsisilbing inspirasyon sa ating mga kababayan lalo na sa mga biktima ng Super Typhoon Yolanda.

“You are the hope that inspires them to pursue their own dreams and hopefully in so doing touch the lives of others this is particularly important now at a time with normalcy and hope are beginning to return to areas affected by Typhoon Yolanda,” pahayag ni Pangulong Aquino.

Naniniwala rin ang pangulo na maraming Pilipinong maaaring magbigay ng malaking kontribusyon para sa ikauunlad ng ating bansa.

“Many people ask me what will happen to the country when I step down from the presidency, as if to imply I’m the only one who putting long days and nights for this country, events like these remind all of us there will be no shortage of Filipinos who are willing to take on the task of nation building,” saad pa ni Pangulong Aquino. (Nel Maribojoc / Ruth Navales, UNTV News)

Antique, niyanig ng 4.3 magnitude na lindol

$
0
0
Antique Google Maps

Antique (Google Maps)

MANILA, Philippines — Niyanig ng 4.3 magnitude earthquake ang lalawigan ng Antique kaninang tanghali, Biyernes.

Ayon sa PHIVOLCS, naganap ang lindol dakong alas-12:48, 34 kilometers northeast sa bayan ng San Jose De Buenavista.

Naramdaman ang intensity 3 sa Tibiao, Culasi, San Jose, Antique, Caticlan at intensity 2 naman sa isla ng Boracay. (UNTV News)

Suplay ng kuryente sa mga lugar na sinalanta ni Yolanda, naibalik na ayon sa DOE

$
0
0
Halos higit isang buwan mula nang nanalasa ang bagyong si Yolanda, ay naibalik na ng Department of Energy ang kuryente sa mga bayan sa Visayas na naapektuhang lubha ayon sa kanilang report. November 30, 2013 File Photo by ROVIC BALUNSAY / Photoville International

Halos higit isang buwan mula nang nanalasa ang bagyong si Yolanda, naibalik na ng Department of Energy ang kuryente sa mga bayan sa Visayas na naapektuhang lubha ayon sa kanilang report. November 30, 2013 File Photo by ROVIC BALUNSAY / Photoville International

MANILA, Philippines – Kung mga power grid ang pag-uusapan, naibalik na ang suplay ng kuryente sa lahat ng mga lugar na naapektuhan ng Bagyong Yolanda ayon sa Department of Energy (DOE).

Nakakonekta na rin ang mga electric cooperative o mga power distributor sa mga electric grid sa mga lugar na nasalanta ng bagyo.

Maging ang limang munisipalidad sa Eastern Samar ay nakabitan na ng kuryente simula pa kahapon, kabilang na ang bayan ng Lawaan, Guiuan, Balangiga, Quinapondan at Giporlos.

Subalit nilinaw ng DOE na bagama’t may suplay na ang mga power grid ay mayroon pa ring mga bayan at munisipalidad na walang kuryente.

Marami pa kasing mga poste ang nakatumba at hindi pa naisasaayos ang mga power lines.

Ayon sa DOE, hindi na nila problema ang mga ito dahil sagutin na ito ng mga Local Government Units o LGU’s.

Dagdag pa nito, kung hindi pa rin maayos ang electrical system ng isang bahay ay hindi pa rin ito makakabitan ng kuryente.

Ani Petilla, “Each one is responsible for the electrical system of their own home, kung di pa gawa ang electrical system mo, we can’t connect you.”

Ayon pa sa kalihim, kailangan rin ang certification mula sa Bureau of Fire Protection (BFP) at LGU bago makabitan ng kuryente.

“Bago makabitan ang mga bahay, the LGU and Bureau of Fire Protection will have to give a certification, kasi meron kaming pinailawan na iba medyo umusok kaya pinatay agad naming,” saad pa ni Petilla.

Matatandaan na nagbigay ng deadline hanggang December 24 si Energy Secretary Jericho Petilla upang maibalik ang suplay ng kuryente sa mga lugar na nasalanta ng Bagyong Yolanda. (Mon Jocson / Ruth Navales, UNTV News)

Iniwang patay ng Bagyong Yolanda, 6,155 na – NDRRMC

$
0
0

CASUALTIES

MANILA, Philippines – Umabot na sa 6,155 ang bilang ng mga kumpirmadong nasawi dahil sa Bagyong Yolanda.

Batay sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nasa 1,785  pa rin ang nawawala, habang 25,626 naman ang mga nasugatan.

Nananatili naman sa mahigit P36-bilyong piso ang halaga ng pinsalang idinulot ng Super Typhoon Yolanda sa imprastraktura at agrikultura.

Samantala, pinagpapaliwanag ng Malacanang ang mga konsernadong ahensiya ng pamahalaan tungkol sa mahigit isang libong bangkay sa Tacloban na hindi pa naililibing pitong linggo makalipas na manalasa ang Bagyong Yolanda.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Herminio “Sonny” Coloma Jr., bumuo na sila ng task force upang tutukan ang proseso ng identification at paglilibing sa mga nasawi.

Nais ring mabatid ng Palasyo kung totoo ang ulat at dahilan kung bakit hindi pa naililibing ang mga bangkay na nasa mga body bag sa isang barangay na maaring magdulot ng sakit sa mamayan doon. (UNTV News)

Nabiktima ng paputok at ligaw na bala, umabot na sa 244 — DOH

$
0
0
FILE PHOTO: Ang isa sa mga naputukan nating mga kababayan na isinugod sa mga pampublikong pagamutan sa pagsalubong sa taong 2013. (PHOTOVILLE International)

FILE PHOTO: Ang isa sa mga naputukan nating mga kababayan na isinugod sa mga pampublikong pagamutan sa pagsalubong sa taong 2013. (PHOTOVILLE International)

MANILA, Philippines — Umabot na sa 244 ang naitalang firework-related injuries ng Departmant of Health (DOH).

Ayon kay DOH Assistant Secretary Doctor Eric Tayag, 238 dito ang naputukan kung saan pinakamarami ang biktima ng piccolo.

Isa ang nakalulon ng paputok at lima naman ang tinamaan ng ligaw na bala.

Ayon sa DOH, mas mataas ang bilang na ito kumpara sa 179 firework-related cases na naitala sa kaparehong panahon noong 2012.

Bukod dito, binabantayan din ng DOH ang kaso ng tetano at hika na sanhi ng pagkakalanghap ng usok ng mga paputok. (UNTV News)

Mahigit dalawampung kaso ng mga naputukan, naitala sa Jose Reyes Memorial Medical Center

$
0
0
Jose Reyes Memorial Medical Center Facade (UNTV News)

Jose Reyes Memorial Medical Center Facade (UNTV News)

MANILA, Philippines – Hindi bababa sa dalawampu ang kaso ng mga naputukan na naitala sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ilang oras na lamang bago magpalit ng taon.

Karamihan sa mga naitalang kaso simula pa kahapon, Lunes ay bunga ng paggamit ng ipinagbabawal na paputok na piccolo.

Ayon kay JRMMC surgeon na si Dr. Emmanuel Tadifa, pinangangambahang mas tumaas pa ang bilang ng mga biktima ng paputok ngayong taon kumpara sa nakaraang taon.

Ito ay sa kabila ng mahigpit na kampanya ng Department of Health (DOH) na huwag gumamit ng paputok sa pagsalubong sa bagong taon.

“Sa ganitong trend pa lamang nakikinita na namin na dadami pa po, we don’t know the reason despite all these na ginagawa ng DOH to deter using firecracker pero madami pa ding gumagamit,” saad ni Dr. Tadifa.

Umapela naman ang mga doktor na mas makakabuting huwag nang gumamit ng paputok upang makaiwas sa peligro at sakit ng ulo.

“We just want to tell everybody that having an injury is not a funny thing it’s a very painful thing,” pahayag pa ni Dr. Tadifa.

Samantala, nagpaalala naman ang mga doktor na sakaling magkaroon ng aksidente sa paggamit ng paputok ay iwasang mag-self medicate. Makabubuting dalhin agad sa pinakamalapit na ospital ang biktima upang masuri ng mga doktor.

Patuloy namang nakaantabay ang Jose Reyes Memorial Medical Center para sa mga mangangailangan ng atensyong medikal.(Mon Jocson / Ruth Navales, UNTV News)


Ilang biktima ng paputok, aksidente at karahasan sa buong magdamag, nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team

$
0
0
Ang pagresponde UNTV News and Rescue Team sa isang aksidente sa Cebu City sa pagpasok ng 2014. (ROMALDO MICO SOLON / Photoville International)

Ang pagresponde UNTV News and Rescue Team sa isang aksidente sa Cebu City sa pagpasok ng 2014. (ROMALDO MICO SOLON / Photoville International)

MANILA, Philippines – Bukod sa mga biktima ng paputok at ligaw na bala, ilang insidente rin ng sunog, karahasan at aksidente sa lansangan ang naitala sa buong magdamag.

At sa pagbabantay ng buong pwersa ng UNTV News and Rescue Team sa iba’t ibang bahagi ng bansa, naitala ang kaso ng sunog sa bahagi ng Libertad sa Pasay City kung saan sampung bahay ang naabo.

May isinugod din sa ospital matapos mabiktima ng pananaksak, habang dalawa naman ang nasawi at tatlo ang sugatan sa nangyaring pamamaril sa Caloocan City.

Ilang biktima rin ng aksidente sa lansangan ang tinulungan ng UNTV News and Rescue Team partikular ang motorcycle riders na naaksidente sa Quezon City at Bacolod, pati na ang dalawang nasaktan sa isa pang vehicular accident sa Cebu.

Isa ring nabiktima ng pamamaril sa Muntinlupa ang nilapatan ng pang-unang lunas ng UNTV rescuers saka inihatid sa ospital.

Magdamag ring bukas ang UNTV Clinic ni Kuya kung saan ginamot ng mga volunteer doctor ang isang naputukan ng pla-pla sa mukha.

Ang UNTV News and Rescue ay bukas sa lahat ng mga nangangailangan ng tulong, at para sa emergencies, maaaring tumawag sa numerong 441-8688 at 544-0321; mobile numbers 0938-803-0777, 0926-633-5744 at 0923-416-1377. (Benedict Galazan / Ruth Navales, UNTV News)

Isang binatilyo na tinamaan ng paputok naman sa Taguig ang nilapatan ng first aid ng UNTV News and Rescue Team nitong madaling araw ng Enero 01, 2014 (JAMES ESPIRITU / Photoville International)

Isang binatilyo na tinamaan ng paputok naman sa Taguig ang nilapatan ng first aid ng UNTV News and Rescue Team nitong madaling araw ng Enero 01, 2014 (JAMES ESPIRITU / Photoville International)

Mga sakay ng van na sumalpok sa isang poste sa EDSA-Muñoz, tinulungan ng UNTV News & Rescue Team

$
0
0
Ang pagdala sa ospital ng isa sa mga nasugatan sa aksidente nitong Enero 01, 2013 sa EDSA-Munoz matapos malapatan ng first aid ng UNTV News and Rescue Team (UNTV News)

Ang pagdala sa ospital ng isa sa mga nasugatan sa aksidente nitong Enero 01, 2013 sa EDSA-Munoz matapos malapatan ng first aid ng UNTV News and Rescue Team (UNTV News)

QUEZON CITY, Philippines — Wasak ang harapang bahagi ng van matapos itong bumangga sa isang poste ng kuryente sa may bahagi ng EDSA-Muñoz, kaninang madaling araw, Miyerkules.

Agad namang nilapatan ng paunang lunas ng UNTV News and Rescue Team ang dalawang sugatang sakay nito na kinilalang sina Castillo Santos, 23-anyos at Augosto Delara, 21-anyos na nagtamo ng sugat sa ulo at mukha at bali sa likod.

Kwento ng dalawa, may gumitgit sa kanilang sasakyan habang bumaybaybay sa kahabaan ng EDSA.

Ayon naman kay traffic sector investigator na si Christian Barcarse, sumadsad sa gutter ang van saka sumalpok sa poste.

Duda ng traffic law enforcer, mabilis ang takbo ng van at posibleng nakatulog ang drayber.

Matapos bigyan ng first aid ay agad ding dinala sa ospital ang mga biktima upang masuri ang kanilang kalagayan. (Reynante Ponte / Ruth Navales, UNTV News)

Fireworks related injuries, pumalo na sa 933 — DOH

$
0
0
Sa kabila ng taunang pangangampanya ng Kagawaran ng Kalusugan ay  pumalo pa rin sa 933 ang nai-report na kaso ng fireworks related injuries base sa pinakahuling ulat.  Nalampasan na nito ang record ng naging pagsalubong sa 2013.  (KENJI HASEGAWA / Photoville International)

Sa kabila ng taunang pangangampanya ng Kagawaran ng Kalusugan ay pumalo pa rin sa 933 ang nai-report na kaso ng fireworks related injuries base sa pinakahuling ulat. Nalampasan na nito ang record ng naging pagsalubong sa 2013. (KENJI HASEGAWA / Photoville International)

MANILA, Philippines — Pumalo na sa 993 ang bilang ng fireworks related injuries na naitala ng Department of Health (DOH) sa pagsalubong sa 2014.

Ayon kay DOH Spokesman Asec. Eric Tayag, mas mataas ito kumpara sa 931 ng nakaraang taon.

“Baka umabot pa ng isang libo yan sapagkat tumatanggap pa kami ng delayed reports. At dahil sa Jan.3 mataas yan, ang ibig sabihin nyan bago tayo matapos ng bilangan sa Jan.5, definitely mas marami ang naputukan ngayong taon.”

Sa 933, dalawa ang nakalulon ng paputok, umakyat  naman sa 17 ang tinamaan ng ligaw na bala at 914 ang naputukan.

Sa mga biktima, 326 o 36% ang passive case o mga nahagisan lamang at hindi talaga sila ang nagpaputok.

Sa naturang bilang, 229 o 25% ay pawang mga bata na hindi tataas sa sampung taong gulang.

Samantala, umabot naman sa 136 ang naitalang eye injuries, habang 22 ang na-amputate o naputulan ng parte ng katawan.

Pinakagrabe dito ang 11-anyos na batang lalaki sa Balong-Balong, Quezon City na naputulan ng dalawang kamay.

Ani Tayag, “Ito ay dahil sa pumulot sya ng akala nya ay hindi pa sumabog na mga paputok. Hindi po piccolo, dinampot ng bata.”

Bagama’t mas mataas ang bilang ng mga naputukan ngayong taon, karamihan naman ng datos ay mild cases lamang ayon sa DOH.

Ayon kay Tayag, bunga ito ng takot sa paggamit ng malalakas na paputok subalit dumami naman ang gumamit ng iligal na piccolo.

“Kasi nga kahit maliit sya, sya ay nakadisgrasya. Ang nangyari po rito ay maaring nakuha nilang libre yung piccolo o dahil sa napakamura po nito at hindi kailangan ng posporo,mas marami po ang na-enganyo. Many were tricked in using piccolo mindless of danger it post to those who will use it,” saad pa nito.

Upang maiwasan ang muling paglobo ng bilang ng mga nasugatan sa susunod na taon… ayon sa DOH, patuloy nilang isusulong ang kampanyang “just watch and do not touch” approach kung saan community based fireworks show na lamang ang gagawin. (Pong Mercado / Ruth Navales, UNTV News)

Higit 3-libong pulis, ipakakalat sa nalalapit na taunang prosisyon sa Quiapo

$
0
0
FILE PHOTO: Inaasahan na naman ang muling pagdagsa ng mga namamanata nating mga kababayang Katoliko  sa taunang pagdiriwang ito na gaganapin sa Enero 09, 2014 kaya naman higit sa 3,000 pulis ang ipapakalat ng MPD sa pagpapanatili ng kaayusan na naturang pagdiriwang. (FREDERIC ALVIOR / Photovillle International)

FILE PHOTO: Inaasahan na naman ang muling pagdagsa ng mga namamanata nating mga kababayang Katoliko sa taunang pagdiriwang ito na gaganapin sa Enero 09, 2014 kaya naman higit sa 3,000 pulis ang ipapakalat ng MPD sa pagpapanatili ng kaayusan na naturang pagdiriwang. (FREDERICK ALVIOR / Photovillle International)

MANILA, Philippines – Puspusan na ang paghahanda ng Manila Police District (MPD) para sa pagpapanatili ng seguridad sa taunang prusisyon sa Quiapo sa Enero 9.

Isang command conference ang isinagawa ng MPD kasama ang ilan pang organisasyon na kabilang sa mangangasiwa sa nalalapit na prusisyon.

Pangunahing tinalakay dito ang pagbabantay sa seguridad at ang posibleng traffic rerouting.

Iminumungkahi rin ang pagkakaroon ng class suspension sa mga paaralan sa Maynila upang hindi maabala ang mga magaaral at upang hindi rin lalong magsikip ang trapiko.

Samantala, nasa 10 milyon ang inaasahang lalahok sa taunang prosisyon.

Ayon kay MPD Station 5 Commander Col. Alex Yangquiling, magpapakalat ng mahigit tatlong libong pulis mula sa Maynila at NCRPO.

Dagdag pa riyan ang libu-libong augmentation force mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

May mga ipapakalat rin na mga medical team at maging search and rescue team.

Nangako rin ang Philippine Coast Guard (PCG) na magpapadala ng limang team mula sa special operations group na magpapatrolya sa ilalim ng Jones Bridge at Manila Bay. (Ley Ann Lugod / Ruth Navales, UNTV News)

Pagtama sa bansa ng bagyong kasing lakas ni Yolanda, pinabulaanan ng PAGASA

$
0
0
Ang kumakalat ngayon sa mga social networking site na tungkol sa umano'y namumuong super typhoon na kasing lakas ni Yolanda. (UNTV News)

Ang kumakalat ngayon sa mga social networking site na tungkol sa umano’y namumuong super typhoon na kasing lakas ni Yolanda. (UNTV News)

MANILA, Philippines — Pinabulaanan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration ang kumakalat ngayon sa social networking sites na isang bagyong kasing lakas ni Yolanda ang magla-landfall sa bansa sa Enero 16, Huwebes.

Ayon sa PAGASA, may malaking kaulapang namumuo apat na libong kilometro ang layo sa Pilipinas, ngunit malaki ang porsyento na hindi ito mabuo bilang isang malakas na bagyo.

Base sa datos at real time satellite image ng PAGASA, hindi pa makikita ang sinasabing low pressure area dahil lubha pa itong malayo sa bansa.

“Wala pang data sa atin na nagsasabi na magiging Yolanda part 2. Pangalawa malabong mangyari sa ngayon itong LPA na magiging bagyo, malayo pa na masabi, sa ngayon may lpa nga sa labas ng PAR around 3k to 4k east ng Mindanao,” pahayag ni Aldczar Aurello, Weather Forecaster.

Pinabulaanan din ng PAGASA ang petsang January 16 kung kailan tatama umano ang isang super bagyo sa Visayas at Southern Luzon.

Ayon sa PAGASA, masyado pang maaga upang ibigay ang eksaktong landfall date at landfall projection nito.

Ipinaliwanag din ng PAGASA na makararanas ng mas malamig na panahon ang bansa, at isa sa nakapagpapahina sa lakas ng isang bagyo ay ang malamig na klima.

Paliwanag ni weather forecaster Aldczar Aurello, “Kapag panahon ng amihan, halimbawa bagyo napasukan ng malamig na hangin hihina ang bagyo, o kaya LPA napasukan ng malamig na hangin mababawasan strength niya at malulusaw.”

Sa kabila nito, hindi pa rin daw dapat maging kampante ang mga tao, mas makakabuti na habang maganda ang panahon ay umpisahan ng maghanda sa pamamagitan ng pagkukumpuni sa bahay at pagsasaayos ng drainage system. (Mon Jocson / Ruth Navales, UNTV News)

Malacañan: Relief operation ng DSWD sa ‘Yolanda’ victims, hanggang March 31 na lang

$
0
0
FILE PHOTO: Ang mga volunteer mula sa grupong Ang Dating Daan at UNTV sa pagkakarga ng mga repacked na relief goods sa DSWD-NROC sa Pasay upang maipadala sa mga kababayan natin sa kabisayaan na tinamaan ng supertyphoon na Yolanda. (PHOTOVILLE International)

FILE PHOTO: Ang mga volunteer mula sa grupong Ang Dating Daan at UNTV sa pagkakarga ng mga repacked na relief goods sa DSWD-NROC sa Pasay upang maipadala sa mga kababayan natin sa Kabisayaan na tinamaan ng supertyphoon na Yolanda. Ayon sa Malakanyang ang relief operation para sa mga ito ay hanggang sa March 31 na lamang. (PHOTOVILLE International)

MANILA, Philippines — Tiniyak ng Malakanyang na patuloy na makatatanggap ng tulong mula sa pamahalaan ang mga nabiktima ng Bagyong Yolanda.

Ginawa ng Malakanyang ang pagtiyak sa kabila na hanggang sa March 31 na lamang ang pamamahagi ng relief goods ng DSWD.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, nagsasagawa na ng assessment ang DSWD kung anong klaseng tulong ang maaring maibigay pa sa sa bawat pamilya.

Sinabi na Valte na magpapatuloy ang Cash-For-Work Program, gayundin ang mga livelihood projects para sa mabilis na pagbangon ng mga nasalanta ng kalamidad. (UNTV News)

 

LPA, maaaring pumasok sa PAR ngayong Biyernes

$
0
0
PAGASA-DOST MTSAT ENHANCED-IR Satellite Image  2:32 p.m., 07 January 2014

 MTSAT ENHANCED-IR Satellite Image
2:32 p.m., 07 January 2014 (PAGASA-DOST)

MANILA, Philippines – Patuloy na mino-monitor ng PAGASA ang low pressure area (LPA) sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Sa pagtaya ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration, ito ay maaaring pumasok sa PAR sa araw ng Biyernes at magpapaulan sa Bicol at Visayas area sa Sabado at Linggo.

Sakaling maging bagyo ang naturang LPA ay papangalanang Agaton.

Samantala, apektado pa rin ng trough ng low pressure area sa labas ng Philippine area of responsibility ang Mindanao samantalang northeast monsoon o amihan naman ang nakakaapekto sa bahagi ng Luzon.

Batay sa pagtaya ng PAGASA, magiging maulap ang papawirin sa Visayas at Mindanao at magkakaroon ng katamtamang pagulan.

Ang Metro Manila naman at nalalabing bahagi ng bansa ay makakaranas ng pulo-pulong pagulan pagkulog at pagkidlat. (UNTV News)


23 patay sa pananalasa ng polar vortex sa Amerika

$
0
0
The steam approach: arctic sea smoke rises off Lake Michigan in Chicago on Monday. Photograph: Jim Young/Reuters

The steam approach: arctic sea smoke rises off Lake Michigan in Chicago on Monday. Photograph: Jim Young/Reuters

USA – Nagsisimula nang bumalik sa normal ang pamumuhay ng mga residente sa Chicago matapos ang record-breaking sub-zero temperatures nitong nakalipas na dalawang araw.

Bagama’t nananatiling malamig ang panahon sa buong siyudad, mas tolerable na ito kumpara sa naramdaman noong nakaraang araw  dahil sa  umiiral na polar vortex.

Sa sobrang lamig ng temperatura, ang tubig sa sikat na lake Michigan pati na ang maliliit na lawa sa Chicago ay nag-yelo.

Sa ulat naman ng weather bureau, nagsimula nang tumaas ang temperatura sa siyudad ng above zero degrees fahrenheit matapos itong bumagsak sa mahigit negative 50 degrees noong Lunes at Martes.

New York City January 8, 2014 7:45 am Air temperature: -11 degrees C Feels like -13 degrees C

New York City, January 8, 2014, 7:45 am; Air temperature: -11 degrees C
(IDEN JAVIER / Photoville International)

Sa New York City, bahagya nang humupa ang nararamdamang matinding lamig sa siyudad dahil papalabas na ng bansa ang polar vortex na umiral sa nakalipas na tatlong araw.

Bunsod ito ng high pressure sa Southwest at Northeast Amerika na nagtutulak sa polar vortex pabalik ng Canada.

Ayon sa mga weather forecast, inaasahang sa sabado ay tuluyan ng babalik sa above average ang temperatura sa malaking bahagi ng Amerika.

Samantala, isang commuter ferry naman ang humingi ng tulong matapos ma-trap sa nagyeyelong Hudson River. Wala naman sakay na pasahero ang ferry boat dahil lumabas lamang ito para sa maintenance routine.

Snow buries this car overnight at an apartment parking lot in Scarborough, Ontario, Canada. (DENNIS NARCIDA / Photoville International)

Nilubog ng yelo ang isang kotse sa buong magdamag na pag-snow sa isang apartment parking lot sa Scarborough, Ontario, Canada. (DENNIS NARCIDA / Photoville International)

Sa Canada, apektado na ng umiiral na polar vortex ang ilang probinsya sa Canada. Kabilang sa mga ito ay ang Newfoundland at Thunder Bay sa Ontario kung saan umaabot sa negative 33 degrees celsius o negative 27 degrees fahrenheit ang temperature.

Naging dahilan din ito ng malawakang power failure na nakaapekto sa libu-libong residente sa Newfoundland.

Sa Toronto, pumalo sa negative-15 degrees celsius ang temperatura. Bunsod nito, umakyat na sa 23 ang bilang ng mga nasawi sa matinding lamig sa buong Amerika.

ANg pagyelo ng lawang ito sa Montreal, Quebec, Canada dahil sa Polar Vortex. (LAWRENCE ESPANO / Photoville International)

Ang pagyelo ng lawang ito sa Montreal, Quebec, Canada dahil sa Polar Vortex. (LAWRENCE ESPANO / Photoville International)

Patuloy din ang buhos ng snow sa mga apektadong estado kung saan nakataas pa rin ang winter at blizzard warnings sa bahagi ng Oklahoma, Kansas, Missouri, Arkansas, Tennessee at Mississippi.

Ayon sa US department of energy, 41-libong mga residente ang walang supply ng kuryente sa ngayon dahil sa masamang panahon. (UNTV News)

 

Mahigit isang libong pamilya, inilikas dahil sa pagbaha sa Surigao City

$
0
0
Google Maps: Surigao City

Google Maps: Surigao City

SURIGAO CITY, Philippines — Umabot hanggang tuhod ang baha sa ilang bahagi ng Surigao City dahil sa pag-apaw ng tubig bunsod ng patuloy na pag-ulan sanhi ng low pressure area o LPA.

Tinatayang umabot na sa 1,600 pamilya sa buong probinsya ang pansamantalang lumikas sa mga evacuation center.

Namahagi naman ang lokal na pamahalaan ng mga food pack at gamot sa mga evacuee.

Ilang insidente rin ng landslide ang naitala sa Brgy. Laurel, Taganaan, San Isidro Tubod at Kapalayan, Surigao City bunsod pa rin ng walang patid na ulan.

Una nang kinansela ang klase sa pre-school at elementarya dahil sa sama ng panahon.

Samantala, pinahintulutan na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga lantsa na bumibiyahe ng Dinagat at Siargao Island matapos itong pagbawalan kahapon dahil sa malalaking alon. (Edwin Anay / Ruth Navales, UNTV News)

State of calamity, idineklara sa Davao Oriental dahil sa mga pagbaha

$
0
0
Ang mga mamamayan ng  Marayag Village, Lupon town sa Davao Oriental habang pinagmamasdan ang lawak ng sirang kanilang sinapit mula sa nangyaring landslide nitong Lunes, January 13, 2014 na dala ng malakas na pag-ulan. Sa ngayon ay deklarado ng nasa state of calamity ang naturang lalawigan. (PHOTOVILLE International)

Ang mga mamamayan ng Marayag Village, Lupon town sa Davao Oriental habang pinagmamasdan ang lawak ng sirang kanilang sinapit mula sa nangyaring landslide nitong Lunes, January 13, 2014 na dala ng malakas na pag-ulan. Sa ngayon ay deklarado ng nasa state of calamity ang naturang lalawigan. (PHOTOVILLE International)

DAVAO, Philippines — Idineklara na ang state of calamity sa buong Davao Oriental dahil sa lawak ng pinsalang idinulot ng mga pagbaha at landslide sa probinsya dahil sa low pressure area o LPA.

Pangunahing problema ngayon ang pagpapaabot ng relief goods sa mga munisipalidad ng Baganga, Cateel, Boston at Caraga dahil nasira ang lahat ng tulay na nagdurugtong sa mga ito.

May apat sanang ruta papunta sa mga lubhang naapektuhang munisipalidad ngunit dahil sa mga nasirang tulay ay hindi pa ito mapasok.

Hindi rin magamit ang mga military choppers dahil hanggang sa ngayon ay masama pa rin ang panahon sa lugar.

Dahil dito, inatasan na ni Davao Oriental Governor Corazon Malanyaon ang lahat ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) na bilhin muna ang mga laman ng groceries sa kani-kanilang lugar at ipamahagi sa mga apektadong residente.

Binisita naman kanina ng gobernador kasama ang regional director ng Office of Civil Defense, mga militar at PNP ang Brgy. Marayag sa Lupon, Davao Oriental na isa sa mga lubhang napinsala dahil sa pagragasa ng flash-flood.

Makikita sa lugar ang naglalakihang bato mula sa kabundukan at mga troso na umagos at sumira sa mga bahay sa nasabing barangay. (Louell Requilman / Ruth Navales, UNTV News)

Libu-libong pasahero, stranded sa mga pantalan dahil sa LPA

$
0
0
Ang bilang ng mga na-stranded ngayong araw sa pagtatala ng Philippine Coast Guard kaninang 10am. (UNTV News)

Ang bilang ng mga na-stranded ngayong araw sa pagtatala ng Philippine Coast Guard kaninang 10am. (UNTV News)

MANILA, Philippines — Tumaas pa ang bilang ng mga pasaherong stranded sa mga iba’t ibang pantalan dahil sa low pressure area na nakaaapekto sa bansa.

Sa update ng Philippine Coast Guard (PCG), umabot na sa 4,217 na mga pasahero sa Bicol at Visayas ang stranded dahil sa pagkansela ng mga biyahe ng barko.

3,870 naman ang stranded sa Matnog, Sorsogon, habang 347 sa Cebu, at may ilan pa sa Tagbilaran City, Bohol.

Dalawampu’t pitong biyahe ng barko na ang kinansela sa mga naturang lugar, habang apat na motor bancas naman ang naitalang stranded sa karagatan.

“Yung mga stranded, hino-hold na lang namin sa terminals kesa umalis sila sa mga lugar na kung saan sila nagstay, para maiwasan ang aksidente,” saad ni PCG Lt. J.G. Joeliza Barbaza.

Inaabisuhan naman ng PCG ang ating mga kababayan na may biyahe o papunta ng mga puerto na huwag nang tumuloy para hindi na madagdagan ang bilang ng mga stranded na pasahero.

Pinapayuhan rin na manatiling nakaantabay sa advisory ng PAGASA.

Samantala, ipinahayag rin ng Philippine Coast Guard na lalo nilang pinaigting ang preparasyon sa mga pagbaha.

Ayon kay Barbaza, “may mga bago na po kaming rubber boats na pwede nang ideploy. So unlike before na kinukulang kami sa mga equipment, ngayon po umaasa kami na sa tulong ng bago naming mga rubber boats at karagdagang tauhan, makakapag-respond kami nang mas maaga.”

Sa ngayon ay wala pang naitatalang rescued persons ang PCG, ngunit patuloy aniyang nakaalerto ang kanilang mga diver sa mga lugar na may gale warning at apektado ng LPA. (Bianca Dava / Ruth Navales, UNTV News)

Bilang ng mga nasawi sa LPA, umabot na sa 13

$
0
0
Ang mga kababayan natin sa Marayag Village, Lupon town sa Davao Oriental habang dumadaan sa nasirang tulay dulot ng  nangyaring landslide nitong Lunes, January 13, 2014 na dala ng malakas na pag-ulan. Ayon sa pinakahuling ulat ng NDRRMC, 13 na ang kumpirmadong patay kung saan ang 7 ay mula dito sa lalawigang ito. (PHOTOVILLE International)

Ang mga kababayan natin sa Marayag Village, Lupon town sa Davao Oriental habang dumadaan sa nasirang tulay dulot ng nangyaring landslide nitong Lunes, January 13, 2014 na dala ng malakas na pag-ulan. Ayon sa pinakahuling ulat ng NDRRMC, 13 na ang kumpirmadong patay kung saan ang 7 ay mula dito sa lalawigang ito. (PHOTOVILLE International)

MANILA, Philippines — (Update) Pinangangambahang tumaas pa ang bilang ng mga nasawi sa pananalasa ng low pressure area o LPA sa bahagi ng Mindanao.

Sa pinakahuling tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot na sa 13 ang bilang ng mga kumpirmadong nasawi.

34 ang naitalang nasugatan, habang 7 ang nawawala at patuloy na pinaghahanap. Anim sa mga nasawi ay mula sa Compostela Valley at pito ay mula sa Davao Oriental.

Umabot na rin sa 132,379 ang bilang ng apektado ng mga pagbaha sa sampung probinsya ng Region X, XI, CARAGA. Marami ang nagkusa nang lumikas at pansamantalang nanunuluyan sa mga evacuation center.

Samantala, pahirapan ngayon ang pagdadala ng mga relief goods dahil mahigit dalawampung mga kalye ang hindi madaanan at 13 mga tulay ang nasira ng pagragasa ng tubig.

Nag-over flow ang Saug River sa Asuncion, Davao Del Norte at Libuganon River sa Kapalong, Davao Del Norte.

Sa ngayon ay 113 mga bahay ang totally damaged, at 138 ang partially damage.

Pinangangambahang malaking bahagi ng agrikultura ang nasira sa bahagi ng Mindanao na umabot na sa 8,282 ektarya ng lupain.

Hanggang sa ngayon ay suspendido ang klase sa malaking bahagi ng Surigao Del Norte at Compostela Valley bunsod pa rin ng LPA. (Mon Jocson / Ruth Navales, UNTV News)

Viewing all 438 articles
Browse latest View live